P.E UNIFORM

235 13 0
                                    

Athena's POV

Ngayon naglulunch na kami sa canteen. Nagdadaldalan habang kumakain.

"Arghh Nakakainis talaga yung lalaking yun masyadong mayabang!!!" galit na galit na sabi ni Madison. Paano ba naman?? Naglalambingan sa harap pa namin hahaha. Pinatayo Kasi kanina si Madison dahil sa paggawa ng ingay nila Arkin, ang transferee. Magkaibigan na Lang kami ngayon Kasi kaibigan na lang ang tingin ko sa Kanya. Naexpired na yung pagkacrush ko sa kanya. Iba naman. 😁😁

"huhuhu napahiya ako kanina" naiiyak na sabi ni Madison. Tsk.tsk. Sus ikaw din ang may kasalanan, nagpadala ka kasi sa tukso 😂😂

"ok lang yan, pahiyain mo na lang siya para gantihan" sabi ko. Pagkasabi ko nun dumating na si Kymberlie na maraming dala ng pagkain sa tray niya. Grabe mga kaibigan ko talaga may mga dragon sa tyan. Ganyan sila kumain akala mo hindi kumain ng isang linggo.

"si Yannah??" tanong niya at nilapag ang tray na hawak niya. Ang nasa tray niya ay 4 pcs large fries, 2 coke,2 sundae at 3 chicken buffet meal. Di ba astig? Mga bakaw.

"ewan" rinig kong sabi ni Madison. Nasaan na kaya yung baliw na babae na yun?? Speaking of baliw, dumating na.

Pagdating niya biglang upo at sabay kain sa tray ni Kym. Pero di nagreklamo si Kym baka planado.

"gutom much??"tanong ni Madison. Oo nga gutom na gutom si Yannah ngayon. Alam ko naman na ganyan siya kumain pero hindi naman ganyan kabilis at kapatay gutom.

"Oo, kainis andami palang sumali sa tennis dahil lang sa lalaking hindi naman kagwapohan." explain niya. Bakit, anong pinoproblema niya dun?? hindi naman siya yung magtretrain nung mga yun eh.

"anong pinaglalaban mo dyan??" tanong ko.

"Ipiniglalaban ko. Ako!! ako ang magtretrain sa kanila dahil ako ang head ng club" sabi niya habang kumakain pa rin.

"aaah. Edi magtanggal ka, problema ba yun??" suggest ni madison. Tama!!magtanggal siya para makaganti ako sa mga babaeng malalanding estudyante hahaha. Masyado silang malalandi. Kawawa naman sila matitikman nila ang bagsik ni Yannah. Malakas mantrip lalo na kapag badtrip. Buti nga sa kanila.

"Oo nga. Magtatanggal ako sa Friday" sabi niya.

"Bakit sa friday pa??" tanong ko. Kasi naman bakit sa Friday pa?? antagal naman nun. Ang tagal pa ng process ng revenge ko.

"Kasi sa Friday pa kami magkikita kaya yun" explain niya.

Natapos na kami kumain kaya dumeretso na kami sa room. Ang ingay nga eh.  Ano bang mayroon? May artista ba?

">.< pwedeng papicture Joshua" sabi ng babaeng nagpapacute. Hindi siya pinansin ng lalaki. Kawawa naman. Umalis na yung babae, medyo napahiya. Hehehe.

Umupo na kami sa upuan namin.

"Oi Yannah, bakit parang depress na depress ka??" tanong ni Kent. Tsk wag kang magtanong madamay kami sa kabadtripan niyan. Kapag badtrip pa man din 'yan pinapasa sa iba at galit galit sa mundo. At kapag nabadtrip ako. Makikita mo Kent.

"kasi yung lalaking bagong salta dito.Pinagkakaguluhan." sagot niya. Hala. Anong problema nito??

"anong problema sa kanila kung pinagguguluhan??" nagtatakang tanong ni Kent. Anlakas talaga ng topak nito ni Kent pagnapuno yan naku. Sasabog yan.. May kasalanan pa pala sa akin 'yan si Kent.

"wala, manahimik ka" yun na lang sinabi ni Yannah baka kasi nahihiya hehehe kasi ang gwapo ng sinusubatan niya .>.<. Sinong gwapo? Si Kent??  Eeewww.

Dumating na si Ma'am tapos nagturo.

"blablablabla" yan lang yung naintindihan ko sa sinabi ng teacher. Lutang Kasi ang isip ko at Hindi ako interesado sa topic ni Ma'am.

TROPANG BALIWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon