Talk

9 0 0
                                    

Yannah's POV

Nasa labas ako ngayon ng court. Nakaupo sa isa sa mga bench dito. Sinusubukan kong tawagan ang nakatatanda kong kapatid sa kadahilanan na wala nga akong matulugan.

Nang isinagot niya na ang tawag ko.

"Kuya, nasan ka?" tanong ko sa kanya.

"Ano ba yan, yannah?  Magpatulog ka nga. Anong oras na oh."

"Pupunta ako sa condo mo. Wala akong matulugan"

"Huh?! Bawal! Nandito si Maureen" sigaw niyang sabi. May ginawa siguro silang kababalaghan kaya ayaw niya akong papuntahin sa condo niya. Dati naman kahit anong oras ako pumunta doon eh. Siguro kakatapos Lang nila. Tsk tsk.

"oh Ano naman kung nandyan siya?" tanong ko. Masama bang magsama ang kapatid ng magiging asawa niya at siya. Oh sadyang choosy Lang ni kuya.

"Basta bawal. Doon ka na. Chupi"

Wow ha?! Pagkatapos kitang tulungan sabihin kay mama ang issue mo Tas ngayon gagayanin mo ko. Pasalamat ka Mahal ko bisyo ko kundi wala kang mapapala sa akin.

Naglakad lakad ako palabas ng campus para tuloy akong pulubi kahit nagbabayad naman ako ng bill sa rent ng dorm ko. Feeling ko isang akong ulilang lubos pagala gala sa ilalim ng malalim na gabi. Ano daw?? Sobrang deep naman, malalim na tas umilalim pa.

Saan kaya ako matutulog?

Nagulat naman ako ng may bigla akong narinig na tunog mula sa likod ko. Makaalis na nga. Mamaya may multo pang mag hi sa akin dito. Hindi pa man din ako nakikipaglaro sa multo.

Naglalakad na ako nang maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod ko. Abah!! Nagpumiglas ako sa yakap niya pero napatigil na ako nang magsalita siya.

"Sandali Lang. Payakap muna sandali kahit sandali lang" sabi ni Joshua.

Naramdaman ko naman ang puso ko na Hindi na magkamayaw sa kabog dahil sa pagyakap niya. Sa bawat bilis ng pagtibok ng puso ko. Napagtanto ko na unti unti ko na rin siyang nagugustuhan. Hindi maaari to. Kailangan kong pigilan ang kalokohang to.

Humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin. Hinarap ko naman siya.

"Gabi na. Bat nasa labas ka pa??" sabi niya sa akin. Nakangiti siya ngayon. Makakangiti pa kaya siya ng ganyan kung iiwasan ko na siya sa oras na to para pigilan ang kaabnormalan ng tibok ng puso ko?

"Aahh sige  matutulog na ako" sabi ko sa kanya at binigyan ko siya ng pilit na ngiti.

Umalis na ako dun dahil hindi na normal ang pagtibok ng puso ko.

San kaya ako matutulog? Ayoko namang makitulog sa mga lalaki Kong tropa. May issue pa kasi. Tsk tsk. Aahhh alam ko na.

Athena's POV
Maayos ayos na rin ang pakiramdam ko. Ilang araw ko na din iniiwasan ang lalaking yun. Hindi ko pa siya kayang kausapin. Ilang araw na ding hindi na natutulog si Yannah sa dorm. Hindi ko nga alam Kung saan yun natutulog.

Naglalakad ako sa corridor. Nang may lumapit sa akin.

"Pwede ba tayong magusap??" sabi niya. Nasulyapan ko naman ang kanyang mukha na haggard na haggard na.

"Promise mageexplain lang ako tapos ikaw na bahala magdesisyon. Tatanggapin ko kahit anong maging desisyon mo basta makapagpaliwanag Lang ako"

Magsasalita na sana ako kaso nagsalita siyang muli.

"Please"

Napatango na lang ako. Baka kasi pagnagtangka pa ako magsalita, magsalita uli siya.

Ilang araw na din Kasi akong hindi makatulog dahil iniisip ko siya at sinabihan ako ni Kym na 'Lahat ng bagay may rason. Subukan mong pakinggan ang sasabihin niya at subukang unawain ang lahat'

TROPANG BALIWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon