Kym's POV
Nakita kong pumasok si Yannah sa kwarto at tamad na tamad na bumagsak sa higaan. Tuwing wala sila Athena at Madison, dito natutulog si Yannah. Tinanong ko nga siya kung saan siya natutulog tuwing gabi sabi niya sa bar daw. Lakas lang topak."Oi lalabas ako ah" sabi ko sabay palo sa pwet niya ng mahina.
Lumabas ako ng dorm at pumunta sa court. Umupo ako sa isa sa mga bench dun. Inoobserbahan ang mga taong nagdadaanan. Pangarap ko talagang maging psychologist. Gusto kong mapagaralan ang mga isip ng tao at mga galaw nito.
"Kamusta ka na??" tanong ng lalaking tumabi sa akin ngayon ngayon lang.
"Oh Lance, May tanong ako bago ko sagutin ang tanong mo. Paano ba masasagot ng isang tao kung kamusta siya?"
Napatingin naman sa akin si Lance.
"Kung kamusta ang araw niya ngayon sasagutin niya ay okay lan--" Hindi ko na pinatapos ang mga sasabihin niya.
"Malawak ang tanong na kamusta ka? Hindi mo alam kung anong isasagot mo kasi nga malawak ito. Hindi alam ng taong yun kung anong isasagot niya kasi hindi niya alam kung ano nga ba ang kinakamusta mo. Kung kinakamusta mo ba yung puso ko na napirat na dahil nasagasaan ng isang dambuhalang sasakyan o kaya yung feelings ko para sayo na masasabi kong okay lang. Nakakamove on na rin. O kaya Kung kinakamusta mo ba ang araw ko na masasabi ko ring ayos Lang din. Madaming sakop ang tanong na kamusta kaya wag mong tatanungin yan sa isang tao dahil ang sasagot lang nila ay okay lang. Okay lang na madami ring kahulugan"
Tinignan ko naman si Lance na nakatingin lang sa akin at mukhang nawiweirdohan na sa akin. Bigla na Lang siyang natawa ng malakas.
"Ang layo naman ng nararating ng isip mo"
Pinalo ko nga siya sa braso ng mahina. Hindi ko naman kayang lakasan dahil alam Kong ako ang lilipad. Proud to be stick to noh.
"Oi totoo yun. Hindi ko gawa gawa lang yun. Nabasa ko yun sa isang site noh. Shinishare ko Lang baka Hindi mo alam" pero ang totoo ay kalahati ng Sinabi ko ay gawa gawa lang talaga.
"Lah. Sinabi ko bang gawa-gawa mo Lang yun? Nakakatawa lang kasi dahil ang dami mong dama kung sinasagot mo na lang ng maikli yung tanong ko"
"Oi, Di ba Sinabi ko na sayo na ang tanong mo ay maraming sakop" may sasabihin pa sana ako sa kanya kaso lang naunahan niya na ako.
"Kasi minsan huwag mong bigyan ng malalim na kahulugan ang mga bagay bagay dahil nagbubunga yan ng stress. Minsan Kasi Hindi sa malalim na kukuha ang sagot, minsan babawan din natin"
Inerapan ko na lang siya. Hindi ko naman kasama si Madison ah. Bat kaya nakadikit to sa akin? Magpapatulong na naman siguro na makasama niya si Madison.
"Magkaaway kami ngayon ni Madison kaya hindi kita matutulungan" sabi ko.
"Huh? Paano naman napunta si Madison dito? Ang gulo mo talaga kausap"
Natawa ako sa sinabi niya. Masyado na ba talaga akong magulo kausap? Madami kasing pumapasok na idea sa utak ko kaya hindi ko napipigilang ilabas iyon.
"Lilipat na pala ako" napatigil ako sa Sinabi niya. Lilipat? Di ba kakalipat niya lang ng school dito? Tapos lilipat ulit? Ano? Nagaadventure Lang siya ng mga school o baka naman nag iischool visit Lang?
"Lilipat na kami ng states at temporary student lang ako dito" sabi niya sa akin.
"Kaya gusto kong makasama pa ng matagal si Madison pero naramdaman ko na hindi na kami ganun kasaya kapag magkasama. Wala ng excitement" huminto siya sa pagsasalita at humugot ng isang malalim na buntong hiningan.

BINABASA MO ANG
TROPANG BALIW
Teen FictionMga kaibigang hindi mapapantayan. Ang klase ng mga taong hindi nangiiwan. May mga tinatagong hindi inaakalang ugali sa loob ng katawan kapag magkakasama tawa ng tawa kahit mababaw lang ang dahilan. Kaya sila tinawag na TROPANG BALIW dahil sa kani ka...