Athena's POV
Kumakain ako ng biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito at tinignan, may nagtext. Binuksan ko at nakita ko ang pangalan ni Kent.
Magsisimula na ang laro namin. Punta ka? :3
Mamaya na ako pupunta.
Pagkatapos kong kumain dumeretso na ako sa dorm. Walang klase ngayon dahil almost students, sporty kaya nga mukhang mga nalugi ang nerds namin eh at saka pinayagan din ng principal namin na manood kami sa laban. Maraming pumunta kasi gusto 'daw' manood ng laban pero ang totoo gusto lang makipaglandian sa ibang school. Tsk tsk buhay talaga parang life.
Pagpasok ko sa dorm naisip ko para tuloy akong kawawa kasi wala silang lahat. Si Kym at Madison nasa volleyball at si Yannah sa tennis. Sila na.... sila na sporty ako na ang hindi. Kainis.
Nagpalit na ako ng damit. Oo pupunta ako. Nandoon ang boyfriend ko eh.>////<. Another oo na naman. Oo boyfriend ko na si Kent hihihi kinikilig ako. Kahapon ko siya sinagot eh. Naiisip ko tuloy yung nangyari kahapon. Pinagbigyan ko na siya. Maayos naman siya eh, mukhang hindi niya ako lolokohin kaya sinagot ko na. At saka matagal ko na siyang nakakasama.
Flaskback......
"park talaga ha?!" natatawa kong tanong. Akala ko kung saan. Hindi pa ako nakatulog dahil lang dito. Hmmp sa park lang pala punta namin.
"eh kasi hindi ko naman alam kung anong paborito mong place eh" oo nga naman.
"pwede naman sa mall" sabi ko.
"kasi pagsa mall para kasing common" sabi niya. Edi dapat sinabi niya sa akin na picnic pala to hindi date pfft. Pero ok na rin to para hindi ko maalala ang mga ex ko.
Umupo na kami sa banig na nilatag niya. Picnic talaga to hindi date. Hehehe pero ok na. Kumain kami at nagkwentuhan. Topic uhmm sa mga classmates at saka student problem.
"uhmm may kakantahin ako tignan mo kung maganda" sabi niya at kinuha ang gitara.
"I'm like a statue, stuck staring right at you,
Got me frozen in my tracks
So amazed how you take me back
Each and every time our love love collapsed.
Statue, stuck staring right at you
So when I'm lost for words
Every time I dissapoint you
Its just cause I can't believe
That you're so beautiful
Don't wanna lose you, no" Pagkatapos. ng kanta. Magsasalita sana ako kaso naunahan niya ako.
"Athena Nicole Hernandez, will you be my girlfriend??" tanong niya.
Napatulala ako sa sinabi niya. Ano bang sasabihin ko??
Natahimik kaming dalawa.
"kung hindi naman pwede ok lang"
"hindi mo pa nga naririnig ang sagot ko eh" sabi ko "Hindi mo ba alam ang kasabihang silence means yes" dagdag ko pa
"ibig bang~" pinutol ko na ang sasabihin niya.
"oo sinasagot na kita Alvin Kent Playe" masaya kong sabi. Niyakap niya ako kaya niyakap ko na rin siya.
"thank you" sabi niya. "wooooo!!!girl~" sisigaw na sana siya kaso tinakpan ko ang bibig niya.
"gusto mo break up agad??" tanong sa kanya. Umiling siya bilang sagot. "then wag kang sumigaw"
BINABASA MO ANG
TROPANG BALIW
Teen FictionMga kaibigang hindi mapapantayan. Ang klase ng mga taong hindi nangiiwan. May mga tinatagong hindi inaakalang ugali sa loob ng katawan kapag magkakasama tawa ng tawa kahit mababaw lang ang dahilan. Kaya sila tinawag na TROPANG BALIW dahil sa kani ka...