Ligaw epek

5 0 0
                                    

Yannah's POV
Kinausap ako ng kuya ko na kausapin si Madison tungkol sa problema nila. Ewan ko ba yan sa mga yan, sarili nilang problema pinatutulong pa ako.

Nakahilata lang ako sa dorm dahil nagtatago ako sa mga tropa ko dahil sa sugat ko. Ayoko pa man din tinatanong ako. Hindi Kasi ako marunong magsinungaling. Magsisinungaling man ako, Hindi makatotohanan kaya malalaman din Nila nagsisinungaling ako.

"Yannah?!" tawag sa akin ni Madison. Buti naman umuwi na siya at gusto ko na talaga siyang makausap.

"Oi, Ano bang problema ng kuya ko at ate mo? Kailangan pang idamay ako" tanong ko sa kanya habang naglalaro ng Ibon na lumilipad sa cellphone.

"Binuntis lang naman ng kuya mo ang ate ko" mataray niyang sabi.

"Binuntis Lang naman eh. Anong problema dun?" saka ko Lang napagtanto ang sinabi ko. Si kuya nakabuntis? Hala. Patay yung ibon sa iba pumunta, pumasok sa kung saan. Dead na tuloy ako sa nilalaro ko dahil dinaganan na ako ni Madison at sinasabunutan ako.

"Aray!! Tama na!!" bulyaw ko dahil masakit ang katawan ko at dinaganan niya pa ako.

"Anong tama na?  Lagot ang ate ko Kay daddy kapag nalaman niya yun.  Bwisit yang kuya mo" sabi niya habang sinasabunutan pa rin ako. Takte, ang sakit ng katawan ko.

"Kasalanan ko bang nagpapasok yang ate mo sa kweba niya?" tanong ko habang nilalabanan na din siya. Hindi ako makaupo dahil sa bigat niya. Mas lalo siyang nanggigil sa akin at hinigpitan ang sabunot sa buhok ko. Napipikon na ako ah.  Nasasaktan na talaga ako ng sobra.

"Ano?!" sambit niya

"Ano ba, Madison?! Bat ako ang sinasabunotan mo dito?  Hindi naman ako nakabuntis sa ate mo!" sabi ko para manahimik na siya. Tang gala, nasanggi niya ang sugat ko sa noo. Humahapdi na naman.

Nang kumalma siya. Umupo na ako at pinagusapan namin ng seryoso ang problemang ito.

"Ano na ang gagawin natin?" tanong niya sa akin. Takte nahihilo ako.

"Kailangan magusap muna silang dalawa. Sila dapat ang nasusulosyon sa sarili nilang problema" seryoso kong sabi. Dumudugo na naman siguro ang sugat ko.

"Kailangan ng kuya mong panagutan ang ate ko"

"Matatanda na yung mga yun at alam na nila ang dapat nilang gawin"

"Eh kailangan nga ng kuya mong panagutan ang ate ko!"

Ano, paulit ulit? Takte naiinis na ako. Humahapdi na ang sugat ko at sumasabay pa itong si Madison.

"Wala na akong paki dyan. Sila lang ang makakapagdesisyon sa ganyang sitwasyon. Hindi tayo involve dyan"

Hindi naman talaga kami involve Dyan dahil wala kami nung ginawa nila ang kababalaghan na yun.

"Ganyan ka naman eh. Wala ka naman talagang Paki sa amin eh. Palagi ka --" Hindi ko na siya pinatapos. Masyado siyang madrama.

"Hindi naman ako magdedesisyon eh. Ako ba yung kuya ko para madesisyon?  Bakit kapag sinabi ko bang 'oo pananagutan yan ni kuya', susundin niya ba ako?  May sarili silang isip. At saka wag mo Kong drama dramahan ng ganyan.  Sa tingin mo sa pagiyak mong yan masusulosyunan ang problema nila? Hindi, kasi tanging sila lang ang maaaring sulusyon dyan" sabi ko sabay alis sa dorm.

Takte! Sumasakit na talaga yung noo ko. Lumabas ako ng dorm na may hawak na panyo at nakalagay sa noo ko. Nakasalubong ko din si Athena na papasok sa dorm.

Pumunta ako sa isang bench. Umupo ako dun at inasikaso ang sugat ko. Kanina naman Hindi masakit to ah. Pinagmamasdan ko ang mga estudyanteng nagsisilabasan pa rin sa kani-kanilang dormitoryo. Yung iba nagkukwentuhan, yung iba namamasyal at yung iba naman nagiisip magisa sa tabi tabi.

TROPANG BALIWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon