Chapter 22

2.6K 82 0
                                    

Reminder: Please support my story by hitting the "vote" button of this Chapter. Thank you po!

Chapter 22 - Kasal

"HINDI KA PWEDENG UMALIS!" mula sa pinto ng kusina ay narinig nya ang boses na 'yon.

"DADDY!" malakas na sigaw ni Zian.

Tumakbo ang bata palapit sa kanya. Habang si Yosh naman ay matamang nakatitig lang sa kanya.

Kinarga nito ang bata pagkatapos ay ibinalik sa dating pwesto si Zian.

Sya na ang unang nag-iwas ng tingin dito.

"Zian, bigyan mo na lang ng pagkain ang Daddy okay? Mommy will go upstairs to prepare"

"Okay Mommy, don't forget your baon po." Si Zian.

.......

Napabangon sina Xander at Cielo sa malakas na pagkalabog at sabay na pagbukas ng pinto. Kasunod nito ay ang sunud-sunod na pagpasok ng mga kalalakihan.

"Anong ibig sabihin nito, sino kayo?" malakas na tanong ni Cielo. Agad na inagapan ni Xander si Cielo at itinago ito sa kanyang likuran.

"SIGE! KUNIN NYO ANG ANAK KO! AT TURUAN NYO NG LEKSYON ANG LALAKING YAN!" malakas na utos ng Don.

Sabay-sabay na nilapitan ng mga lalaki si Xander at pinag-bubugbog sa katawan. Hindi pa sila nakuntento ay kaliwa't kanan din na sipa ang binigay nila dito.

Halos magmakaawa na ang dalaga sa ama nya pero sukdulan ang galit nito dito dahilan para hindi sya pakinggan. Masama syang tinitigan nito at sabay talikod sa kanya.

Lumapit sa Don ang pinaka-pinuno ng grupo at may binulong dito.

"Sunugin nyo na ang lahat!! Ayokong may matitira kayo sa mga gamit nila! Pagkatapos ay dalhin nyo na yan sa presinto! At gusto kong mamatay sya don sa sobrang sakit na ipaparanas nyo sa kanya!"

Halos mabingi naman si Cielo sa mga narinig nya mula sa kanyang ama! Hindi sya makapaniwala na kaya itong gawin nito.

Kinagabihan ay napagpasyahan na ng dalaga na kausapin ang ama. Lumabas sya sa kwarto at naglakad papunta sa silid nito.

Nang buksan nya ito ay doon nakita nya itong may sigarilyo sa bibig habang nakaupo.

Walang sabi-sabi syang lumapit dito pagkatapos ay lumuhod kasabay ng mga sunud-sunod na pagpatak ng mga luha.

"Dad, gagawin ko na po ang gusto nyo! Papakasalan ko na si Michael! Isasalba ko ang hacienda! At sasama ako sa kanya, kahit ihinto ko pa ang pag-aaral ko basta.......

Basta pakawalan nyo lang sya!"

....

Naglalakad na paalis ng eskwelahan si Cielo. Katatapos nya lang gawin at icomply ang lahat ng requirements na kaylangan nyang tapusin bago sya huminto at lumipad ng ibang bansa.

Sa paglalakad ay biglang may humigit sa kanya. Nagulat sya sa taong may gawa niyon. Biglang bumilis ulit ang tibok ng puso nya nang magtama ng mga mata nila. Nahabag sya sa itsura nito ngayon dahil may mga galos at pasa pa ito sa katawan,ganund din sa parteng mukha nito.

"Xander? Anong ginagawa mo?"

"Wala na sila nanay at tatay." Lungkot ang biglang namutawi sa itsura nito. "namatay sila sa sunog na gawa ng Papa mo!" dagdag pa nito. pagkatapos nito ay nagulat sya at napapikit nang biglang sumuntok ito. Akala nya ay sya ang matatamaan pero dumaplis ito sa halip ay sa pader ito tumama.

One Poor Prince (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon