Madison's POV
Maaga kaming umalis ng dorm para maaga rin kami makauwi. Si Athena lang pala ang hindi uuwi ng maaga. Hindi kasi sya sporty that's why wala syang aalalahanin. Kami naman ni Kym kailangan, kung gusto pa namin makahanap ng mga fafabols sa ibang school. Hahaha joke lang hindi fafabols ang hanap namin sa ibang school. Sadyang laro Lang pero kapag meron edi wow. Bago pala kami umalis sinubukan naming gisingin si Yannah para magpaalam pero wala, kaya hinayaan na namin.
Malapit na ako makarating sa bahay kaya inaayos ko na ang mga gamit ko. Hindi ko pa rin mawaglit sa aking isipan bakit kaya ako namimiss ni ate. Problema kaya niya??. Siguro nagbreak sila ng boyfriend niya.
"ma'am andito na po tayo" sabi ng driver ko.
Hindi na ako sumagot at bumaba na ako. Hay! namiss ko tong mansyon namin.
Pagpasok na pagpasok ko pa lang ang dami kong nadatnan *note the sarcastic tone*.
"hay ang saya!" sarkastik kong sabi." uhhmm yaya. Nasaan sila mommy??" tanong ko kay yaya.
"aahh anak, may business trip sa Davao" sabi ni yaya. Hay negosyo na naman.
"eh si ate ya" sabi ko. Nasaan na yung babaetang yun. Pinauwi uwi ako tas wala naman akong makakausap.
"ya!! nandyan na ba si Ashley!!!" sigaw ng maganda kong ate.
"oo nandito na ako!! Ang ganda nga ng welcome mo eh" sabi ko.
Nung nakita nya ako bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako.
***
Hahahaha...Lagot ka yannah.
Yannah's POV
Nagising ako ng tanghali. Mga punggak talaga ang mga kaibigan ko, hindi man lang ako ginising. Ano bang araw ngayon kung bakit sabay sabay sila umuwi. Uwi rin kaya ako. Ay! wag na, may practice pala kami sa tennis.
Pagkatapos kung magmuni muni sa dorm pumunta na ako sa baba para makipaglandian joke...
"Yannah!!" tawag ni Kurt sa akin. Bahala ka dyan.
"ui sorry na kasi" pagmamakaawa niya sa akin. Hindi ko pa rin siya pinapansin. Dumeretso lang ako papuntang cafeteria.
Habang naglalakad kami pilit pa rin pa rin siya ng pilit. Nakita ko si Jaycob naglalakad papunta rin sa cafeteria kaya nilapitan ko at pinulupot ang kamay ko sa braso niya. Trip ko lang hehehe.
"paalisin mo nga yan si Kurt" pabulong kong sabi. Hindi sana susundin ni Jaycob pero kinurot ko. Hahaha pinong pino pa man din. Shaket nun. Syempre ako yung kumurot.
"Hoy!! kurt dun ka. Umalis ka dito. Chupi~" sabi niya. Ang galing naman magpaalis ni Jaycob noh. Mukhang bakla lang.
"Ayoko nga!! Yannah kasi" pamimilit ni Kurt.
Pumunta na ako sa Counter at bumili na ng pagkain ko.
Habang kumakain ako kinakausap ako ni Kurt. Pinipilit niya pa rin ako.
"Yannah kasi dali na para makasama na ako sayo" pilit niya. Paulit ulit niya yan sinasabi. Nakakainis na. Konti na lang ipapalunok ko na ang kutsara sa kanya.
"ayoko nga kasi" tanggi ko. Paulit ulit ko rin yan sinasabi. Kailangan ko na nga ata irecord sa voice recorder para pagnagpumilit uli siya ipeplay ko lang.
"bakit ba Kurt pinipilit mo si Yannah?? At saka Yannah saan ka ba pupunta kung bakit gustong sumama ni Kurt??" singit ni Jaycob. Ito nagiging chismoso mode na naman to eh. Manang mana sa pinagmanahan.
Nang matapos ako kumain dumeretso agad ako sa tennis court. Hinihintay ko yung mga players na lalaban sa ibang school sa Tuesday. Lahat yun pati basketball, volleyball at etc. Sa ibang school so masaya dahil may makikilala ka na naman pero hindi ako masaya.
"Oh ang aga natin ah" bati ko sa mga players. Napakamot na lang sila ng ulo.
"eh kasi Yannah kanina pa kami dito hinihintay ka. Nagpractice naman kami ng konti, nagbreak lang kami" sabi ng isang player. Sasabat na sana ako pero may sumingit. Si Joshua.
"Yan. Yan ang napapala ng mga taong late magising" nakangiti niyang sabi. Tss sapakin ko kaya to. Ang lakas mangasar eh. Inirapan ko na lang siya.
"Ok guys!!! Practice na!" sabi ko
"ganito ang arrangement natin. Maggrugrupo tayo tas maglalaban laban. Ok ba yun sa inyo??!"
"Ok!!" sigaw nila.
Total kami ni Joshua ang pinakamagaling dito kaya kami ang leader. Magbato bato pik kami.(paper,scissor and stone). Napadisesyon namin na ipagpartner ang mga kasing pantay nila na galing. Tas kung sino mananalo siya ang mamimili sa isa sa dalawang pinagpartner namin. Gets??
Pagkatapos ng pangbatang laro. Naglaban laban na sila. Sila muna mamaya pa ako. Kami ni Joshua. Mamaya pa maglalaro. Inayos ko ang mga mali nilang paggalaw. Binigyan ko rin sila ng techniques para matalo ang mga enemy. Naglaro lang kami at nagpractice hanggang 3pm napagdesisyonan namin na magpahinga na dahil maaga pa kami mageensayo uli bukas. Natagalan lang kami dahil naglaro pa kami ng jackstone charought joke lang. Natagalan lang dahil mga bago pa. Sigurado bukas maaga kami matatapos.
Naglaban din kami ni Joshua at as usual wala pa rin nagpatalo. Medyo Hindi na rin siya napapagod agad. Sabi ko Kasi si kanya magexercise siya para masanay ang katawan niya sa pagod, hindi yung puro hilata Lang. Siguro spoiled to sa mga magulang.
Nagaayos ako ng gamit nung nakita kong nag ilaw yung cellphone ko. May nagtext ata. Palagi kasing silent ang phone ko dahil wala naman nagtetext o kung ano dyan. Kinuha ko ang phone ko.
"Himala may nagtext sa akin" sabi ko sa sarili ko. Hindi rin pala nagtetext sila Athena dito dahil hindi naman daw ako nagrereply. Hehehehe wala akong load at kapag kasi nagpaline ako dagdag gastos lang dahil di ko magagamit. Sa susunod na lang ako magpapaline kapag may lablayp na ako hihihi.
Napahinto ako sa nabasa ko at naparipas ng takbo. Narinig ko pa silang tinawag ako pero tinaas ko lang ang kamay ko tanda na wag nila akong alalahanin.
Habang tumatakbo ako. Naiisip ko. Takteng iners naman!! Bakit si Jaycob pa!!. Lagot talaga si Jaycob sa akin. Tatadtadin ko sya ng kotong.
Nang makarating ako sa iskinita na sinasabi ni Jaycob. Nadatnan ko ang mga grupo ng mga kolokoy na mukhang nakatira ng ariel.
"Nasaan si Jaycob?!" sigaw ko sa kanila. Inilibot ko ang aking mga mata ngunit wala akong nakitang kahit anino ni Jaycob. Putek!
Lumapit ang isang lalaki na mukhang nakasinghot ng solvent. Takte ang papangit ng mga mukha nito. Syempre hindi ako magpapatalo sa kanila kung sila nakasinghot ng solvent at ariel, ako nakasinghot ako ng medyas kaya pareparehas lang kami. Back to the moment na.
Lumapit sila sunod sunod sa akin. Pinagsisipa sipa ko sila pero parami sila ng parami. Takte nakakapagod to ah. Kung hindi dumadami, bumabangon yung mga bangkay tas bumabalik sa akin.
"takte sa taga embalsamo kayo lumapit wag sa akin!!" singhal ko sabay sipa sa mukha ng mukhang bangkay na bumangon pa napatumba ko na.
Habang pinagsusuntok suntok ko sila at pinagsisipa. Nanghihina na rin ako. Nahalata na siguro ng mga kalaban ko kaya sunod sunod sila sumugod. Nang hindi ko na pansin na may humawak na sa dalawang kamay ko. Kinuha nila ang pagkakataon na yun. Sinipa nila ang tyan ko at pinagsuntok suntok ako. Nalalasahan ko na rin sa aking bibig ang lasang kalawang na dugo. Ang panget talaga ng lasa ng dugo. Kainis. Hindi na ako makalaban dahil nanghihina na ako. Nakaluhod na rin ako. Sa dami ba naman nila eh sinong hindi manghihina nun?? Ang daya para lang silang si Mayweather.
"ano bata, hina ka na??" tanong ng lalaking nakaariel.
"Hindi, hindi pa ako nanghihina. Sa tingin mo?? Pabo!!" sarkastik kong sabi. Alam naman nyang nanghihina na ako eh.Napaka bobo talaga.
"Abah!!!" sabi niya. Dapat sasampalin niya ako pero hindi niya nagawa dahil may biglang dumating na lalaki. Sa pagkakahinuha ko siya ata ang pinaka pinuno ng grupo na to.
"Di ba sabi ko sa inyo bugbogin niyo siya, wag lang idamay ang mukha para hindi halata" sabi nung pinuno. Putspirk naman kaya pala sipa at suntok lang sa tyan ang pinapakawala nila.
Lumapit pa lalo siya hanggang sa makita ko ang mukha niya.
"Hi Miss Rodriguez" sabi niya
"B-Bryan??"sabi ko.
'itutuloy'
BINABASA MO ANG
TROPANG BALIW
Teen FictionMga kaibigang hindi mapapantayan. Ang klase ng mga taong hindi nangiiwan. May mga tinatagong hindi inaakalang ugali sa loob ng katawan kapag magkakasama tawa ng tawa kahit mababaw lang ang dahilan. Kaya sila tinawag na TROPANG BALIW dahil sa kani ka...