PRACTICE

49 9 5
                                    

Madison's POV

Umuwi ako ng maaga. Nadatnan ko si Yannah. Natutulog pa rin. Ano pa bang bago?? Pumunta muna ako sa banyo para maghanda sa practice namin sa volleyball. Pagkatapos kong maligo nakita ko si Kym nagmamadali.

"excuse me" sabi niya at pumunta agad sa banyo. Natatae siguro pfft.

Umiinom ako ng fresh milk nang lumabas si Kym

"Ano?? success??" tanong ko.Pfft--

"anong success?? Umihi lang naman ako ah" sabi niya. Hahaha palusot nito.

"sabi mo eh" yun na lang nasabi ko.

Naghanda na rin ako at nagstreching. Bumaba na kami ni Kym at dumeretso sa Court.

Habang naglalakad kami papuntang court napaisip ako sa nangyari kahapon kay ate.

Flashback...
Niyakap ako ni ate at biglang umiyak. Anong problema nito??

"Huhuhuhu maddy.. Nakita ko si Wilbert may kasamang babae huhuhu" mangiyak ngiyak na sabi ng ate ko.

"tss. Ate napaka mo kasi eh" sabi ko.

"ano??" tanong niya. Mukhang tanga si ate para siyang batang na nakawan ng lollipop.

"kasi ang ano. Napaka. Hindi mo na lang kasi anohin yang boyfriend mo para maano na" sabi ko. Gusto niyo ng translation?? Mamaya.

"Aray!!" sabi ko. Binatukan ako.

"anong inaano ano mo dyan kung sapakin kaya kita dyan" pagbabanta niya. Wow ha ako na nga lang napababalingan mo ng sama ng loob tas ako pa bugbogin mo just wow talaga.

"yung ano mo" sabi ko

"P*ta isa pang ano." sabi niya. Sabi ko nga hindi na ako magaano.

"Kasi ganito kasi yun. Ang ibig kong sabihin kanina ay makipagbreak ka na sa boyfriend nang hindi ka umiyak iyak dyan" pagkasabi ko nun biglang sumeryoso ang mukha niya. Oops mali ang nasabi ko pero ok lang para naman magising na sya sa katotohanan.

Tinapik ko ang likod niya at niyakap sya "alam mo ate para lang yang ngipin eh. Kapag alam mo ng masakit ipabunot muna para isang sakitan na lang"

"*singhot* alam mo hindi mo kasi nararamdaman ang nararamadam ko" sabi niya habang umiiyak.

"Alam mo ate para rin yang wattpad kapag nabasa mo mararamdaman mo ang mga nararamdaman ng mga bida. Kasi nilalagay mo yung sarili mo sa sitwasyon kaya posibleng maramdaman mo rin. Di ba kapag naiiyak ka sa malulungkot na scene nafefeel mo yung mga nangyayari??. Ako kapag ganun may natutunan ako kaya ate kapag nasasaktan ka na ng lubusan bitawan na.Nagegets mo ba ako??"

End Flashback...

"OK!! PRACTICE NA!! kailangan natin mapanalo lahat ng sports guys!!" sigaw ni couch. Tss mga obsess sa trophy tong mga To. Di na lang bumili sa recto. Djk

Nagpractice lang kami ng nagpractice. Tinuruan kami ng couch namin kung paano hindi sumablay ang serve namin. Kung paano rin ang timing ng blockings. Nang matapos ang practice, pumunta kami ni Kym sa Cafeteria.

"oh Mac. Saan punta mo??" tanong ni Kym.

"Aah sa Cafeteria" sagot ni Mac. Halatang bagong ligo dahil basang basa pa ang buhok. Siguro kakatapos lang ng practice nila.

"Oh tara sabay na tayo" sabi ni Kym. Maglalakad na sana kami pero napahinto kami o baka ako lang. Nung biglang dumating si Arkin na basa rin ang buhok at lalo niya pa itong ginugulo. Ang hot niya kulang na lang nakatopless siya. Ay!! ano ba ang iniisip ko??

TROPANG BALIWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon