Yannah's POV
Sy*t!!! sy*t!!! ang sakit!!!! Ang sakit ng braso ko!!! Habang naglalakad ako may naririnig akong usap usapan. Matindeh talaga sa school na 'to, hindi lang greenminded ang nagaaral pati chismosa. Tsk tsk.
"oo nga"
"ano kaya punishment nila"
"magjogging lang daw. Hindi sila muna maglilinis ng mga C.R"
"bakit??"
"may laro pa daw sila"
Takte naman!!. Naiirita na ako ha??!!. Pagpasok ko sa room. Tinignan ko sila isa isa. Una kong tinignan si Mac, hindi ako pinansin. Next Kurt, wala din wapakels. Mga binagsakan ng isang kilong bigas ang mga ito.
*kriiiiiiiiiiiiing*
Nagsimula na ang klase di pa rin nila ako pinapansin. :( .. Magmemenopause na ba sila??? wala na bang naproproduce na sperm cell kaya hindi nila ako pinapansin... :(
Nagpalitan kami ng mga upuan para sa susunod na upuan. Hindi pa rin nila ako pinapansin. Bahala sila. Makikinig na lang ako.
***
*krriiiiiiing* break.Hangover siguro kaya hindi nila ako pinapansin. Yun na lang ang inisp kong dahilan buong klase. Nakita ko sila Athena sa favorite table namin.
"Athena, boyfriend mo??" tanong ko.
"nagprapractice~" di ko na sya pinatapos. Kumaripas na agad ako ng takbo.
Pagkadating ko sa court napatigil sila sa pagprapractice.
"ano bang problema niyo??" sh*t ang sakit!!. Kumikirot na naman yung braso ko.
"may hindi ka sinasabi sa amin kaya hindi ka nila pinapansin" salita ni Jaycob.
"ano ba yun??" tanong ko. Ano bang hindi ko sinasabi sa kanila?? Ang pagkakaalam ko wala ah maliban na lang kay Bryan.
Tumakbo ako papunta sa kanila at hinawakan ko yung braso ni Kent. Ayokong nagagalit sila sa akin. Mga kuya ko sila eh. Malakas siyang bumitaw sa akin kaya sumakit na naman yung braso ko. Napahawak tuloy ako. Takte tagal na nito ah hindi pa rin gumagaling. Ano ba naman yan?? natamaan lang naman ng metal baseball bat eh..
"yan. Yan ang hindi mo sinasabi sa amin. Tas yung sa tyan mo pa" sabi ni Kent sa akin. Anong sa tyan??Namboboso ba to si Kent kaya nakita niya yung benda sa tyan ko??
Ayun ba kinagagalit nila??. Paano nila nalaman?? Si Joshua ba?? Badtrip naman.
"kanino niyo nalaman??" tanong ko. Lagot talaga yun si Joshua na yun. Hindi talaga pagkakatiwalaan yung lalaking yun.
"wala. Nakita lang namin. Bakit wala ka ba talagang balak sabihin?" seryosong tanong ni Kurt sa akin.
"ang tanong dito. Sinong gumawa niyan??" -Mac.
Umiwas ako ng tingin sa kanila. Ayokong sabihin kasi baka lumaki eh. Hindi ko na nga sinasabi sa iba eh. Kaso lahat sila nakapaikot sa akin kulang na lang nakatali ako sa isang upuan at may isang ilaw sa itaas...
"psh.Wala talagang balak"-Arkin. Ito hindi naman kami close eh. Nakikisali pa. :/
Nagsiayusan na sila ng gamit at akmang aalis. Naiiyak na ako. Galit talaga sila. Bago sila umalis nagsalita na ako.
"Bryan Ferer" sabi ko. Nagsilapitan sila sa akin. Nakayuko lang ako, pinipigilan na magtagpo ang aming mga mata.
"Sh*t, Ano bang ginawa mo sa kanya??" naiinis na sabi ni Mac.

BINABASA MO ANG
TROPANG BALIW
Teen FictionMga kaibigang hindi mapapantayan. Ang klase ng mga taong hindi nangiiwan. May mga tinatagong hindi inaakalang ugali sa loob ng katawan kapag magkakasama tawa ng tawa kahit mababaw lang ang dahilan. Kaya sila tinawag na TROPANG BALIW dahil sa kani ka...