Chapter 27
"Ano ba kasi ibig sabihin ng JCVM?"
"Bakit ba sakin mo tinatanong, at bakit ba masyado kang matanong?" irita na sabi sa kanya ni Yosh.
"Eh kanino ako magtatanong? Wala ngang nakakaalam, kahit nga si Jared hindi alam ehh, ang sabi naman ng iba dun, ikaw daw ang nagpangalan." Nilapit pa ni Cielo ang sarili nya dito. Nasa kama sila ngayon at kasalukuyan silang nasa Japan for Xander's business trip.
"TSSSSK!!!" tinalikuran lang sya nito at nagtalukbong nang unan para hindi na sya kulitin pa ng dalaga.
Mas nilapit pa lalo ni Cielo ang sarili nya. Yes, she's seducing him, partly, but for she doesn't know reason, parang gusto nyang malapit lang sya dito, yun bang physical contact, syempre hindi dahil sa sex o ano pa man, pero para bang tinatawag ang pangalan nya ng katawan nito.
"ANO BA??? Dun ka nga, ang luwag-luwag naman ng kama, sinisiksik mo pa ako!!" pasigaw na sabi ni Yosh.
Bigla naman syang nagulat sa pagsigaw nito. All of a sudden, nakaramdam sya ng sakit at pagkapahiya mula dito. Yung kaninang masaya nyang pakikipag-usap dito ay biglang napalitan ng sobrang kalungkutan. He then once again dismissed her feelings.
Walang sabi-sabi na tinalikuran nya ito. Umusog sya sa pinaka-dulong bahagi ng kama at ngayon nga ay isang malaking space ang pumapagitna sa kanilang dalawa.
Cielo is doing her best to win his heart again. Pero bakit nga ba everytime na akala nyang okay na ang lahat, bigla pa ring nagbabago ang mood nito.
Minsan nga ay hindi nya na rin ito maintindihan. She knows for a fact that the reason why they are still together is because of Zian. She's helping him to win over their son. Pero bakit nga ba hindi nya rin mapigilan ang umasa. That time will come, babalik at babalik din sila sa dati.
"Don't fool your self Cielo, in the first place wala ka naman dapat pang isipin. And everything that is happening to you is because of your son." pangungumbinsi nya sa sarili.
After a couple of minutes, ay nakaramdam sya ng pagkagutom. Tumingin sya sa orasan at saktong ten na ng gabi.
She is about to leave the bed when she heard him speak.
"Where are you going?" lumingon sya dito and there he saw him habang nakahiga ito pero syempre wala na ang unan na kanina ay nakatakip dito.
"LALABAS, MAGHAHANAP NG MAKAKAYAKAP!!"
"WHAT THE HELL IS THAT FOR?????" mas nagulat pa sya ng lalo pang tumaas at lumakas ang boses nito.
"Pwede ba, di ba ayaw mo naman akong kausap? Ayaw mo ring dumikit ako sayo. Saka wag kang OA, maghahanap lang ako ng makakain sa kusina" pagkatapos ay lumakad na sya patalikod. Hindi na nya ito hinintay pang magsalita at baka hindi nya lang magustuhan at masaktan pa sya sa sasabihin nito sa kanya.
Kahit na nasa ibang bansa sila, meron pa ring pagmamay-ari na condo itong si Yosh. Dito nya lang din napag-isip isip na sobrang yaman nga talaga ng ex-boyfriend nya.
Pumasok na sya sa kusina at nagbukas ng ref para maghanap ng makakain. May mga nakita syang mga mansanas at ubas sa loob ng ref at agad nya itong kinuha pagkatapos ay nilagay sa babasaging bowl saka hinugasan at dumiretso sya sa sala.
Binuksan nya ang flat screen na TV at inilipat sa isang cartoon channel saka sya umupo.
Isa sa pinaka-paborito nyang cartoon ang pinapanood niya ngayon, yung pusa saka daga na walang sawa na naghahabulan, pukpukan dito at pukpukan doon.
BINABASA MO ANG
One Poor Prince (Book 2)
RomancePag-iibigang masusukat ng pagkakataon at susubukin ng maling panahon. A story of love, lies, separation, revenge and destruction. Xander is Cielo's One Poor Prince. Credits to @ODRICA for a very beautiful book cover and illustration.