Reminder: Please support my story by hitting the "vote" button of this Chapter. Thank you po!
Chapter 19
Biglang inilayo ni Yosh ang babae na wala atang balak paawat kahit pa may makakita sa kanila. Nagulat sya kung sino ang nasa labas ng elevator. Ang ina ng anak nya na masayang nakikipagharutan pa sa isang singkit na lalaki.
Bigla-bigla ay parang nawalan sya ng gana na lumabas kasama ang babaeng 'to. Nahagip rin ng paningin nya ang pang-babaeng bag na akay-akay ng lalaki.
"hah at may padala-dala pang nalalaman, ano to parang sa eskwelahan lang" galit na sabi nito sa isip.
"Tssssss! Abala!" rinig nyang sabi ng babae na katabi nya.
Yosh clenched his fist when he saw that man touches Cielo's right hand and put it to his right arm.
Gustong-gusto na nyang suntukin ang lalaking iyon sa sobrang galit na nararamdaman nya ngayon. Dito pa sila talaga sa harapan nya naglalandian.
"Jacky, kain muna tayo bago kita ihatid, okay lang ba?"
Mas lalo pang nag-init ng husto ang ulo nya sa narinig. Jacky? Wow First name basis na agad sila? Close na agad? Damn that man! Gustong-gusto na talagang kumawala ng kamao nya sa sobrang galit na nararamdaman nya.
Tumunog ang elevator hudyat na ground floor na.
......
Lalabas na sana sya ng magulat sya dahil may isang kamay ang biglang humablot sa kanya at ngayon nga ay mabilis sya nitong hinihila.
Sobrang higpit ng pagkakahawak nito sa kaliwang kamay nya. Hindi man lang sya nito tinitignan. Basta tuluy-tuloy lang sila sa paglalakad papunta siguro sa kotse nito.
.....
"Simula sa araw na to, hindi kana makakalabas ng bahay hanggang sa dumating ang araw ng birthday mo!"
"Hindi mo pwedeng gawin yan Dad, alam mong pumapasok ako" pagalit na sagot sa kanya ng dalaga.
"hindi ka muna papasok hanggang sa pag-birthday mo dahil sa mismong araw na 'yon ay ang araw kung saan you will be engaged" tumalikod sya at pabagsak nyang isinara ang pinto ng kwarto ko. Agad ko syang hinabol.
"YOU CAN'T DO THIS TO ME DAD!!!!"
"YOU CAN'T DO THIS TO ME DAD!!!!" sigaw nito habang pinipilit buksan ito at hinahampas-hampas pa. Cielo just closed her eyes as a sign of hopelessness.
Third Person's POV
"Ito yung sinasabi ko sayong bata ka ehh, tingnan mo na, sabi ko sayong habang maaga pa ehh layuan mo na sya" sabi nito sa anak nya.
"Inay, mahal na mahal ko po sya" akma sana syang tatayo pero pinigilan nya ito.
"At saan ka pupunta, hindi ka pa magaling."
"Nay, kaylangan ko po syang puntahan, baka po ilayo sya sakin ni Don Frederico."
"Hindi mo sya kilala. Hindi mo alam kung ano ang kaya nyang gawin sayo at ayokong may mangyaring masama sa'yo." Mahabang paliwanag nito sa anak.
"Mas kaylangan ko po syang puntahan nay."
......
Dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Especially ni Don Frederico. Iyon ay ang kaarawan ng unica-ija nya. Si Cielo. Ito rin ang araw kung saan ipagkakasundo nya ito sa napangakuan nyang business partner. Arrange marriage in a very simple word.
![](https://img.wattpad.com/cover/30747558-288-k829349.jpg)
BINABASA MO ANG
One Poor Prince (Book 2)
RomancePag-iibigang masusukat ng pagkakataon at susubukin ng maling panahon. A story of love, lies, separation, revenge and destruction. Xander is Cielo's One Poor Prince. Credits to @ODRICA for a very beautiful book cover and illustration.