Yannah's POV
Nagising ako dahil ansakit ng ulo ko at yung leeg ko parang maii-stiff neck. Ano ba tong unan ko parang mataas at matigas. Inangat ko ang ulo ko. Nagulat ako ng makita ko na dibdib ni Joshua ang hinihigaan ko. Agad kong inalis ang ulo ko sa kanya. Ano ba naman yan?? Malikot ba ako matulog?? Kalokohan mode pa rin ba ako kapag natutulog ako?
Umiling iling na lang ako. Ano ba tong iniisip ko??.
Tumayo na ako at pumunta na sa banyo. Nagmumog na ako at duon ko na ginawa ang dapat kong gawin.
Lumabas na ako, nakita ko si Joshua na tulog pa rin. Lumapit ako sa kanya. Tinignan ko ang mukha niya. Actually gwapo siya kaso eee ayoko ugali niya nakakabadtrip. Makaalis na nga.
"Ate yannah!! Si kuya oh isusumbong ka!!" bungad ni Yohan. Uhh nangaasar na naman si kuya DA.
Uhmm ang ibig pong sabihin ng pangalan ng pinakamamahal kong kuya ay, DA means Daniel Art Rodriguez. Ang ganda di ba? Kaso ang may ari ng pangalan ay hindi ganun kaganda.
"kuya kakagising ko lang babadtripin mo ko" tama ka dyan Yannah labanan mo yang kuya mo. Tiwala lang ikaw ang mananalo kasi ikaw ang reyna ng kalokohan. Push mo yan. Support ko sarili ko.
"Ang alam ko ang sarap ng tulog mo ha?? kasi ----" pinutol ko na ang sasabihin niya. Alam kong nakita niya kami ni Joshua sa kwarto dahil mahilig yan pumasok ng kwarto ng hindi nagpapaalam. Minsan nga eh pagumuuwi ako, makikita ko na lang yung study desk ko ang gulo gulo. Hindi naman ako nagagalit pero pinapaayos ko yung mga kalat niya sa mesa ko. Ano? Siya nagkalat, ako maglilinis. Ano siya?
"stop the hell you are talking about" mataray kong sabi. Kainis.
"Ilang beses ko bang sasabihin na wag mong dalhin ang attitude na pinapakita mo sa labas" singit naman ni Ate. Urggh kainis, kaya minsan ayokong umuwi eh. Kinakawawa nila ako.
"anong pinaglalaban mo dyan ate??" asar ko. Ako na naman kasi nakita.
"hoy!! Baka nakakalimutan mo ate mo ko hindi barkada mo" inis niyang sabi. Hehehe.Ansaya mangasar ngayon. Ramdam ko.
Si kuya DA naman tinitignan kami kung sino yung mananalo sa sagutan namin. Idol ako niyan ni kuya eh. Panis na naman.
"edi wow" asar ko uli kay ate. Hehee hindi na nakatiis hinabol niya na ako. Syempre tumakbo na ako. Ansakit kaya nyan mangurot. Tagos sa balat with laman laman pa charot ~
Kym's POV
Nandito kami ngayon sa volleyball court. Naalala ko tuloy yung natamaan ako ng bola. Badtrip much. Imbis na kamustahin nila ako, tinawanan lang nila ako. Tsk tsk bad bad nila.
"ui kym, nasaan jowa mo??" tanong ng isa namin kaklase. Bwisit to' sarap sapakin. Sinabi ba namang jowa ko daw si Jaycob. Yung unggoy na yun.
"Hanapin mo sa gubat baka naghahanap ng saging" sagot ko.
Makalabas nga ng campus baka sakaling mabawasan ang bad vibes na lumalapit sa akin.
Bago ako pumunta ng gate pumunta muna ako ng locker ko at kinuha ang wallet ko. Nakita ko ang picture naming apat, ang saya namin dyan. Huhuhu nakakamiss yan. Sana maulit muli. Mga panahon na Hindi pa malawak ang friendship namin. At tanging sa aming apat Lang umiikot ang pagkakaibigan.
Nakalabas na rin salamat sa diyos!!Wala kasi si yannah eh wala akong kalaro sa volleyball. At tsaka minsan din kung saan saan din kami nakakarating.
Naglibot-libot ako sa malapit na mall sa school. Ang attire ko lang naman eh. Nakaleggings at T-shirt yan lang. Nang malibot ko lahat ng lilibutin nakarating ako sa 7/11. Ewan ko dito sa paa ko palagi na lang ako dinadala sa mga convenience store. Palagi daw siguro ako nagugutom. Nagkicrave ako sa Donut.

BINABASA MO ANG
TROPANG BALIW
Teen FictionMga kaibigang hindi mapapantayan. Ang klase ng mga taong hindi nangiiwan. May mga tinatagong hindi inaakalang ugali sa loob ng katawan kapag magkakasama tawa ng tawa kahit mababaw lang ang dahilan. Kaya sila tinawag na TROPANG BALIW dahil sa kani ka...