Confession

6 0 0
                                    

Yannah's POV

"Magbabakasyon tayo"

Narimig kong sabi ni Athena. Nandito kami ngayon sa Court dahil pinatawag talaga kami dito dahil may pag-uusapan daw. Tuwang tuwa naman ang mga tropa ko dahil magbabakasyon. Mga tigang sa bakasyon tong mga to eh. Napakunot naman ang noo ko at tinignan ko si Athena kung seyoso siya sa sinasabi niya.

"Anong magbabakasyon? Di ba kakagaling mo lang sa Hospital?" sabat ko. Ano, kakagaling lang sa hospital magbabakasyon? Walang pahinga? Nagpapakamatay ba siya?

"Ayos naman na ako, Yannah" sabi sa akin ni Athena.

"Ayos ka ngayon, eh paano bukas?" tanong ko sa kanya na ikinayuko niya. Masyado kasi silang kampante na maayos na talaga si Athena. Puso kaya ang may sakit niya. Alam ba nilang mas mahalaga ang puso kaysa sa ibang laman loob ng tao. Syempre mahalaga din naman ang utak pero ang puso ang pinag-uusapan dito noh. Kung may damage ang puso magkakaroon din ng problema sa pagdadala ng oxygen sa loob ng katawan noh. Tapos ang pagduloy ng dugo ay hindi na ganun maayos. Pag nagkaroon naman ng hindi pagkakaunawa ang padaloy ng dugo sa katawan at pagdadala ng oxygen din, nako patay abot mo kapag ganun.

Inakbayan naman ako ni Jaycob dahil sinenyasan ni Kent na pakalmahin ako. Sana naman kapag nagsesenyasan sila hindi ko nakikita di ba? Tinanggal ko naman ang pagkakaakbay ni Jaycob sa akin pero ibabalik na sana niya sa akin pero sinuntok ko siya sa tyan. Para magtigil tigil siya. Sipain ko pa siya dyan.

"Bahala ka, gawin mo gusto mo" seryoso kong sabi at tumayo na at naglakad na palabas ng court.

"Don't worry, sasama naman yan si Yannah" rinig kong sahi ni Kent bago ako umalis. Anong sasama? Bahala sila dyan, magpakasaya. Hindi ako sasama!

Lumabas naman na ako ng court. Nakita ko na magkakasalubong kami ni Joshua. Bakit naman ganun? Bastos talaga minsan ang tadhana. Ang daming pwedeng pasukan paloob ng Court dito pa siya dumaan. Lumihis ako ng labasan kaso huli na ang lahat dahil nakita na niya ako at sandali magtama ang mga paningin namin. Agad naman na ako naglakad para makalayo na sa kanya.

"Sandali lang" sabi niya. Hindi ako tumigil sa paglalakad at mas lalo kong pang binilisan para makalayo na sa kanya. Napatigil naman ako dahil hinwakan niya ang braso ko para matigil ako. Hinarap ko siya.

"Ano ba yun?!" bulyaw ko sa kanya. Kasi naman eh alam naman niyang iniiwasan ko siya. Lapit pa rin siya ng lapit. Paano ko mapipigilan ang paghulog ko sa kanya kung siya mismo ang tumutulak sa akin na mahulog talaga ng tuluyan sa kanya?

"Bakit mo ba ako iniiwasan?" tanong niya sa akin at nakita ko na rin ang irita sa mukha niya dahil sa pagbulyaw ko sa kanya.

" Wala ka na dun. Kung iniiwasan kita sana naman makipagcooperate ka" sagot ko sa tanong niya. Makipagcooperate ka sa akin kahit sandali lang. Kakalimutan ko muna tong nagbabadyang paghulog ng puso ko pagkatapos pwede na tayong maging kaibigan. Yung kaibigan na lang ang tingin ko sayo wala ng iba.

"Kailangan kong malamam. May ginawa ba akong mali?" mas humigpit ang paghawak niya sa braso ko. Naramdaman ko naman ang pagsakit ng braso ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.

"Nasasaktan ako Joshua. Bitawan mo na ako" malamig kong sabi sa kanya at pilit na inaalis ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. Nagpasalamat na lang ako dahil dumating si Kurt. Binitawan niya ako at tumakbo na ako palayo sa kanya. Narinig ko din na tinawag ako ni Kurt pero hindi ko na siya pinansin pa.

Pumasok na ako sa room ko at umupo sa upuan ng study desk ko. Ipinatong ko naman ang ulo ko sa lamesa. Bakit kasi ayaw mawala ng kakaibang nararamdaman ko sa kanya.

'Kasi hindi nagkakaunawa ang puso at utak mo. Pagsunduin mo' sagot ng atay ko. Nababaliw na ako pati atay ko sumasagot na rin. Yung totoo? Nagsasalita talaga yung body organ ko. May power na ako para matalo ko ang mga tumawo.

TROPANG BALIWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon