Athena's POV
Naglalakad ako papuntang court dahil hinahanap ko si Kent. May sasabihin Kasi ako sa kanya. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya iyon baka kasi magalala Lang siya. Malapit na rin pala ang 1st Monthsary namin kaya kinakabahan akong sabihin iyon sa kanya.Nasa gilid ako ng court. Nakita ko silang naglalaro, nakatalikod sila na akin. Lalapitan ko na sana kaso mas pinili kong pakinggan ang pinag uusapan nila.
"Oh tropa, lintek na pustahan yan" sabi ni Jaycob sabay abot naman Kay Kent ng pera. Nagbigay din ng pera si Kurt..
"Putek! Hindi ko naman alam na magtatagal kayo ni Athena" aniya ni Kurt..
"kaya nga pustahan Di ba?" Sabi naman ni Kent.
"Oi Di ba tumaya din si Yannah? Singilin mo din yun" sabi ni Clifford.
"Oo kapag nakita ko yun"
Naiinis ako sa kanya. Gusto ko siyang saktan dahil sa pagaakalang ang relasyon namin ay totoo yun pala'y isang laro lamang. Lumabas ako ng tahimik sa Court ngunit may nakapansin sa akin.
"Athena" tawag ni Kurt.
Agad kong binilisan ang lakad ko.
"Athena, sandali lang" sabi ni Kent. Hindi siya karapat dapat bigyan ng isang sandali dahil isa siyang sinungaling.
Tumakbo ako, tumakbo ako hanggang sa unti unti ko ng nararamdaman ang pagsikip ng aking dibdib. Nang hihina na rin ako. May humatak sa akin para pigilan ang aking pagtakbo. Naiiyak ako sa nararansan ko.
"Ano ba Kent?!"
"Magusap tayo" sabi niya. Sa sobrang galit ko sa kanya. Hinampas ko ang dibdib niya.
"So anong paguusapan natin?! Ang paghihiwalay natin?! Kasi nakuha mo na ang panalo mo sa pustahan na yan! Magkano ba?! Tapos mo na ba ko lokohin?!"
"Mali ang --" Hindi ko na siya pinatapos pa.
"Mali?! Anong mali?! Rinig na rinig ko Kent. May dalawang mata at tenga ko para hindi malaman ang mga yun!"
Siguro mas magandang sulosyon na to. Para hindi na siya magalala, para hindi ko na kailangan sabihin sa kanya, para Hindi ko na rin masaktan ang sarili ko.
"Maghiwalay na tayo" sambit ko. Kahit ayoko. Kahit masasaktan ako ng sobra dahil sa salitang aking sinambit. Mas okay na rin siguro yun.
"Huwag ka naman ganyan, Athena. Pakinggan mo muna ako"
Humigpit ang hawak niya sa aking mga kamay. Pilit kong inaalis ang mahigpit niyang hawak sa mga kamay ko.
"Ayoko na, bitawan mo na ako" sambit ko.
Binitawan niya na ako at mas lalo akong naiyak sa ginawa niya. Tumalikod na ako sa kanya at naglakad na papalayo. Papalayo sa taong mahal ko.
Tinawagan ko ang aking driver na sunduin ako. Kailangan ko ng pumunta ng ospital. Hindi ko na kinakaya ang lahat. Bumibigat na ang pahinga ko.
***
Pagmulat ng aking mga mata. Puting kisame ang agad kong nakita. Nandito na naman ako ngayon. Kumukuha ng hinnga mula sa berdeng parihaba sa tabi ko. May nakakabit na namang mga dextrose sa aking pulsohan."Nagpaalam ka na ba sa mga kaibigan mo?? " tanong sa akin ng aking ama.
"Hindi pa, Pa. Give me some time. I will tell them soon " sambit ko. Malalaman at malalaman din nila ang kalagayan ko. Hindi ko naman kayang itago ang sakit kong to. Mabubunyag at mabubunyag din ang lahat.
Dinischarge na ako na ako ng doctor. Umuwi na agad ako sa dorm. Inaya pa nga ako ni Papa umuwi muna sa amin para makapagpahinga pero tinanggihan ko ang kanyang alok. Malapit na ang oras ng paghihiwalay naming magkakaibigan kaya't kailangan ko ng sulitin ito.
BINABASA MO ANG
TROPANG BALIW
Genç KurguMga kaibigang hindi mapapantayan. Ang klase ng mga taong hindi nangiiwan. May mga tinatagong hindi inaakalang ugali sa loob ng katawan kapag magkakasama tawa ng tawa kahit mababaw lang ang dahilan. Kaya sila tinawag na TROPANG BALIW dahil sa kani ka...