Yannah's POV
Nandito na kami sa hospital. Hinihintay namin ang doctor na lumabas para malaman kung anong lagay niya. Nagaalala na ako."Wala pa siyang malay pero maaari niyo na siyang puntahan" sabi ng doctor. Bago pa siya tumalikod sa amin. Tinanong ko na ang gusto Kong itanong.
"Ano bang sakit niya, doc?"
"May Rheumatic heart desease si Athena" sagot ng tao sa likod. Ang father ni Athena.
"Ano po yun?" tanong ni Kym. Makikita mo sa mukha ni Kym ang pagod at stress.
"Rheumatic heart disease. Bali yung valve niya hindi nagsasarado ng maigi kaya yung blood imbes na lumabas bumabalik lang ulit. Yun yung nagiging dahilan Kung Bakit nahihirapan siyang huminga" paliwanag ng ama ni Athena.
Pumasok na sila sa room ni Athena. Nagpaiwan na lang ako dito. Wala din naman akong gagawin sa loob. Tahimik akong nakaupo sa labas nang biglang may mga dumating. Pagkita ko pa lang sa kanya. Nilapitan ko agad siya.
"T@ng 1n@ ka!!" sambit ko sabay sapak sa pisngi niya. Nagagalit ako sa kanya dahil siya ang dahilan kung bakit nandito kami ngayon.
Agad kaming pinaghiwalay nila Jaycob.
"Ayusin mo yang gusot na ginawa mo, tropa habang may pasensya pa ako sayo. Hindi talaga kita mapapatawad kapag may nangyaring masama kay Athena!" sabi ko sabay alis pero bago ako umalis sinipa ko muna ang hita niya. Naiinis talaga ako.
Lumabas ako ng Hospital. Umupo muna ako sa gilid. Nakita kong may isang bench dun. Hindi ko makakayang tignan si Athena sa ganung kalagayan. Kasalanan ko kung bakit nangyari yun. Sa sobrang dami ng iniisip ko hindi ko naramdaman na may tumabi pala sa akin. Nakatulala lang ako hanggang sa may humagod ng likod ko. Agad Kong tinignan ng masama ang taong yun.
"Sus nahiya ka pa" sabi niya pagkatapos ay yinakap ako.
"Hindi naman masamang umiyak eh"
Sa sinabi niyang yun saka bumuhos ang mga luha ko. Lahat ng frustration ko. Lahat ng hinanakit ko.
"Kasalanan ko ang lahat. Kung Hindi ko siya sinigawan, Hindi siya magkakaganun. Kung Hindi ko pinairal yung init ng ulo ko, Hindi, Hindi naman.. Hindi naman" naiiyak kong sabi. Para akong batang nagsusumbong sa mga magulang.
Mas humigpit ang yakap niya sa akin kaya mas lalo akong naiyak.
"Tama na. Hindi mo naman kasalanan ang lahat" sabi ni Joshua.
Niyakap ko na lang siya. Ilang minuto lang ay naghiwalay na din kami sa yakap na yun. Bumuntong hininga ako.
"Kailangan pa palang yakapin para umiyak. Tsk tsk"
"Kasi para sa akin, ang pag-iyak ay tanda ng kahinaan" sabi ko sa kanya sabay yakap uli. Ang sarap niya kasing yakapin.
"So tayo na?"
"Gusto mo sapak?" sabi ko sabay angat ng kamao ko sa mukha niya. Nakita niya naman na may gasgas yun dahil sa pagsuntok ko kanina Kay Kent.
Hinawakan niya ang kamay ko at ibunukas ang saradong kong kamao. At hinalikan ang parte na may sugat. Napailing na lang ako.
"Ang korni mo"
"Sus kinilig ka naman" sabi niya. Konti lang. Half half ganurn.
Kym's POV
Nandito pa rin kami sa hospital. Hindi ko alam kung anong nangyari. Nakita ko na Lang pagpasok ko sa dorm namin, natataranta na sila dahil sa nakahiga sa sahig.Bumukas ang pinto at pumasok si Lance. May dala dala siyang prutas para sa pasyente. Agad namang kinuha yun ni Madison. Nginitian lang ako ni Lance at nginitian ko rin siya.

BINABASA MO ANG
TROPANG BALIW
Novela JuvenilMga kaibigang hindi mapapantayan. Ang klase ng mga taong hindi nangiiwan. May mga tinatagong hindi inaakalang ugali sa loob ng katawan kapag magkakasama tawa ng tawa kahit mababaw lang ang dahilan. Kaya sila tinawag na TROPANG BALIW dahil sa kani ka...