Kym's POV
Nandito kami sa Marikina. Hinahanap namin ang malapit na food park dito. Hindi ko alam kung malapit dahil kanina pa kami paikot ikot sa street na to at hindi pa rin namin nahahanap ang foodpark na yun.
"Nagugutom na ako, Lance" sabi ko sa kanya. Napangiti naman si Lance sa sinabi ko. Nagdadrive kasi siya at ako kanina pa ako nakaupo sa passenger seat. Ang sakit kaya sa pwet ang umupo ng ilang oras.
"Malapit na tayo, Kym" sabi niya sa akin at hinawakan ang aking kamay. Hindi naman kami pero parang kami.
Nagka-aminan kasi kami kahapon. Natatawa na lang ako kapag naalala ko ang pangyayari kahapon.
Flashback...
Nandito kami sa isang amusement park. Ewan ko ba kung bakit kami napunta dito."Bakit dito mo gusto pumunta??" tanong ko habang bumibili siya ng package ticket.
Nililibot ko naman ang paningin ko at tinitignan ang ganda ng lugar. Ang ganda ganda talaga sa mga amusement park named ganito.
"Kasi nakakaexciting pumasok sa ganitong lugar at mapapabalik ka talaga sa pagkabata kahit anong edad ka na" sabi niya sa akin habang tinitignan din ang kagandahan ng lugar.
"Tara na, huwag na natin sayangin ang oras" sabi niya sa akin sabay hawak sa kamay ko at hinila ako. Natawa naman ako sa ginawa niya kaya pala ang aga niya akong iginayak para masulit namin ang unli rides ng amusement park.
Sumakay kami sa iba't ibang rides katulad ng space shuttle, roller coasters, water splashing, at marami pang iba. Nagkanda suka suka nga ako sa mga rides na sinasakyan namin pero siya ayos lang. Nagkanda mutla-mutla na ako, Hindi man Lang ako pinapansin.
"Tara, kain muna tayo" sabi niya.
"Buti naman naisipan mong kumain, gutom na gutom na kaya ako. Hindi mo man lang iniisip kung nagugutom ako o nahihilo na ako. Grabe ka! Ang dami nating rides na sinakyan tas ngayon mo lang naisipan kumain. Suntukin kaya kita dyan" pag-aalburoto ko. Eh sa nahihilo na talaga ako kanina. Buti na lang niyayakap niya ako kaya nawawala ang hilo pero kaunti lang.
Nagulat naman ako ng yakapin ako patalikod ni Lance at hinalikan ang pisngi ko.
"Anong gusto mo??" malambing niyang tanong sa akin. Naramdaman ko naman ang init ng hininga niya malapit sa leeg ko. Geezz, tumataas balahibo ko. Down there CHAR~
Hindi ko sinagot ang tanong niya kundi tinanong ko siya. "PakBoy ka ba Lance?"
Nakita ko naman mamilog ang mata niya na nagulat sa sinabi ko.
"Ako?? Fuck boy? Oi mabait ata to noh" sabi niya sa akin at bumitaw na sa pagkakayakap sa akin.
Napairap naman ako sa sagot niya sa akin. Oo at Hindi Lang ang sagot sa tanong ko, ang dami ng sinabi. Mga tao talaga. Tsk tsk.
"Tss. Hindi pala eh kaya 'wag mo kong landiin" sabi ko. Tinitignan ko naman ang menu at hinahanap ang gusto kong pagkain.
"So mga pakboy lang pwedeng lumandi sayo ganun?" tanong niya sa akin at alam Kong tinitignan niya ako dahil ramdam ko yun.
"Bakit may sinabi ba ako??" masungit kong tanong sa kanya. Nasasapian na ata ako ni Madison sa kasungitan dahil sa lalaking to.
"Bakit kailangan may sabihin ka?" tanong niya habang tinataas niya ang noo niya. Parang pinapakita niya na matangkad siya ganun.
"Oo!!" malakas kong sabi. At ginawa ko din ang ginawa niya kaso kahit anong tingkayad ko. Ang tangkad niya pa rin.
"So Kung tatanungin ba kitang 'Be my pakgurl?' pwede na kitang landiin??" tanong niya. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Malandi talaga 'to.

BINABASA MO ANG
TROPANG BALIW
Teen FictionMga kaibigang hindi mapapantayan. Ang klase ng mga taong hindi nangiiwan. May mga tinatagong hindi inaakalang ugali sa loob ng katawan kapag magkakasama tawa ng tawa kahit mababaw lang ang dahilan. Kaya sila tinawag na TROPANG BALIW dahil sa kani ka...