Kymberlie's POV
Nakita ko nga sila Mac at Jaycob nagsasapakan. Bakit kaya? Ano kayang pinagawayan nila?
Lalapit na sana ako kaso biglang dumating si Yannah at may hawak na Cheezy (snacks yan guys). Then pinanood niya sila Jaycob na magsapakan. Lokaret tong babae to tuwang tuwa panoodin ang mga kaibigan niyang nagsusuntukan imbes na awatin.
Lumapit na ako sa babaeng walang pakielam sa mga kaibigan boys at tinanong "bakit sila nagsusuntukan??"
"pfft--- talo ka pala jaycob eh. Pfft---hahahahah" yan yung sagot niya. Letche anong konek? Inaasar niya pa yung mga nagsusuntukan.
Kinalabit ko siya at inulit ang tanong. Busy talaga siyang manood kaya para mapansin niya ako, pumunta na ako sa dalawa at Aawatin sila. Mahirap na baka magkapatayan silang dalawa.
"tama na yan" awat ko.
Pero patuloy pa rin sila sa pagsusuntukan.
"SABING TAMA NA YAN EH!!!" sigaw ko at chaka naman lumapit si Yannah sa akin.
"ano bang ginagawa mo??" seryosong tanong niya.
"Inaawat sila total wala ka namang Paki eh" sagot ko. Kung wala siyang paki sa mga kaibigan pwes ako may paki.
"hayaan mo sila. Pag inawat mo sila ikaw din ang mapapahamak" sabi ni Yannah habang hinihila ako. "ayaw Kong makakakita ng skeleton na lasog lasog"
Tumabi kami sa isang gilid pero malapit pa rin sa nagsusuntukan. Dumadami na rin ang mga nakikiusyoso sa nangyayari. Habang padami ng padami ang mga tao Ay biglang dumating ang isang prof.
"Girls, what's happening?" tanong ng isang prof. Walang sumagot kahit isa. Nawala naman bigla ang mga taong chismoso't chismosa ng parang bula.
Nakita ni sir na nagsusuntukan ang dalawang lalaki kaya ngayon nandito kami sa guidance. Badtrip,wala pa naman akong record dito. Sa buong buhay ko nagpakabait ako tapos isang pangyayaring ganto Lang? Magkakarecord ako. Ayokong magkarecord. Mabait akong nilalang.
"ano walang magsasalita??" sabi ng prof na nakakita ng pangyayari.
"hindi ba halata sir" asar naman ni Mac kay prof. Pucha!! kung gusto niyong magkarecord wag niyo kong idamay..
"sige, pilosopohin mo pa ako Mr. Gubantes" sabi ng prof.
"kasi ikaw eh" singit naman ni Jaycob. Sige lang ipagpatuloy niyo lang ang mabuting gawain. Mukha tuloy kayong panda. Buti pa si yannah hindi pa gumagalaw pero kapag gumalaw yan patay tayo, hindi lang record ang gagawin ni Prof with punishment pa. Edi wow!!!!!
"Bakit ba kayo nagsusuntukan, Boys??" ang pagiibang topic ng prof
"Miss Rodriguez?? baka gusto mong magsalita, hindi yung nanahimik ka lang dyan" dagdag niya pa.
"sir, Yannah na lang, wag ng miss. Rodriguez nagmumukha tuloy akong anak ni Ruby Rodriguez" sabi ni Yannah na ngumingisi ngisi pa. Siraulo. Akala naman niya kilala ni Prof ang artistang sinasabi niya.
"Tanga yannah, ayaw mo nun pinsan mo si Tom Rodriguez??" giit naman ni panda Jaycob.
Mga siraulo yung mga kaharap ni prof. Tsk tsk mahihirapan siya dito. Hindi lang pala siya ako rin... pero sanay naman na ako sa mga ugok na to.
"oo nga noh, pwede na rin" sang-ayon naman ni Yannah.
"ISA! BAKIT BA KAYO NAGSUSUNTUKAN?! WAG NIYO KONG LOKO LOKOHIN HA??!!!" sigaw ng prof. Seryoso si prof tas nagpipigil ng tawa si Yannah. Pwede na tong ipadala sa mental Pucha.
"sir easy lang, easihan mo lang" asar pa ni Mac. Tinignan naman siya ni prof ng masama kaya tumigil na siya. Buti nga sayo! Hmmp.
"ano? sino may kasalanan sa inyo??" tanong uli ni prof. Pucha para namang sirang plaka to si prof. Paulit ulit!
BINABASA MO ANG
TROPANG BALIW
Teen FictionMga kaibigang hindi mapapantayan. Ang klase ng mga taong hindi nangiiwan. May mga tinatagong hindi inaakalang ugali sa loob ng katawan kapag magkakasama tawa ng tawa kahit mababaw lang ang dahilan. Kaya sila tinawag na TROPANG BALIW dahil sa kani ka...