Jaycob's POV
(yehey may POV na si Jaycob *clap clap*)
Pucha nandito ako sa gate naghihintay sa apat na hinayupak na niyaya ako na manood ng sine. Hindi pala isa lang pala ang hinayupak sa kanila si Yannah lang tas yung tatlo magagandang dalagita. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago sila dumating.
"hey Jaycob! Kanina ka pa??" tanong sa akin ni hinyupak este Yannah.
"hindi, kararating ko lang. Mga 30 min ako naghintay" sagot ko.
"sorry bro ang bagal kumilos ng mga kababaihan eh" sabi niya. Wow makapagsalita parang di babae. Tsk tsk.
"nagsalita ang hindi babae" sabi ni Maddy.
"tara na nga, mabadtrip pa ako sa inyo" -Athena. Miss ko tong masungit na to.
Papunta na kami sa parking lot ng biglang huminto si Athena. Syempre kami gaya gaya.
"problema??" tanong ko.
"hehehe. Nakalimutan ko, wala pala akong kotse kinuha ni daddy" sagot niya.
"anu ba yan??" himutok ni Yannah.
Wag yung sasakyan ko. Mahal ang gas. Wala akong pera. Nagtitipid ako may pinagiiponan ako. Tinignan nila ako. Naku!umiwas na ako ng tingin. Wala akong alam dyan.
"sige na, sa akin na lang kotse ako na rin magdra drive" pagkasabi ni Yannah bigla silang nagsilapitan sa akin.
"oi Jaycob iyo na lang parang awa mo na. Ayaw pa namin mamatay" bulong sa akin Maddy. Ako rin ayaw ko pang mamatay eh.
"oi ikaw naman, akin na lang na kotse. Mahal ang gas kaya akin na lang" sabi ko. Anu ba yan? Mababawasan na tuloy allowance ko.
Kinuha ko na ang kotse ko. Ang tatlong dalagita at unidentified gender naghihintay sa gate. Sabi ko kasi sa kanila na sa gate na lang ako hintayin dahil kakargahan ko lang ng gas ang sasakyan ko. Napagastos pa ako. Sana naman sulit ang trip na to. Nakarating na agad ako sa gate pagkatapos magpagas.
"ang tagal ah" reklamo ni Athena. Ang taray pa rin talaga ni Athena.
"oo nga, ang tagal" sang ayon ni Yannah. Naku pasalamat nga kayo dyan eh. Kung hindi ko nga lang mahal ang buhay ko pumayag na ako magdrive si Yannah.
Lahat nakasakay na. Ang nasa passenger sit si Yannah tas yung tatlo nasa likod syempre ako alam niyo na. Habang bumabyahe nagkwekwentuhan sila.
"pssh ganyan ba talaga ang babae ang ingay" bulong ko sa sarili ko.
"oi wag mo kong idamay sa mga yan" sabi ni Yannah. Narinig niya pa yun.
"*kamot ulo* oo nga , sabi ko nga hindi ka babae" bulong ko ulit. Sana di niya na narinig.
"ayieeeeeee, Jaycob may itatanong ako" kinikilig na sabi ni Maddy. Maddy ang tawag ko sa kanya para maiksi. Trip ko lang, may kanya kanya akong tawag sa kanila eh. Mamaya ko na ididiscusss sa inyo.
"geh lang" sagot ko.
"may feelings ka pa ba kay kym?" tanong niya. Naramadaman ko naman ang pamumula ng pisngi ko. Pakshit na babakla na naman ako. Bat ganun?
"AYIIIEEEEEEEE, namumula silang dalawa" asar ni maddy sa aming dalawa.
"PFFT-----HAHAHAHHHAAHAHAHA" tawa ng katabi ko at ni Nic. Huwag na kayo magtaka sila talaga ang pinakamalakas tumawa sa grupo nila. Partner in crime silang dalawa kapag ni Nic. Si nic po pala ay si Athena Nicole Hernandez. Ayan ang tawag ko sa kanya. Baka hindi niyo makilala.
"oi pre, move on move on din pag may time" natatawang sabi ni Yannah. Wala akong time.
"tss manahimik ka nga dyan cloe" bulong ko. Huminto siya sa pagtawa at tumingin sa akin ng masama. Hala... patay. Narinig niya ba??
BINABASA MO ANG
TROPANG BALIW
Teen FictionMga kaibigang hindi mapapantayan. Ang klase ng mga taong hindi nangiiwan. May mga tinatagong hindi inaakalang ugali sa loob ng katawan kapag magkakasama tawa ng tawa kahit mababaw lang ang dahilan. Kaya sila tinawag na TROPANG BALIW dahil sa kani ka...