Reminder: Please support my story by hitting the "vote" button of this Chapter. Thank you po!
Chapter 11 - His return
Cielo's POV
"Don Frederico, sinabihan ko na po ang anak ko na layuan ang Maam Cielo, alam ko pong alam nya ang ginagawa nya at maytiwala po ako sa kanya." Rinig kong sabi ni nanay Marissa.
"Ganun din ako Marissa, sinabihan ko na sya na layuan ang anak ko, pero bakit ba ang tigas-tigas ng ulo ng anak mo!!" sabi ng Daddy.
"Anong ipapakain nya sa anak ko hah? Alam ba nya ang kalagayan nya sa buhay? Alam ba nya na wala syang mararating sa buhay?"
"Mawalang galang na po Don, pero wala po kayo sa lugar para pagsalitaan sya ng ganyan!"
"Pwes, kung ayaw mong masabihan sya ng mga masasakit na salita dap---
"DAD!!!" dahil sa hindi ko na matagalan pa ang mga naririnig ko mula sa kanya ay napagpasyahan kong lumabas na sa lugar na pinagtataguan ko.
"Kayo po ba ang dahilan kung bakit ako nilayuan ni Xander noon?"
"That's nonsense!!" sigaw nya sakin.
"What's with the change of attitude Dad? What is this all about?" this time ay pinipigilan ko nang umiyak sa harapan nya. Lumapit sya sakin nang may matatalim na mga tingin.
"Simple lang ang gusto ko Cielo anak!! Gusto kong layuan mo ang hampas lupa na 'yon!"
"STOP!!! Ang sinasabi nyo pong hampas lupa ay ang taong mahal ko!" nilabas ko na ang talagang nasa saloobin ko.
"Mahal? That's BULLSH*T CIELO!!! Habang maaga pa ay putulin mo na ang kahibangan mo dahil hinding-hindi ako makakapayag na mapunta ka lang sa wala."
"No! Xander is not just nothing, Dad! And I hope you do understand that!"
"No!! Cielo, sinunod kita sa lahat ng gusto mo, pero this time, hinding hindi na kita pagbibigyan, ako naman ang masusunod." dahil alam ko naman na hindi ako mananalo sa kanya ay tumalikod ako at naglakad paalis.
"Wag na wag mo akong tatalikuran kapag kinakausap kita!! Wag kang bastos!!" sobrang higpit ng kapit nya sa mga braso ko. Bakit sya ganito, bakit sya biglang nagbago. Pinakitaan ko lang sya ng isang blangko na ekspresyon sabay hawi sa kamay nya at tumakbo palabas ng bahay.
Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa makalayo ako sa bahay namin. Hindi ko na rin napigilan at tuluyan na ngang naglandas ang mga luha ko sa mga mata.
Hindi ko talaga sya maintindihan, bakit kaylangan pa nyang gawin yon. Hindi naman sya ganun dati ahh. Hindi nya rin kaylangan pang manghamak ng ibang mga tao.
Dahil sa nakaramdam ako ng pagod ay huminto ako sa pagtakbo. Dito ako sa maliit na batisan napahinto kaya dito na rin ako umupo. Nag-indian seat ako at tumingin sa kawalan, pinipigilan ko na mas lalo pang bumagsak ang mga luha ko galing dito. Maya-maya pa ay may naramdaman akong mga braso na pumulupot sakin.
He pressed his head towards me at mas lalo pang nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha ko mula sa aking mga mata.
"Don't control it, just cry, I'm here for you" mas naramdaman ko pa ang higpit ng mga yakap nya. hindi ko na talaga napigilan at tuluyan na akong umiyak sa kanya.
But if you ever find yourself
Xander started to sing
tired of all the games you play
When the world seems so unfair
![](https://img.wattpad.com/cover/30747558-288-k829349.jpg)
BINABASA MO ANG
One Poor Prince (Book 2)
RomancePag-iibigang masusukat ng pagkakataon at susubukin ng maling panahon. A story of love, lies, separation, revenge and destruction. Xander is Cielo's One Poor Prince. Credits to @ODRICA for a very beautiful book cover and illustration.