Kym's POV
Nandito kami sa mall. Manonood daw kami ng sine. Kasama ko si Lance at Madison. Kung titignan mo sila para silang maggirlfriend boyfriend. Nakaakbay si Lance kay Madison. Eh musta naman ako?? eto loner. Walang kasama. Nakakasakit kasi ng damdamin na may mahal na yung mahal ko tas pinamumukha pa sa akin.
"Oi Kym!!" tawag sa akin ni Lance.
"lutang ka na naman" natatawang sabi ni Madison. Lutang agad pwedeng may iniisip lang. Lagi na lang nila akong sinasabihan nila ng ganyan. May part naman na totoo pero minsan naman hindi eh.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang nakarating kami sa theater. Bumili sila ng ticket at pagkain. As usual magkatabi sila. Ang pormat namin. AKO=>LANCE=>MADDY.
Nanood kami ng sine na wala akong gana. Gusto ko ng umalis para lang akong anino nila dito. Tatayo na sana ako pero may humila sa akin.
"hi" nakangiti niyang sabi. Jaycob??
"hi??" alinlangan kong sabi o tanong.
"uso umupo" sabi niya. Umupo naman ako mamaya mangalay pa ako eh.
"What's your name??" nakangiti niyang tanong. Hindi niya ba ako kilala??
"Kym. And you are?"
"Alexander" sabi niya. Alexander??kambal ba siya ni Jaycob?? layo naman ng pangalan nila sa isa't isa.
"Are you related to Jaycob?" tanong ko. Curious ako eh
"who's Jaycob??" tss english naman to ng english.
"a friend of mine. You look like him eh that's why I thought that you are Jaycob" yan lumalabas ang kagalingan ko sa english
"aaahh. How many percent that he look like me?" tanong niya.
"hundred?" sabi ko. Totoo naman eh. Kamukhang kamukha niya.
"hahaha hundred talaga. Magkaiba kami nun. Nakasama ko na yun. Mayabang yun. Masyadong proud sa sarili. Ako kasi masyado akong gwapo kumpara sa kanya" paliwanag niya. Mayabang din pala ito.
"aaahh" yun na lang nasabi ko.
"di ba ikaw yung taong mahal niya?" tanong niya. Luh?? Hindi ah crush lang ako nun.
"silence means yes" sabi niya na may pilyong ngiti.
"Hindi ah" giit ko.
"late reaction??" ..Tss.Wala kang pakielam.
Inirapan ko na lang siya.Hindi ko naman siya kilala eh.
"Ito naman hindi mabiro"
Nang matapos ang palabas ay naguusap pa rin kami ni Alex. Hindi naman siya mahirap pakisamahan eh. Nagtatampo nga ako sa dalawa eh para na nila akong nakalimutan.
"Iniwan na ako ng mga kasama ko" malungkot kong sabi.
"Hayaan mo sila. May mga bagay talagang kailangan iwanan para masolo mo yung isang bagay" sabi niya. Luh.. Hugot?? Saan kaya niya yan napupulot?? Sa highway?
"Oi iniisip mo dyan. Totoo naman ang sinasabi ko ah!" sabi niya. Cute niya talaga. Luh. Anong sinasabi ko? Kapag sinabihan ko siya ng cute ibig sabihin cute din si Jaycob.
"Bakit sinabi ko bang hindi??" laban ko sa kanya. Hmmp akala niya ah.
"Tss may iniisip kang kakaiba eh" sabi niya pa. Mukha tong abnormal.. pero ang cute niya. Lash nababaliw na ako.
"Bakit nababasa mo ba isip ko?? Mind reader lang ang peg?"
"Tss ewan ko sayo" sabay alis pero pinigilan ko sya. Walang maghahatid sa akin, iniwan nga nila ako di ba?
BINABASA MO ANG
TROPANG BALIW
Teen FictionMga kaibigang hindi mapapantayan. Ang klase ng mga taong hindi nangiiwan. May mga tinatagong hindi inaakalang ugali sa loob ng katawan kapag magkakasama tawa ng tawa kahit mababaw lang ang dahilan. Kaya sila tinawag na TROPANG BALIW dahil sa kani ka...