Madison's POV
Nakita namin kung paano ayusin ni Joshua ang damit ni Yannah. Napatingin naman ako sa katabi ko."Galawan ni Kupal" bulong niya sa akin.
"Ano??" tanong ko sa kanya at nilapit ko pa ang pagmumukha ko.
"Wala, mga galawan kasing hokage ni Joshua" casual niyang sagot na may kasama pang ngisi.
Inilayo ko naman na ang pagmumukha ko kasi nilalapit din niya ang mukha niya sa akin. Baka magkapalit kami ng mukha nito.
"Bakit?? May gusto ba si Joshua kay Yannah?" inosente kong tanong sa kanya. At dahil may lahi siyang malandi patuloy niya pa rin inilalapit ang mukha niya sa akin para tuloy kami magkikiss. >.<
"Ako may gusto ako sayo" sabi niya sa akin. Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya dahil alam kong namumula na ako sa kilig.
Inirapan ko na lang siya
"Ewan ko sayo" sabi ko sabay labas na ng stall na binilhan namin ng damit. Tapos na rin kasing bilhin ni Joshua ang damit na sinukat ni Yannah. Ang mga lalaki kasi ang manlilibre sa amin ngayon. Sila kasi ang nakaisip ng pakulo na to na sa lumabas kami kumain at gumala. Malapit na rin daw kasi maggraduation kaya sinusulit na nila ang mga Oras na magkakasama kami. Hindi kasi kami sigurado kung dito pa kami sa Pilipinas magpapatuloy mag-aral. Mga Rich kid Kasi ang mga 'to.
Nagulat naman ako nang biglang may humawak sa kamay ko. At ngayon ay nakaholding hands kami naglalakad. Napangiti na lang ako sa ginawa niya.
Nandito kami ngayon sa Pasta House. Umorder na ang mga kasama namin kung ano ang kakainin. Tumayo naman sila Kurt at Jaycob. Sila kasi ang incharge sa pagkain.
Napatingin naman ako kay Athena at Kent. Ang saya saya nilang dalawa. Mahahalatang in love na in love silang dalawa sa isa't isa. Nagkwentuhan sila na parang sila lang ang tao dito.
"Guys, 30 minutes pa daw" sabi ni Jaycob at umupo na silang dalawa ni Kurt.
Naghintay kami ng tatlumpong minuto at dumating na ang pagkain na inorder namin. Habang kumakain kami ay nagulat ako ng subuan ako ni Arkin ng pizza.
"Masarap ang kombinasyon ng pizza at carbonara" nakangiti niyang sabi. "Subuan mo ko ng carbonara" utos sa akin ni Arkin. Abah!! Ginawa akong utusan nito ah. Ginawa ko naman ang inutos niya.
Napukaw naman ang atensyon namin kay Yannah na kinuha ang mushrooms na nasa plato ko. Magrereklamo pa sana ako kaso sinubuan naman ako ni Arkin kaya hindi na ako nakapagsalita.
Nang matapos kami kumain nagkwentuhan muna kami bago umalis sa restaurant. Ang biglang may nagtanong sa amin.
"Ano bang relasyon niyong dalawa??" tanong ni Kent sa aming dalawa ni Arkin.
Nagulat naman ako sa tanong ni Kent. Walang sumagot sa aming dalawa dahil pareho naming alam kung ano nga ba ang relasyon namin.
"Oo nga, Kayo na ba?" dagdag na tanong ni Athena. Dumagdag pa ang isang tanong na hindi ko talaga kayang sagutin dahil wala naman kaming pinaguusapan sa bagay na yan.
Magtatanong pa sana si Yannah kaso lang sinagot na ni Arkin ang tanong ng lahat.
"Magkaibigan lang kami" sagot ni Arkin. Nagulat ako sa sagot niyang yun. Hindi ko kasi inaasahan na yun ang isasagot niya. Mas mainam kung hindi niya na lang sinagot ang mga tanong nila. Napatingin naman ako sa kanya at diretso lang ang tingin niya kila Kent. Naramdaman ko naman na sinulyapan ako nila Athena. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at inilagay iyon sa ibabaw ng lamesa.
Naramdaman naman nila na biglang nag-iba ang atmosphere dahil sa sinagot ni Arkin.
"Oi Tara guys, gala pa tayo" aya ni Jaycob sa amin para maiba ang atensyon namin.
BINABASA MO ANG
TROPANG BALIW
Teen FictionMga kaibigang hindi mapapantayan. Ang klase ng mga taong hindi nangiiwan. May mga tinatagong hindi inaakalang ugali sa loob ng katawan kapag magkakasama tawa ng tawa kahit mababaw lang ang dahilan. Kaya sila tinawag na TROPANG BALIW dahil sa kani ka...