Friends??? AGAIN.

107 5 1
                                    


Maddy's POV
Madison's POV

Naglalakad ako papuntang dorm nakasalubong ko si Yannah papaalis.

"oh Yannah, saan ka punta??" tanong ko.

"Dyan sa tabi tabi" sagot niya.

Tss. Lalandi na naman to sa mga lalaki niya. Maraming lalaki pero walang boyfriend. Tsk tsk may topak.

"hi Kymberlie" bati ko. Maganda ang mood ko ngayon. Palagi naman eh. Pero iba ngayon maganda pa sa maganda. Hehehe may nasagap kasi akong chismis.

"maddy, paano ba ligawan si Yannah??" tanong sa akin ni Kym.

Nanlaki agad ang mata ko."OH MY GOSH. tomboy ka??" tanong ko agad. Liligawan niya ba si Yannah? Kung gayon ang haba ng hair ni Yannah.

"Hindi noh" agad naman niyang sagot. Buti naman. Nakahinga ako sa sagot niya.

"ano yun??" tanong ko.

"sikreto lang to ah. Baka sabihin mo eh" sabi niya at medyo lumapit pa sa mukha ko. Ano to?? secret mission??mahalaga ba to, kung bakit bawal sabihin sa iba??.

"ang ano naman nito. Ano nga" pamimilit ko. Ang ano kasi napaka. Ito naman parang wala kaming pinagsamahan.

"atin lang talaga to ah" ulit niya. Ano ba yan?? paulit ulit?? unli?? unli??Anong network ka? globe?? globe?

"Takte naman Kym eh. Hindi ba ako mukhang pagkakatawilaan??" sabi ko. Akala niya ha. Pagsinabi mong hindi, papatayin kita.

"minsan kasi eh ang daldal mo" hala... Ako pa madaldal ha?? pero minsan lang.

"edi wag" sabi ko. Bahala ka dyan. Ayoko na syo.Hmm. :( Di na tayo bati. Tatayo na sana ako pero hinila niya ako. Hehehe umepek.

"kasi ganito yun...." panimula niya. Tinignan niya muna ako. Hay nagdududa na naman po si ateng. Tsk tsk. "huwag mong sasabihin ha??promise??" tss.

"Promise" bored na bored na sabi ko. Hay wala talaga siyang tiwala sa akin.Nagpinky promise pa ako.

"Ok, kasi humihingi ng tulong sa akin si Mac na ligawan si Yannah na hindi niya nalalaman" eh??paano yun??

"alam mo naman si Yannah. Ayaw niyang nagpapaligaw di ba??" oo nga naman.

"eh bakit ka naman pumayag??" tanong ko. Kilala ko si Kym hindi basta basta pumapayag yan.

"ano kasi kababata... oo kababata ko si Mac.. ano, ngayon na lang kami nagkausap kasi naging kaibigan kita--kayo" explain niya.

"anong konek nun??" tanong ko.

"puro ka tanong. Ano?? tutulungan mo ba ako o magiging interviewer kita??"

"eto naman" sabay hampas ko sa kanya "oo tutulungan na kita"

"By the way. Ibig sabihin may gusto si Mac kay Yannah??"tanong ko.

"malamang" sagot niya.

"kyaaaaaaaaaahasdfghjkl" tili ko pero tinakpan niya yung bibig ko.

"ui wag kang maingay" saway niya. Tumango na lang ako at binitawan niya na ang bibig ko.

Hehehe kinilig lang ako. Kasi naman ihh. Binata na si Mac nagpapatulong na magpaligaw. Alam naman namin na may gusto talaga si Mac, halata naman eh. Ngayon lang talaga siya gagawa ng move.

Nagkwento pa si Kym, may plano pa nga siya eh kaso ang panget kaya nagiisip kami

"Alam ko na.." sabay taas pa ng hintuturo ko. Sinabi ko sa kanya at mukhang nagustuhan naman niya. Hehehe. Abah ang talino ko talaga kahit kailan.

TROPANG BALIWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon