Yannah's POV
"hmmm" bwisit naman to. Sino ba tong impakto na to na pinipilit gisingin ang magandang dyosa.
*poke
*poke
*poke
Isa pa tang na. Papatayin kita kahit sino ka pa man.
*poke
T*ng *na!! Dinilat ko na ang mata ko nakita ko si Kym. Ano na naman trip nito??
"may pasok ba??" tanong niya sa akin. Pucha talaga lutang talaga tong si kym. Inanounce kahapon ah. Hindi nakinig. Umiling na alang bilang sagot.
"bakit??"
"tanong mo sa sarili mo baka sagutin ka nyan" sarkastik kong sabi. "bakit kasi ako pa yung tinatanong mo?? kita mong natutulog ako eh"
"eh kasi lahat sila tulog. Ikaw lang naman ang makakausap ko na mabubuhay pa ako ng matagal. Alam mo naman ang nangyari kahapon di ba??"
Naalala ko tuloy kahapon.
Flashback....
Nakita ni Athena na magulo ang dorm namin.Nagalit siya.
End Flashback...
Ang galing ng flashback ko no madalian. Kasi inaantok nga ako. Mamaya ko na lang ipa-flashback ang iba.
Matutulog na sana ako kaso niyugyog ako ni kym. P*ta pag ako napikon hagis kita sa mars. Sinamaan ko siya ng tingin kaya tumahimik siya.
Humiga na ako at tuluyan ng natulog.
After 3 hours
Nagising ako dahil sa lakas ng volume ng T.V. Takte tumayo na ako at pumunta sa C.R. Paglabas ko sa C.R nakita kong wala naman nanunuod ng T.V
"Sino bang nanunuod ng T.V??"
Inikot ko ang paningin ko, walang tao. Saan pumunta yung mga tao dito??. Wala naman pasok eh.
Nagbihis ako at lumabas. Maraming estudyante sa labas kasi walang pasok. Ano kayang pwedeng gawin?. Makapang-trip nga.
Naglakad ako patungong Male's dorm. Ayaw pa nga ako papasukin ng mga kalaro ko sa basketball eh. Trip rin nila ako. Umakyat ako at hinanap ko yung dormitory ni Jaycob.
Pagbukas ko ng pinto nila. Wow. Ang masculine ng amoy kaso ang gulo ng dorm. Tsk tsk halatang si Jaycob nakatira dito. Buti wala akong nakikitang protection dito. Inikot ko ang dorm nila, nakita ko si Jaycob nakaupo sa study desk niya. Wow nag-aaral si manoy.
"ang sipag ah" natigilan siya. Problema nito?? may topak.
"tambak kaya tayo. Sinisimulan ko na para madaling matapos" katwiran niya.
"hindi ko naman tinatanong ah.Pinuri lang kita" depensive??
"ano bang ginagawa mo dito"
"laro tayo"
"anong laro??"
"magchess tayo kaya mo??joke basketball?? ay!! wag na tinatamad na ako" sabi ko. "Ge alis na ako may makita pa akong kababalaghan dito, maglinis ka nga baka may makita kang daga dito"
"ang hard mo sa akin ah"
Umalis na ako sa lungga ng kolokoy na yun. Ang gulo ang gulo ng buhay niya. Pababa na sana ako ng tinawag ako ni Playe.
"Oh lalaking hindi marunong maglaro" sabi ko.
"sira" sabay batok sa akin. Tang na isa pa papatulan kita.

BINABASA MO ANG
TROPANG BALIW
Fiksi RemajaMga kaibigang hindi mapapantayan. Ang klase ng mga taong hindi nangiiwan. May mga tinatagong hindi inaakalang ugali sa loob ng katawan kapag magkakasama tawa ng tawa kahit mababaw lang ang dahilan. Kaya sila tinawag na TROPANG BALIW dahil sa kani ka...