Chapter 39
Natapos na ang business meeting namin at ngayon nga nalaman ko na hotel tycoon pala itong si Jayson all over Asia. Good thing dahil nakuha din sila ng MGC and now, what we are doing is out of the business na.
Kanina pa ako naiinis dito dahil simula sa umpisa at hanggang ngayon ay walang tigil na nilalandi si Yosh nung babae. At ito namang magaling na ama ng mga anak nya ay nagpapalandi naman.
Mabuti nalang at nandito si Jayson dahil sya ang madalas na kausap ko ngayon but I just can't focus on what he was saying because I was wholly occupied on what they are doing.
"Yosh let's go out." narinig kong yaya ng babae sa kanya. Hindi pa man ito nakakasagot ay tumayo na ang babae at hinila na nito si Yosh. Ako naman ay naiwang nakatingin sa kanila palayo.
"Can you tell me the truth, wala ba kayong relasyon ngayon?" naagaw naman ng tanong nya ang atensyon ko at malungkot lang akong umiling.
"Ahh akala ko kasi meron ehh, para kasing may LQ lang kayong dalawa kaya hindi kayo nagpapansinan."
"Jayson, sorry hah"
"Bakit naman?" mabilis na tanong nya.
"Kung hindi kita masyadong ma-entertain ngayon, hindi ako makapag-focus" pag-amin ko sa kanya. Yun naman talaga ang nararamdaman ko the moment we start, distracted na ko sa kanila kanina pa.
"Ahh yun ba? Wala yun. Pag-pasensyahan mo na rin ang kapatid ko, ganun talaga yun, bratinella, you know, die hard fan ni Yosh yun ehh" - Jayson.
Marami-rami na rin kaming napag-usapan ni Jayson habang wala sila. Nung una ay gusto ko na sana silang puntahan at yayain nang umuwi itong si Yosh para wala nang lumandi sa kanya, pero hinayaan ko nalang. Ayoko nang mapahiya ulit.
Na-wili na rin naman akong kausap itong si Jayson. Puro tawanan, lokohan lang ang nangyari sa amin kakahintay sa kanila.
"Cielo, gusto mo bang malaman kung mahal ka pa nya?" sabi nito habang nangingiti pa. Ako naman ay biglang nagtaka sa gusto nitong sabihin.
"What do you mean?" ako
"Will you trust me?" sunod nya namang tanong.
"Sorry, pero hindi na talaga kita maintindihan, Jayson." dagdag ko po.
"Will you trust me this time?" pag-uulit pa nito sa sinabi nya kanina.
"ahh yes?" hindi ko man alam ang ibig nyang sabihin ay sumagot na lang ako.
"Okay close your eyes" utos nya.
"But why?" nagtataka na talaga ako sa kinikilos nito.
"No more questions beauty, just close your eyes." nakangiti nya ulit na utos.
Ako naman, kahit naguguluhan ay pinikit ko na lang ang mga mata ko. Naghihintay ako ng gagawin nya o ipapakita nya sakin.
"Just close your eyes and wait for my signal for you to open it." dagdag pa nya. Naramdaman ko naman ang paghawak nya sa kamay ko.
Ilang minuto pa ang nakalipas, pero nagulat ako nang bigla ay nagkaroon ng ingay sa paligid ko at nakita ko nalang na bumagsak si Jayson sa sahig habang si Yosh naman ay nakatalikod sakin at hinihingal. Akmang susugod pa sana ito pero natakot na ako kaya naman tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap ko sya mula sa likuran.
"Yosh tama na!" buong lakas na sigaw ko para lang mapahinto ko sya. Ramdam na ramdam ko dito ang mga mabibigat at malalalim na paghugot ng hininga mula sa tyan.
BINABASA MO ANG
One Poor Prince (Book 2)
RomancePag-iibigang masusukat ng pagkakataon at susubukin ng maling panahon. A story of love, lies, separation, revenge and destruction. Xander is Cielo's One Poor Prince. Credits to @ODRICA for a very beautiful book cover and illustration.