Epilogue

590 17 8
                                    

Epilogue


Tulad nga ng huling sinabi sa kanya ni Yosh, panandalian muna syang umuuwi sa bahay nila upang mabantayan ang mga anak nila. Pagkalipas ng isang linggo ay nagpaalam na rin sya sa mga anak. They've grown-up so much especially Zian Xander.

Mula sa bag ay kinuha ni Cielo ang nagriring na cellphone pagkatapos ay sinagot nya 'yon.

"Cielo?..Ako 'to si Mico (yung sa Chapter 33 na may-ari ng Modelling Agency)... Mico?... Oo ako nga long time no talk... Need ko isang model for wedding photoshoot at ikaw ang naisip ko na talent... Pwede ka ba pumunta bukas for initial discussion and dry-run?"

...

Mula sa sinasakyan ay bumaba si Cielo at ngayon nga ay nakatayo na sya sa harapan ng building na kung saan sila magkikita ni Mico.

Habang nagalalakad sya sa loob ay nakita na nga nya si Mico na may kausap na isang babae. When he saw her ay kaagad syang nginitian ng binata at nilapitan nito.

"Cielo! Salamat sa pagpunta" Sabi sa kanya nito ng makalapit. "Alam mo namang matagal na kong nagretiro sa modelling di ba?" tugon ko naman dito.

"Kaya nga sobra kong pasalamat sayo ngayon, so pano? G na?" sya nang nangingiti pa.

Dinala ako ni Mico sa isang shop na kung saan pinapapili ako ng gagamitin kong pang advertise na gown ng shop. Napatingin naman ako sa kanya dahil nga sa mga nakikita kong wedding gown ngayon at tanging tingin lang din ang iginanti sakin.

"Cielo, this is Mariz, the owner of this shop. Sya muna mag-aasist sayo."

Nginitian at buong galang nyang kinamayan ang taong ipinakilala sa kanya ni Mico.

Nang maisuot na nya ang unang sample ng wedding gown ay nagulat sya sa dalawang tao na kausap ni Mico. Si Yosh at si Emerald na kapatid ni Jason. Dahil sa sobrang kaba at hiya na makita sya ng mga ito ay mabilis syang bumalik sa pinanggalingan.

Pagkakataon nga naman, sa dinami-rami ng lugar eh dito pa sila nagpapapasukat ng gown para kay Emerald.

"Kanina ka pa dyan? Pasensya kana, may dumating pa na mga customer, halika na dito." Para naman syang nakakita ng multo ng biglang may nagsalita mula sa kanyang likuran.

Sumunod na lamang sya dito at ngayon nga ay nagawa na nyang lumabas. Ito yung mga pagkakataon na pinagsisihan nya dahil di nya rin alam kung paano itatago ang sarili mula kay Yosh at sa kasama nito. Pano mo nga ba haharapin ang ex mo na ngayon ay mayron ng iba nang hindi ka mapapahiya sa harapan nya.

Tingin sa baba, lipat sa taas, tapos sa likod. It seems that Mariz is undecided. Maya-maya lang ay nakita kong naglakad ito palayo sa lugar ko and found her talking to him. Si Yosh.

I saw her talking to him at ngayon nga ay tinuturo na ko nito.

"Cielo, this is Mr. Montereal, I asked him a favor kung pwedeng sya ang magdedecide ng gagamitin mo sa dry-run natin." Hindi ko naman magawang tumungin ng straight at diretso kay Yosh dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon. Natagpuan ko na lang sya na iniaabot ang kaliwang kamay nya sakin simbolo ng pagpapakilala.

Sa kabila ng panginginig ng kamay ko ay pinilit ko pa ring inabot iyon.

"Pawisin pa rin talaga kamay mo, hon" bulong nito at pang-aasar sakin na dahilan upang maslumala pa ang sitwasyon ko ngayon. "Relax, quiet lang ako. Pero gusto ko palitan mo suot mong gown, kita likod eh" he whispered again at nginitian pa ko nito.

Hinanap ko naman kung saan napunta ang kasama nitong si Emerald, pero di ko naman mahanap.

Muli akong lumabas mula sa dressing room at halos pang-limang suot ko na 'to pero hindi ko pa rin sya mapa-oo sa gown na pang dry-run namin. Di ko lang alam pero sobrang taas ata ng standard nito ni Yosh. Medyo naiirita na rin ako dahil upung-upo na talaga ako.

One Poor Prince (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon