Reminder: Please support my story by hitting the "vote" button of this Chapter. Thank you po!
Chapter 5
Cielo's POV
"How's your school anak?"
"Okay naman po" sabi ko sa kanya habang kumakain ng agahan.
"Hindi ka ba naman nahihirapan? How about your adjustment?" tanong ng Papa.
"Papa, go straight to the point? What are you up to?" tanong ko sa kanya.
"Gusto ko lang naman na kahit nagtransfer ka dito, eh hindi ka mahihirapan, isa pa, dapat business course nalang ang kinuha mo."
"Papa, we already talked about this matter, babalikan na naman ba natin ito?" sabi ko sa kanya.
"O sya, sige hindi na. My only point is that I'm getting older, and I want you to settle with our business"
"Papa, look at you. You're as strong ten times of the youth outside, I don't think that that's your problem." Natatawa kong sabi sa kanya.
"O tapos ka na agad?" nagtataka nyang tanong ng tumayo ako.
"Yes Papa, baka ma-late ako sa first subject ko." Pumunta muna ako ng kusina at mula doon ay nakita ko si Nanay Marisa, ang mama ni Xander.
"Use our car Cielo" rinig kong sigaw ng Papa.
"Ayoko pong gumamit ng kotse" sabi ko sa kanya. Magko-commute na lang ako. Pagkalabas at pagkalabas ko ng gate ay dumiretso na akong naglakad palayo sa bahay.
Bumaba na ako ng jeep, naglakad ng kaunti at nakapasok na ako sa gate ng school. Kaylangan ko ng masanay dahil ganito na ang magiging buhay ko araw-araw.
Habang nilalakad ko ang corridor, biglang nahagip ng paningin ko ang dalawang babae na nagbubulungan at nakatingin sila sa iisang direksyon. Kapwa sila nagtatawanan pa. As I looked to direction they are looking at, nakita ko na sina MJ ito at Xander na nakaupo sa isang bench katapat ng basketball court. May isang babae na papalapit sa kanila na may hawak-hawak na bagay na nababalutan ng panyo ata 'yun.
Nakita kong lumapit ang babae kay Xander at iniabot ang dala-dala nito. Akala ko ay aabutin nito ang dala pero tumayo si Xander, tumalikod dito at naglakad paalis.
Tumalikod na rin ako at nagpatuloy na ko sa paglalakad papunta sa klase ko.
Napaka-hard talaga nang lalaking yun.
"Okay class, kaylangan ko ng dalawang volunteers na magiging part ng UDLP Medical Team. As I've said, volunteers, meaning to say, you will be part of a team and render service for free." Pinakiramdaman ko ang buong klase, pero wala sa kanila ang nagtaas ng kamay.
"Wala ba ditong may gustong sumali?" pag-uulit na tanong ng professor ko.
"Mam, ako po , I would like to be part of that org" sabi ko habang nakataas ang kanang kamay ko.
"Okay Ms. Villazar, you're in" sabi nito. "Tomorrow is the UDLP club day and I want you to go to this place" may iniabot sya sakin na maliit na card. Nang tinignan ko ito ay may mga detalye na nakasulat dito about sa org.
"That's all for today and class dismissed" tumayo na ko pagkatapos ay inayos ko na ang bag ko together with my books. Imagine, tatlong makakapal na libro lang naman ito na kaylangan kong bitbitin araw-araw.
Nang nakalabas na ko sa may pintuan ng classroom ay bigla kong nakita si Xander na nakasandal sa isang haligi ng building namin. Agad naman akong lumapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
One Poor Prince (Book 2)
RomancePag-iibigang masusukat ng pagkakataon at susubukin ng maling panahon. A story of love, lies, separation, revenge and destruction. Xander is Cielo's One Poor Prince. Credits to @ODRICA for a very beautiful book cover and illustration.