Athena's POV
Minulat ko ang aking mga mata. Nasilaw ako sa liwanag na nagmumula sa ilaw ng aking room. Napabuntong hininga na lang ako sa nakikita ko. Nandito ako sa hospital at nandito ang mga kaibigan ko na mukhang pagod dahil lahat sila ay tulog na. Naawa naman ako sa mga posisyon nila dahil imbes na nakahiga sila sa mga kanya kanya nilang kama ay nagsisiksikan sila sa isang maliit na sofa at natutulog ng nakaupo. Napukaw naman ng paningin ko si Yannah na nakaupo sa sulok malayo sa kanila at nakayuko, yakap yakap ang mga tuhod niya. Inalis ko naman ang pagkakahawak ni Madison sa aking kamay. Buti na lang ay hindi siya nagising.
Nakita ko naman ang mga namumulang mata ni Yannah na nakatingin sa akin. Nagulat siya siguro dahil gising na ako. Napangiti na lang ako sa itsura niya. Ang masayahing si Yannah ay mukhang lugmok lugmok na sa buhay.
"Tatawagin ko ang doctor" sabi niya at tumayo na sa pintuan pero pinigilan ko siya.
"Huwag na. Nagpapahinga sila dito baka maistorbo pa" mahina kong sabi. Nanghihina pa rin kasi talaga ako.
"Anong maistorbo? Hayaan mo sila. Mas mahalaga ang kalusugan mo" sabi niya sa akin na hindi tumitingin. Lumabas na siya at tinawag na ang doktor. Nagising naman si Madison at Kym na nakapalibot sa akin. Chineck lang ng doctor kung maayos na ba ang kalagayan ko at wala na siyang sinabi pa kina Yannah. Inirereport kasi niya yun mismo kay Dad at hindi niya hinahayaan na malaman ng mga kaibigan ko ang sitwasyon ko ng walang permiso kay Dad. Ayaw rin ni Dad na ipaalam sa akin pero kinukutoban na ako na malala na ang sakit ko. Nararamdaman ko yun. Ayaw lang talaga ni Dad na maistress ako sa kalagayan ko kapag nalaman ko iyon pero kung ako ang papapiliin mas gusto kong malaman iyon para naman makapagpaalam ako sa kanila at masulit ko ang mga oras na natitira.
"Magpahinga ka na" sabi ni Yannah sa akin habang inaayos ang kumot ko.
"Ui, umuwi na kayo. Magsitulog na kayo sa mga dorm niyo. Huwag niyong gawing tulugan ang room ni Athena dito baka nakakalimutan niyo Hospital to at hindi hotel" sermon ni Yannah sa kanila habang pinapaalis ang mga lalaki. Hindi naman umaalis si Kent sa kinauupuan niya at seryosong nakatingin sa akin.
Lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko. Naramdaman ko naman ang pagmamahal niya sa hinawa niyang yun.
"Mag-uusap tayo bukas ah. Magpahinga ka na. Magpalakas ka" sabi niya at umalis na ng kwarto ko.
Hindi ako makatulog dahil ilang oras din akong nakatulog kanina dahil sa pagkabagsak ng katawan ko. Hindi ko alam kung bakit ako biglang bumagsak kanina. Bigla kasing sumikip ang dibdib ko at nahirapan ako huminga. Sa sobrang nahihirapan akong huminga, bumigay siguro ang katawan ko at biglang dumilim ang paligid.
Madaling araw na hindi pa rin ako nakakatulog. Tulog na rin si Madison at Kym dahil sa pagod. Nasa sofa silang dalawa at nagsisiksikan. Si Yannah naman ay nasa isang sulok ng kwarto at nakayuko. Hindi ko alam kung tulog na ba siya. Nagulat naman ako ng bigla siyang nagsalita.
"Matulog ka na. Anong oras na?" sabi niya sa akin habang nakaupo sa sulok.
"Hindi ako makatulog" sagot ko naman sa kanya. "Lumapit ka kaya dito. Malamig ang sahig dyan" dagdag ko pa.
Lumapit naman siya sa akin at umupo sa tabi ng kama ko.
"Bakit hindi ka pa natutulog? Tignan mo oh ang pangit mo na" biro ko sa kanya pero hindi siya nagrereact.
"Oi, galit ka ba?" tanong ko kapag kasi hindi siya kumikibo at seyoso lang ibig sabihin galit siya o kaya napipikon na siya. Hinawakan ko naman ang buhok niya at ginulo yun although magulo naman na talaga ang buhok niya. Hindi kasi marunong ang babaeng to magsuklay.
"Tss. Hindi ako galit" matigas niyang sabi at nakita ko naman ang pamumumuo ng luha sa mga mata niya. Pinipigilan niya itong tumulo pero huli na ang lahat dahil umagos na ang luhang pinipigilan niya.
"Pinagalala mo ko kanina, alam mo ba yun. Alam mo naman ako hindi pa ako nakakakita ng tao na halos hindi makahinga kanina. Mukha kang isda na nangangailangan ng tubig sa sobrang hingalo mo. At kilala mo naman ako ayaw na ayaw kong pumapasok ng hospital pero para sayo binantayan pa kita dito" naiiyak niyang sabi. Natawa naman ako sa mga sinabi niya. Niyakap ko siya at patuloy lang ang pag-iyak niya. Sa tingin ng iba matapang si Yannah pero ang totoo isip bata talaga siya at madami siyang kinatatakutan.
"Nag-aalala ako na baka mawala ka na sa akin" sabi niya sabay hagulgol. Naiyak naman ako sa sinabi niya.
Ngayon ko nalaman na ganito pala ako kamahal ng kaibigan ko. Ayaw niya akong mawala at itataya niya yung sarili niya para harapin ang takot niya. Nakokonsensya naman ako dahil pinapaiyak ko ang batang to.
Natapos ang iyakan namin ng maramdaman ko ang pagbigat ng balikat ko. Abah tinulugan ako nito ah. Kainis lang.
Kinabukasan ay pinauwi ni Dad sila Kym para magpahinga pero nagulat ako nang biglang dumating si Kent. Hinayaan naman ni Dad si Kent magstay dito sa room at hinayaan na rin ni Dad na marinig ni Kent ang kondisyon ko. Legal naman na kami kay Dad at sa magulang ni Kent dahil pinakilala niya na ako sa magulang niya at syempre kilala na rin siya ni Dad.
"Actually nagkaron ng virus ang loob ng puso niya kung kayat kailangan siyang bigyan na agad ng treatment at maoperahan na agad as soon as posible." sabi ng doctor. Humigpit naman ang pagkakahawak ng kamay sa akin ni Kent sa nalaman niya."Can the operation will proceed in States??" tanong ni Dad na ikinagulat ko.
"Dad!!" sigaw ko. Magrereklamo pa sana ako kaso nagsalita ang doctor.
"Mas okay kung sa ibang bansa ang operasyon dahil mas advance ang mga apparatus nila" sabi ng doctor. Ginatungan pa ng doctor na to.
" Dad ayoko..."
"Mas makakabuti yun sayo"
Napaiyak na lang ako sa sinabi ni Dad. Buo na kasi ang desisyon niya na lumipad kami sa states. Napag-uspaan na kasi namin yan before pa mangyari to na sa ibang bansa nga ako magpapaopera ayaw at sa gusto ko."It's okay, Athena para gumaling ka na. Handa naman akong maghintay eh basta wag mo kong kakalimutan na nandito lang ako" bulong sa akin ni Kent at niyakap ako.
Mahihiwalay na ako sa mga kaibigan ko. FOUR years din yun. Hindi biro yun kahit na puro kalokohan ang ginawa namin in the past few years. Ayokong mawalay sa kanila pero kailangan kong gawin to para sa susunod na haharapin ko sila, ayos na ako. Gusto ko muna silang makasama kahit dalawang araw lang bago ako umalis. Bago ko sila iwan. Gusto kong makapagpaalam at makipagkulitan kahit isang sandali.

BINABASA MO ANG
TROPANG BALIW
Novela JuvenilMga kaibigang hindi mapapantayan. Ang klase ng mga taong hindi nangiiwan. May mga tinatagong hindi inaakalang ugali sa loob ng katawan kapag magkakasama tawa ng tawa kahit mababaw lang ang dahilan. Kaya sila tinawag na TROPANG BALIW dahil sa kani ka...