Diz is it

8 0 0
                                    

Yannah's POV
Madali lang naman ako nakatakas sa mga kaibigan ko. Nangangati na kasi yung kamay ko na humawak ng manibela. Hindi rin naman ako nahirapan makatakas sa boyfriend kong Loko Loko. 

Bumaba na ako sa sasakyan kong bagong bili lang para makasali dito. Nako kapag nasira na naman to. Hindi na ako bibili pa. Sana naman manalo naman na ako dito noh.

Pagkababa ko pa lang ng sasakyan. Ang dami ng nakukuhaan ng litrato sa sasakyan ko. Ang ganda kasi ng nagmamaneho at ako yun. Pero mas maganda ang sasakyan ko. Pinaayos ko pa yan kay Oli para lagyan ng makinang magpapanalo sa akin. Speaking of my pinsan,  nasan na kaya yun? Sabi niya susuportahan niya ako.

Iniwan ko muna ang aking magandang sasakyan. Pumunta na ako sa venue na pinagpapahingahan ng mga racers. Hahanapin ko ang masking Kong pinsan. Wala din Kasi Kurt dahil Hindi siya sumali. Ewan ko dun, takot matalo. Papasok palang ako ng venue pero agad din akong nagtago sa madaming tao.

Putek! Naalala ko na siya nga pala yung nanalo nung nakaraan kaya nandito siya. Sumali pala ang loko kong boyfriend. Tss. Sorry na lang siya kailangan Kong manalo. Nang mawala siya sa paningin ko ay pumasok na ako pinagpatuloy na ang paghahanap sa pinsan ko.

Nasa likod ako nang may narinig akong mga boses. Hindi ko na sana papansinin pero narinig ko ang pangalan ni Joshua.

'Kailangan natin ligpitin ang lalaking na nanalo noong nakaraan. Ano bang pangalan nun?'

'Joseph?  Joshua? Oo,  Joshua'

Nagtago ako sa gilid at nakinig sa kanila.

'Di ba si Sir ang bahala dun? Hindi na natin siya kailangan iligpit dahil si sir na mismo ang gagawa'

'Tss. Sayang bagong bili pa man din ang mga tools ko para sirain ang makina ni Joshua'

Napatigil ako sa pakikinig dahil may palad na dumampi sa balat ko. Medyo napatalon pa ako dahil sa ginawa niya.

"Do you eavesdropping is bad?" sabi ng lalaki na nakahawak sa balikat ko. Natatakot ako sa kanya dahil sa mga narinig ko.

"I'm sorry" nanginginig kong sabi. Diniinan niya ang pagkakahawak sa braso ko at naramdaman ko ang sakit nun.

"You are one of the racers right?"

Hindi ako sumagot sa kanya at yumuko. Mas lalo Kasi niyang dinidiinan ang hawak niya sa braso. Feeling ko dumudugo na yung braso ko.

"Alam mo maganda ka sana kaso chismosa ka"

Hinawakan niya ang baba ko at inangat niya para magkaharap na kami. Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya sa baba ko pero parang wala lang sa kanya dahil mas malakas siya. Siniksik niya ako, mas lalo hindi ako makagalaw. Yung mga kamay ko naman ay nakaipit.

"May boyfriend ka na ba?"

Inirapan ko naman siya at patuloy na kumakalas.

"I like you. After this game you will be mine"

Hindi ko pinapansin ang mga sinasabi niya pero nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa labi. Inipon ko lahat ng lakas ko at sinipa siya.

Nawala ang pagkakahawak niya sa akin kaya agad akong tumakbo papalayo sa kanya. Manyak na yun. Nanghihina ang tuhod ko dahil sa takot. Thank God nga dahil hindi niya naalala na may baril siya sa gilid niya. Buti hindi niya pinantakot sa akin yun kundi mas lalo akong manginginig kapag nagkataon. Masyadong okupado ang isip ko sa pagtakas, hindi ko napansin na nandito na ako sa kalagitnaan ng venue. Masyadong tao kaya hindi ko napansin na ang taong tinataguan ko ay nakita ako.

Lumapit siya sa akin. At kinausap ako.

"Anong ginagawa mo dito?" seryoso niyang tanong. Nanghihina ako dahil sa eksena kanina kaya hindi ko siya sinagot at niyakap na lang siya.

TROPANG BALIWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon