Kym's POV
Maggagabi na. Hindi pa naman madilim, parang 5 or 6 pm pa lang. Nandito kami sa likod ng Science building. Naglatag sila ng makakain sa LRT. LRT ang tawag sa likod ng science building. Ewan ko kung bakit. Kainan naman to kung bakit LRT. May dumadaan kayang Train dito??? Katabi ko si Madison na nakikipagdaldalan kay Arkin. Close na sila ha?? Si Athena naman at Kent, ayun sweet sa isa't isa. Ako na lang ata ang walang kapartner dito ah. Ay!!hindi lang pala ako sila Jaycob pa. Kaso bromance sila eh. Si Yannah na lang ang pagasa ko para hindi ako maO.P. Speaking of Yannah. Wala siya kanina sa bus ah. Nasaan na yun. Hindi man lang nanood ng Basketball.
"Hey!! nagtxt sa akin si Yannah" balita ni Kurt, parang nanalo ng lotto.
"anong sabi?? papuntahin mo dito" sabi ni Kent. May load ata si Yannah ngayon ah. Himala.
"ui Kym, Bakit hindi mo pa sagutin tong ulopong na to ha??" sabi ni Mac sabay turo niya kay Jaycob.
"tss wag ka nga Mac. Atleast ako hindi torpe hindi tulad mo" laban naman ni Jaycob.
"hindi ako torpe!!!" protesta ni Mac. Hindi daw torpe.Hindi ka nga makaamin kay Yannah eh.
"sige nga kung hindi ka torpe magtapat ka na ngayon kay Yannah" hamon ni Jaycob, para namang papayag yan.
"o sige"
"sigurado yan ah"
Maya maya dumating na si Yannah kasama si~
"oh Joshua, bat kasama mo yan si Yann?? Nagdate kayo noh" intrigang tanong ni Jaycob. Ang daldal po niya. Palagi na lang siya yung nagtatanong. Pansin niyo?
"hoy manahimik ka nga ugok. Hindi kami nagdate"
"Aaahh may sasabihin daw sayo si Mac" sabi ni Jaycob.
"anong ako??" inosenteng tanong ni Mac. Tinuro niya pa nga sarili niya eh
"hoy hoy ano yan???" sabi ni Yannah. Tukoy niya yun sa dalawang lovebirds. Si Athena at Kent.
"SILA NA" sigaw nila kay Yannah. Feeling ko ang sama nila kay Yannah.
"aahhh k" sabi ni Yannah.
Nang dumating si Yannah umingay ang mga lalaki. Lalong umingay kaya umalis muna ako. Maglilibot muna ako.
"Kym!!!" tawag sa akin. Sino yun??Humarap ako at nakita ko ang gwapo ng buhay ko.
"Kym, pwede bang samahan mo ko??" tanong niya habang naglalakad kami. Ewan ko kung saan kami pupunta.
"saan??"
"nood tayo ng sine. Sama mo na rin si Madison" nakangiti niyang sabi. Ok na sana eh kaso kasama pa si Madison.
"oo naman. Tatanongin ko sya" nakangiti kong sabi
"sige, thank you" sabay alis
Makabalik na nga lang.
"oh saan ka ng galing??" tanong ni Yannah.
"dyan sa tabi tabi" sagot ko bigla naman sumingit si Athena.
"tss ayan na naman. Narinig ko na naman ang tabi tabi na yan" inis na sabi ni Athena. Luh... Problema nito??
"wala akong ginagawa sayo ah??" sabi ko.
"Oi guys game tayo. Charlie, charlie challenge" sabi ni Jaycob. Anu yun??.
"p*ta ka jaycob. Ayoko mamaya magpakita talaga yun" sabat ni Yannah. Ok hindi ko maintindihan.
"bili na lang kayo ng beer ni Kym. Dali na" suggest ni Yannah. Lasinggera hindi ako tutulad dyan.
"pera??" -Jaycob. Isa pa to koripot.
BINABASA MO ANG
TROPANG BALIW
Teen FictionMga kaibigang hindi mapapantayan. Ang klase ng mga taong hindi nangiiwan. May mga tinatagong hindi inaakalang ugali sa loob ng katawan kapag magkakasama tawa ng tawa kahit mababaw lang ang dahilan. Kaya sila tinawag na TROPANG BALIW dahil sa kani ka...