Chapter 4 OPP

3.2K 80 0
                                    

Reminder: Please support my story by hitting the "vote" button of this Chapter. Thank you po!

Chapter 4

Cielo's POV

Ito ang unang araw na papasok ako ng Unibersidad de la Portaleza, ang pinakasikat na unibersidad dito sa probinsya ng Portaleza. Napag-alaman ko rin na dito din pala nag-aaral sina MJ at Xander.

Parehong kurso pa rin ang kinuha ko, medisina. Maganda na rin siguro na dito ko na tapusin ang pag-aaral ko.

Samantala, habang papasok ako ay nakita ko na naglalakad pasalubong sakin sina MJ at Xander.

"Hi Cielo" nakangiting bati sakin ni MJ. I smiled at him and greeted him as well.

"You didn't even tell me that you are Don Frederico's daughter." Sabi nito.

Tiningnan ko naman si Xander pero sa iba lang ito nakatingin at mababasa sa mukha nito ang pagkabagot.

"heheheh hindi na rin naman kasi kaylangan pa iyong pagtuunan ng pansin"

"Hi Xander!" lakas loob kong bati sa masungit na lalaki. Tiningnan nya lang ako ng magkasalubong ang kilay nito pagkatapos ay binaling na ulit ang tingin nito sa iba.

Pahiya lang ako ng kaunti doon ahh.

"Oh paano, papasok na ko sa klase ko hah" paalam ko sa kanila. Hanggang sa maghiwalay kaming tatlo ay hindi pa rin nagsasalita si Xander. My attitude problem talaga ang lalaking to. Sabi ko sa sarili.

Papasok na ako ngayon sa una kong major subject. Buti nalang at wala kaming naging problema sa pag-transfer sa lugar na 'to kaya naman ay agad akong natanggap at na-credit ang mga subjects na kinuha ko noong nasa Maynila pa ako nagaaral. Tatlong major at 4 na minor ang kinuha kong subject ngayong semester. As usual, kaylangan ko na namang maghabol para lang maipasa lahat ng subject ko dito.

Nakaupo na ako ngayon dito sa nakatayo na isang kubo ng eskwelahan. Isang oras pa kasi bago ang susunod kong subject. Busy ako sa pagbabasa ng libro ng Foundations of Medicine nang may biglang nagsalita.

"Pwede bang maki-share?" hindi pamilyar na lalaki ang nakita kong nagtanong.

"Sure" sabi ko sa kanya.

Bumalik na ako sa pagbabasa ng marinig ko ulit syang nagsalita.

"Bago ka lang dito ano? Ngayon lang kasi kita nakita, ako nga pala si Jason how about you?" tinignan ko ang kanang kamay nya na nakaabot sakin. Naghihintay ito na tugunin ko ito. I am about to give him a hand ng may biglang pumasok sa kubo.

Si Xander.

Lumapit ito sa akin at ito ang kumuha ng kamay ko na dapat sana ay kay Jason. Pagkahawak nya dito ay bigla nya akong hinila palabas ng kubo.

"hey ano ba. Saan mo ba ako dadalhin?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Hindi pa ba halata? Eh di sa canteen, para kumain" sagot nito sakin.

"Pero nakikipag-usap pa ako sa tao" sabi ko

"H'wag kang magkakamaling makipag-kilala at lumapit doon o sa kahit na kanino" nagtataka ko naman syang tinignan.

"I don't get you!" sabi ko sa kanya.

"kabago-bago mo palang dito kung kani-kanino ka na lumalapit?"

"nakikipagkilala lang sakin yung tao"

"Hindi tao yun, kutong lupa yun! Kutong lupa!"

"Wait nga! Nag-seselos ka ba?" nangingiti kong tanong sa kanya.

One Poor Prince (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon