Madison's POV
Uwian na ng biglang tawagin ako ni Kym..
"o, bakit??" tanong ko.
"Aah si Mac kasi eh" sabi niya. Tinignan ko naman si Mac. Wala namang problema sa kanya.
"ano hinihimutok niyo dyan??" tanong ko.
"ayaw niya na daw ipagpatuloy yung plano" sabi ni Kym..
"ano?? problema??" tanong ko kaagad.. Grabe naman si Mac. Suko agad, wala pa nga eh. Ang duwag naman.
"kasi may boyfriend na si Yannah" pagkasabi niya nun. Napalaki yung mata ko.
"BOYFRIEND???!!!!" sigaw ko. Buti na lang medyo konti na lang yung estudyante dito.
"sshhh. Wag kang ngang maingay" saway sa akin ni Kym. Lumapit ako sa kanila
"sino?? sinong boyfriend niya??" pabulong kong sabi.
"si Kurt" malungkot niya sabi. Kawawa naman si Mac. Hindi pa nga nakakaporma, wala na agad.
"Ano ka ba?! kanino mo naman yan nalaman?" tanong ko. Baka naman kasi akala lang niya yun pala hindi naman totoo. Maraming namamatay sa akala noh.
"Narinig kasi niya sa court kaya ayun" paliwanag ni Kym.
"Asus, hindi yan totoo maniwala ka sa--" hindi ko natuloy ang sinasabi ko ng biglang nagring phone ko. Kinuha ko agad yun sa bag.
"excuse me lang ha" paalam ko sa kanila.
Maureen's Calling.....
Ano kaya kailangan ni ate??
"hello??" sabi ko..
"heeelllloooo???" ulit ko. Walang sumagot eh. Ano kayang trip ng magaling kong kapatid??
"Isa, pag di ka pa magsalita. Ibaba ko na to" pananakot ko sa kanya.
[uwi ka na] sabi niya sabay baba ng Cellphone. Hala... problema nun.
Bumalik na ako sa room at nakita ko yung mga pagmumukha nilang nalugi. Sarap pagtawanan pero hindi ko magawa.
"Ui mga mukha kayong nalugi. Wag na kayong magalala. Itatanong ko. Sige na I need to go na"
Uamlis na ako sa room. Iniisip ko pa rin. Bakit tumawag si ate Maureen??. Ano problema nun?
Kinuha ko uli yung phone ko at denial ko yung number ni ate. Tinawagan ko sya. Ilang ring lang sinagot niya naman.
"Oi babaeta, anong problema mo??. Bakit mo ko pinapauwi??" bungad ko. Ang bait kong kapatid noh.
[basta umuwi ka na lang. Miss na kita]
"Lah.. May lagnat ka ba ate??" tanong ko. Hindi naman kasi yan ganyan eh. Maldita nga yan eh.
[wala, kaya umuwi ka na]
Pagkatapos niya sabihin yun. Binabaan niya na ako. Nakakainis na ha. Nakakailan na siyang baba ng tawag ha.. Hindi pa ako nakakabawi. Kainis. Makapunta nga muna ng court.
Naglalakad ako papuntang Court ng biglang may tumawag sa akin. Si Hinayupak.Si Arkin.
"MADISON!!!" sigaw niya.
"o, bakit??" tanong ko.
"saan ka pupunta??"
"paki??" .Tss.
"meron ka ba??" tanong niya. Paano niya nalaman??. Kainis naman. Dumeretso na lang ako sa Court. Magpapaalam ako kay couch na hindi ako makakapagpractice sa Sabado at Linggo kasi nga diba, uuwi ako. Miss na siguro talaga ako ni Ate. At baka may problema talaga yun?
BINABASA MO ANG
TROPANG BALIW
Teen FictionMga kaibigang hindi mapapantayan. Ang klase ng mga taong hindi nangiiwan. May mga tinatagong hindi inaakalang ugali sa loob ng katawan kapag magkakasama tawa ng tawa kahit mababaw lang ang dahilan. Kaya sila tinawag na TROPANG BALIW dahil sa kani ka...