BIG EVENT

70 3 1
                                    

Yannah's POV

Nandito ako sa dorm naghihintay ng oras kung aalis na ako. Sinusubukan kong tawagan si Kurt pero di naman sumasagot. Kainis kailan kailangan ko siya tsaka siya wala. Kinakabahan kasi ako kung anong mangyayari mamaya.

"Yannah!!! ano ba??! aalis ka ba!" nakapameywang na sabi ni Athena. Excited din to eh

"Bat ba nagmamadali ka??"

"Basta" sabi niya na tumalikod na sa akin

"Hoy!! mamaya may gawin kayong kababalaghan dito ni Kent ah. Wag dito, humanap kayo ng ibng place wag lang dito. Sa motel na lang" pfft--

Pagkasabi ko nun bigla niya akong hinabol. Kinuha ko agad lahat ng gamit ko at lumabas na. Pfft..

"Wag kang babalik dito ah!!" sabi niya with feelings. Aalis din naman yan mamaya eh.

Maglalakad muna ako. Anong oras na ba?? 12:30 na. Hay aalis na nga ako.

Papunta na ako sa kotse ko nang nakita ko si Joshua. Saan pupunta yun?? Bakit ko ba siya iniisip?? Haist kainis naman. Papasok na nga ako sa maganda kong SPORTS CAR. Kailangan maenjoy ko tong araw na 'to. Minsan na lang ako humawak ng manibela at magpatakbo ng mabilis.

Madison's POV

Hindi ako nakatulog sa sinabi ni ate kagabi. Nagaalala ako sa kanya na baka itakwil siya ni Daddy. Strikto si daddy pero siya naman ang palaging wala. Mga magulang namin masyadong busy sa pagpapalago ng pera nila kaya halos kami na lang dalawa ang nasa bahay.

"Ashley"

"Oh ate.. Magpahinga ka muna"

"Ashley, paano na yan??" sabi niya.. Paano na nga ba??

Natahimik kami saglit. Nang may biglang pumasok sa isip ko na hindi ko pa natatanong kagabi.

"Ate..." tawag ko sa kanya.

"Hmmm?" sabi niya habang nakatingin sa kisame.

"Sino ang ama niyan??" tanong ko.

Sa tanong kong yun nagsimula na naman siyang umiyak kaya nataranta ako

"Ok lang ate kung ayaw mong sabihin. Wag ka ng umiyak" pagpapatahan ko.

"S-si D-daniel A-ark" mangiyak ngiyak niyang sabi. Hindi ako nakagalaw agad dahil hindi pa nagsisink in ang sinabi ni ate.

"Ano?? ate??!" sigaw ko. Tss si kuya Daniel Ark for short D.A na kapatid ni Yannah?? Hindi niya naman boyfriend yun ah.  Sa pagkakaalam ko si Wilbert ang pangalan ng boyfriend niya.

"Ate totoo??" tanong ko. Hindi ako makapaniwala na si kuya DA.

"Malamang!! Lasing kami nun. kasi alam mo na yun" sabi niya.

"Tapos??" Tanong ko uli. Bigla niya akong binatukan.

"Ano ba ate??!!"

"Bwisit ka!!" sabi niya sabay takip ng mukha ng unan.

"Pananagutan ka nun ate... Wag kang magalala" sabi ko.

Kilala ko si kuya DA.. Mabait yun, mas mabait pa siya sa kapatid niya. Kaya may tiwala ako kay kuya DA.

Third person's POV

Ingay na nagmumula sa mga engine ng mga kotse na nagkakarera. Sa isang banda nandun si Yannah na pawang kinakabahan. Lahat na sila na kabihis dahil sila na ang susunod na mangangarera.

Mga ilang oras. Pumasok na si Yannah sa kotse na nakaasign sa kanya. Ang numero ng kanyang kotse ay 15... Iniingatan ni Yannah na wag makita ni Joshua. Si Joshua ay pumasok na sa kotseng number 19. Nang nakasakay na silang lahat. Pumunta na rin ang babaeng napakaikli ang short at nakabra lang at may hawak na flag. Pumutok na ang baril at binaba na rin ng babae ang flag hudyat nun na simula na ang karera.

TROPANG BALIWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon