DORMITORY

191 14 3
                                    

Madison's POV.

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa aking magandang katawan. Tumingin tingin ako sa paligid. Nakita ko si Yannah, tulog pa rin. Bhoxxxzxxx matatag talaga. Wala ng tatalo sa pagkasnorlacks niya. Tumayo na ako. Pumunta ako sa kusina para magsipilyo.

Habang nagsisipilyo ako narinig kong may kumakatok. Pinagbuksan ko siya ng pintuan. Bakit kaya nandito ang dalawang kumag na 'to.

"Si Yannah???" tanong ni Mac at si Jaycob. Tinuro ko sa kanya kong nasaan si Yannah.

"ano ba yang babaeng yan? Sabi niya maglalaro. Tapos tulog pa rin siya hanggang ngayon" reklamo niya. Alam naman nila ang ugali niyan ni Yannah.

"Gisingin mo na lang yan." sabi ko. Para ako na lang ang tao dito sa dorm. Hehehe

"ikaw na, baka magalit pa sa amin yan. Dali" wow ha wow kayo yung may kailangan ako pa. Makautos ha?  Bwisit

Tulad ng sinabi nila ginising ko. Niyugyog ko lang naman siya ng malakas para maramdaman niya na ginigising siya. Pucha.

"woooaaahhhhhhh" sigaw niya. Nung minulat niya yung mata niya. Problema nito??

"Madison!! Bakit sila nandito?!" sigaw niyang tanong sabay balot ng katawan niya sa kumot. Ano yan nirarape??

"Oi Yannah, inaano ka namin para kang nirape" sabi ni Mac. Hahaha nakalimutan ko sensitive pala yan sa katawan niya. Akala mo may figure. Hahaha.

"Huwag kang magalala. Wala kaming interest sa katawan mo" sabi ni Jaycob.

"P*TA umalis na kayo dito!!!" sabi niya. Sasabog na siya sa galit.

"pfft---"pagpipigil ko ng tawa. Sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Madison! Paalisin mo nga sila dito!" utos niya. Wow ha ano ako katulong??utusan??

"pfft---" pagpipigil ng tawa ng dalawa.

"wala naman makikita sayo kung makapaginarte ka. pfft---hahahhh" sabi ni jaycob. Hahaha sige asarin mo para bugbog ka mamaya.

"Madison!!!" sigaw niya kaya dali dali kong hinila yung dalawa at sinabing "umalis na kayo nagwawala na si snorlacks hahaha"

"Oi Yannah laro!" sigaw ni Mac. Loko talaga 'to hahaha.

Pagkaalis nila. Tinignan ako ng masama ni Yannah.

"Bakit?? Anong kasalanan ko??" tanong ko. Totoo naman ah anong kasalanan ko?? Wala naman akong ginagawa.

"bakit mo sila pinapasok?!" sigaw niya. Hala... eh kasi eh. kasi naman eh.

"ano!!" sigaw niya. Huhuhu help!!

"eh kasi tinatanong nila kung nasaan ka kaya pinapasok ko sila." depensa ko.

"Pwede mo namang sabihin na tulog pa ako ha!!" sigaw niya. Eh hindi ko naman naisip eh sorry na.

Nakatayo ako sa harap niya na parang nanginginig pa ang tuhod. Help!! help! Kakainin ako ni snorlack!.

Habang humihingi ako ng tulong biglang bumukas ang pintuan.

"ano ba kayo? Nasa bundok?" tanong ni Athena. Huhuhu buti dumating ka. Pumunta agad ako sa kanya tas pumwesto sa likod niya.

"oh Bakit??" tanong niya.

"badtrip siya kasi pinapasok ko yung dalawang kumag." explain ko.

"aahhh" sabi niya. Pumunta siya kay Yannah.

"Oi Yannah may laro daw kayo?" tanong ni Athena.

"oo nga pala"-yannah at dali daling nagpalit ng damit.

TROPANG BALIWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon