Chapter 29

2.5K 73 1
                                        

Chapter 29 - Afraid

Nandito at kaharap ngayon ni Cielo ang mag-asawang Montereal, ang mga magulang ni Yosh.

"Please cooperate with us. We need your help. Gusto lang namin turuan ng leksyon ang anak namin." - Jayden

"Lahat po ay gagawin ko para lang kay Yosh, ano po ba ang maitutulong ko sa inyo?" – Cielo

"Kaylangan ka naming ilayo sa kanya. Maybe sumosobra na sya sa'yo. And now is the time to help him realize something that he needs to give important to. We will send you away from him. Dadalhin ka namin sa isang lugar na kung saan kahit na hanapin ka pa nya ay hindi ka nya makikita."

Natigilan naman si Cielo sa isiping malalayo na naman sya kay Yosh. Ganon din ang anak nila.

Pero kung tutuusin ay mabuti na rin iyon para lang siguro malaman nya kung importante pa nga ba sya sa binata.

Ngunit kung iisipin ay sa simula pa lang talaga, alam na nya kung ano nga ba ang estado nila sa isa't-isa. "Patawad po." Mahina nyang sambit sa mga ito.

Nagtataka naman syang tinignan ng mag-asawa.

"Tutulungan ko po kayo sa kanya but not in this way." Kinakabahan nyang sabi. Ayaw man nya silang suwayin o gusto man nya na sila ay tulungan pero hindi talaga pwede. Ayaw nya na muling maramdaman ni Yosh na iwanan ulit. Alam nya kung bakit ito nagkakaganun, at alam nya rin na tanging sya lang ang makakatulong dito.

She knew that Yosh needs their son more than anything else, hindi man sya ang kaylangan nito, pero ang anak nya at magiging anak nya ang makakapuno ng lahat ng pagkukulang nya dito.

"But why? This is for you and for him" - Yoshabel

Tiningnan nya ang mag-asawa. Palipat-lipat ang tingin nya dito.

"Sobra na po ang sakit na nabigay ko sa kanya" pasimula nya.

"Ako po ang dahilan kung bakit sya ganito ngayon" nanginginig nyang sabi. unti-unti ay hindi na nya napigilan pang bumagsak ang mga luha nya.

"Ako po ang dahilan kung bakit sobra-sobra ang galit na itinatago nya at kinokontrol sa puso nya" she said while her tears continue from falling.

Dahil sa sobrang panghihina na nararamdaman nya sa mga oras na iyon ay hindi nya na napigilang mapaluhod sa harapan nila para na rin masuportahan ang sarili.

"Pero kung sasabihin nyo na lumayo ako sa kanya ngayon at iwan sya ay hinding-hindi ko po talaga magagawa, ayoko na po syang saktan pa. Ayoko nang maramdaman pa nya na iniwan sya ulit ng tao na minsang nang-iwan sa kanya."

"At kahit masakit man, ay handa kong ibigay ang lahat sa kanya para lang mapaligaya sya, para lang maibalik ang dating sya, ang Xander na nakilala ko noon. Even if it takes me a long time. Hangga't gusto nya na nasa paligid nya lang ako gagawin ko, hanggang sa makahanap na talaga sya ng babae na kukumpleto sa kanya." Sabi nya habang patuloy pa rin sa pag-bagsak ang mga luha nya sa mata.

"Please po, hayaan nyo nang bumalik kami ng anak ko sa kanya"

"Tumayo ka na iha, alam mo, sobrang swerte ng anak ko sayo, dahil nandyan ka pa rin para sa kanya" si Yoshabel habang hinihimas ang likod nya.

.......

"Tol ano ba, tama na yan, halika, iuuwi na kita sa bahay mo" yaya ni King sa kapatid. Kanina pa kasi ito umiinom at niyaya pa sya nito. Pero sa sobrang dami at bilis talaga uminom ng alak nito, ngayon ay lugmok na lugmok na ito sa sobrang kalasingan.

"AYOKO PA! BAKIT AKO UUWI NG BAHAY, WALA NA NAMANG NAGHIHINTAY SHAKIN 'DON"

Hindi naman alam ni King kung ano nga ba ang gagawin. Ngayon nya na lang ulit ito nakita na uminom ng sobra. Dati kasi, nung bumalik ito sa kanila at bumalik ang ala-ala ay halos gabi-gabing laman ito ng mga bar. Pero nagbago ito ng maaksidente ulit ang kapatid.

One Poor Prince (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon