Athena's POV
Hanggang ngayon hindi ko pa rin magets ang lintek na problem solving na yan. Pero iba naman na solve ko. Yung tatlong problem na lang ang hindi. Tinignan ko si Kym kumakain ng kahit ano para mawala ang antok. Si Madison, wala umalis pumunta sa dorm nila Rosemarie para magpaturo. Si Yannah,ayun anlakas ng hilik. Anlalim ng tulog. Buti pa sya.
Pinilit ko pa rin talagang isolve pero parang may kulang. Binalikan ko yung mga notes ko pero wala namang example.
"Athena paano ba to??" iritang tanong ni Kym. Hindi na naman 'to nakinig. Lutang palagi tsk tsk.
"Ewan ko dyan. Wala ka bang notes??"
"pinahiram sa akin ni Yannah ito pero hindi ko maintindihan"
Wow himala nagpahiram ang babaita. Naawa na siguro kay Kym. Kinuha ko yung notes at tinignan iyon.
"ayan daw yung notes niya. Hindi ko nga alam kung saan ako magsisimula dyan eh"
Hindi ko na siya pinansin. Nagsulat na agad ako. Grabe gaano ba kaliit utak ni Kym??. Nasa harap niya na ang sagot eh. Hindi niya ba napansin na magkaparehas ang mga given?? Isang paper Kasi yung binigay ni Yannah Tas lukot lukot, nakalagay yung mga problems Tas may sagot na din pero medyo magulo ang sulat. Hay!!salamat sa diyos matatapos na ako. Kopya, kopya.
"Finish!!" sigaw ko.
"lah.. Oi paano 'to??"
"matutulog na ako Kym. Tumingin tingin ka lang, marami kang matutuklasan. Gamitin mo ang utak mo, hindi puro na Lang nasa alapaap yan" sabi ko. Baka di niya pa gets yan.
Humiga na ako at hinayaang makatulog ang sarili sa pagod.
Zzzzzzz.
---------
Kinabukasan..
Ang saya. Tapos ko lahat ng mga assignments ko. Parang gusto kong tumalon talon sa saya dahil tapos ang takda. Sa sobrang saya ko hindi ko napansin sila.
"Athena!!!" tawag sa akin ni Pat.
Lumipat pala si Pat ng club. Pinagbawalan kasi siya ng mga magulang niya na sumali sa mga sports. May asthma kasi siya. Music Club na ang sinalihan niya Pero magaling naman siya kumanta eh.
"oh,bakit??" tanong ko.
"may meeting daw mamaya sa music room" tumango na lang ako. Palagi naman ako nasa music room eh. Nagprapractice ako sa skills ko sa piano. Kahit masakit sa kamay. Kahit nagkakamali pa sa pagpindot kaya pa rin.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad at nakarating na rin sa room. Konti pa lang kami. Masyadong maaga akong pumasok.
"Hi Athena!!" bati sa akin ng mga kamag-aral ko. Mga good mood, nung isang araw badtrip sila sa mga teacher eh. Epic ng mga mukha nila eh.
"Hello" bati ko rin sa kanila.
Umupo na ako sa upuan ko.
"Buti nakahabol tayo sa laban kahapon noh" bulong ng classmate ko sa classmate ko rin. Ewan ko ba sa mundo. Iba na siguro ang definition ng bulong sa sigaw o whatever
"oo nga, ang lakas din ng mga Blue Nics University noh. Pero madaming gwapo sa kanila" kinikilig pa si ateng.
Blue Nic University. Ang kalaban ng school namin. Hindi naman siguro halata di ba??. Yaan ang bali-balita sa amin na kaaway namin sila. Mapagmataas kasi sila. Parang ewan, no comment na lang ako. Ayoko ng away. Good Girl kaya ako.
"Hey!!! tol!!!! hey!!! tol!!!!" sigaw ng bongangerang Yannah. Bati niya sa mga katropa niya.
"Tapos mo na mga assignments??" tanong ni Jaycob sa kanya. Naalala ko tuloy kagabi. Musta na kaya si Kym??Nagets niya kaya yung sinabi ko.
BINABASA MO ANG
TROPANG BALIW
Teen FictionMga kaibigang hindi mapapantayan. Ang klase ng mga taong hindi nangiiwan. May mga tinatagong hindi inaakalang ugali sa loob ng katawan kapag magkakasama tawa ng tawa kahit mababaw lang ang dahilan. Kaya sila tinawag na TROPANG BALIW dahil sa kani ka...