FOOD TRIP

203 17 1
                                    

Athena's POV

"Oi wag ka ng magalit" pagmamakaawa ni Playe sa akin. Bwisit siya kasalanan niya kung bakit hindi kami nakapagperform. Mahalaga pa man din sa akin ang performance. Bwisit siya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nageemote ako ngayon. First time kong hindi nagperform sa music club. Huhuhu. Bwisit na lalaki yan. Una, pinahiya niya ako then ngayon ito na naman. Ano ba yang buhay na yan??. Bakit ko pa kasi nakilala yang walastik na lalaking yan.

"Oi wag ka ng umiyak. Hayaan mo papakiusapan ko na lang ang president natin" sabi niya. Huhuhu. Ayoko na. Sa buong buhay ko walang nagfail na performance sa akin. Lahat planado. Lahat organize.

Tumakbo na ako papuntang dorm. Gusto kong magkulong. Wala akong panahon para sa lalaking wala namang pakielam sa performance.

"sorry na" pagmamakaawa niya.

Bigla naman sumulpot si Madison. Kainis nageemote pa ako eh. Nasa tapat na Kasi ako ng Female's Dorm.

"Oi may LQ kayo??" tanong niya. Sinamaan ko siya ng tingin, natinag naman ang gaga. Buti na lang wala dito si Yannah. Salamat kay Peter pan.

"Oi athena sorry na" paulit ulit tong lalaking to. Bahala siya dyan makaalis na nga. Hindi ko siya papansinin.

Pumunta ako sa tennis court. Titignan ko sana kung nandon pa si bruhildang Yannah pero wala na. Ang nakita ko na lang dun ay si Joshua na pawis na pawis. Ang hot niya ha. Buti pa tong lalaki na to matino.

"wait lang" rinig kong sabi niya. Kakausapin niya ba ako?? Wooh nawala yung badtrip ko. Kakausapin ako ng isang gwapong nilalang.

Lumapit na ako at umupo sa tabi niya. Tinignan niya ako kaya tumingin ako sa ibang direksyon spelling AWKWARD.

"Athena ka diba??" tanong niya. Kinikilig ako guys kaso parang iba ang tono ng pananalita niya.

"aah o-oo" nabubulol na ako sa sobrang kilirg. Enebenemenyen

"sige, alis na ako maaga pa ako bukas"sabay tayo.Woaah aalis ka na agad?? Kainis naman. Ano? Tinawag mo Lang ako para ikompirma ang pangalan ko?  Pero okay na rin alam ko na ngayon na alam mo na pangalan ko.

"sabay na rin ako" bulong ko sa sarili ko.

Pagpasok ko sa dorm narinig ko yung mga kaibigan ko na parang nagwawala sa loob.

"woaah!! Aalis ka Yannah?!" sigaw ni Kym. Ang OA niya talaga. Minsan na nga lang umuwi si Yannah pipigilan pa nila. Para naman maoff ang tainga ko ng dalawang araw kasi ang napakatinis ng boses ni Yannah.

"oo nga!!!" sabat ni Madison. Mapagpanggap kayong dalawa.

"hindi ba halata?? Uuwi lang ako sandali ang OA niyo" sa pagsabi niyang yun binuksan ko na ang pinto. Dumeretso ako sa closet ko at kumuha ng mga damit. Magpapalit ako para naman mabawasan ang bad vibes ko sa katawan.

"Oi Athena hindi mo ba pipigilan si Yannah?!" tanong ni Kym sa akin. Hindi na ako sumagot alam naman nila na mas masaya pa ako kapag umaalis si Yannah.Pero biro lang yun tsaka alam ko namang binibiro lang nila si Yannah. Pipigilan? Hindi namin gagawin yan Kay Yannah. Tahimik ang school kapag wala siya noh. Pwede kaming pumarty sa loob ng dorm kapag gusto namin.

------

Yannah's POV

Mga letcheng to ayaw akong pauwiin. Bahala sila dyan. Uuwi at uuwi pa rin ako. Tsaka mga plastik sila, ang totoo naman talaga nilang gusto Ay paalisin ako. Nang magawa na nila ang gusto nila sa dorm. Solong solo nila yung dorm noh.

Ano kayang problema ni Athena??mukhang badtrip. Hindi man lang sumabay sa mga kalokohan ng mga kaibigan niya.

Nagaayos ako ng gamit ko. Nang may napansin akong box. Tsk tsk next next month na lang kita gagamitin ha? Wala pa akong problema sa ngayon?. Nagpapalamig muna ako. Tinabi ko na ang box sa maleta ko. Dadalhin ko ba to?? wag na nga lang dyan ka na box wala naman sila spare netong key ko.

TROPANG BALIWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon