Chapter 25 - Traveling
"Bakit ako pa Dad? Send King there! Marami po akong ginagawa" angal nya sa ama.
"Ano ba namang tanong yan? Sino ba ang CEO ng MGC hah?" seryosong tanong ni Jayden dito.
Lumapit si Yosh dito. "Dad, please naman, not now! Kayo na lang muna!" pagmamakaawa pa nya sa magulang.
"Son, ano bang meron ha? What's new with this? Eh diba araw-araw ka namang lumalabas ng ibang bansa?" pagtatakang tanong sa kanya ng Ama.
"Not now Dad, marami akong ginagawa at hindi ko pa tapos ang ibang mga dapat tapusin dito!"
"Oh come on Son, ikaw pa ba?" nangingiting sabi nito.
"Ang sabihin mo ay hindi mo maiwan ang mag-ina mo" dagdag pa nito.
"Tssssk!" napaupo na lang ito dahil nga nililihis na naman nito ang usapan nila.
"Fine! Gano ba katagal?"
"Close the deal as fast as you can and you can have it for three weeks."
"WHAAAAAAT? THAT LONG???" malakas na react ng binata.
"FOR PETE'S SAKE NAMAN DAD! ISANG BUWAN KO PA LANG NAKAKASAMA ANG ANAK KO TAPOS MALALAYO NA AKO AGAD SA KANYA?" dagdag pa nito.
"Then close the deal as fast as you can!" Jayden tapped his back. "O pano, I'll go ahead son" naiwan namang problemado ang binata. Palabas na sana ito ng sa huli ay lumingon pa si Jayden.
"I'm glad to see you happy son. We have not seen you that happy before" ngumiti ulit ito at tuluyan ng lumabas.
Seriously, ayaw nya munang umalis ng bansa ngayon. Hindi nya alam ang dahilan, sadyang ayaw nya lang talaga.
Naupo sya sa table at nakita nya ang pictureframe na nakalagay dito. Picture ng mag-ina nya 'yon. Kung iisipin ay halos isang buwan na rin nyang nakakasama ang mga ito, pero bakit ba pakiramdam nya ay kahapon nya lang ito sila natagpuan at nakasama.
.......
Narinig ni Cielo na may kumatok kasunod nito ang pagpasok ng secretary nya.
"Doctora, Mrs. Montereal is here" kasunod nito ang mama ni Yosh.
Agad naman syang tumayo para salubungin ito. Nahihiya man ay kaylangan nya itong harapin.
"Good morning po, Mam, ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?" nahihiya nyang tanong dito. Yosh's mother is the best example of simplicity is beauty. Hindi ito katulad ng ibang mayayaman na sobra kung makapanamit at kailangan ng mga magagarbong palamuti sa mukhat at katawan upang lumutang ang ganda. Makikita dito ang angking kagandahan ng Ginang na talaga namang isinisigaw ng pananamit nito, pagngiti, pagsasalita at maging sa paglalakad. No wonder kung bakit talaga namang artistahin din ang mga anak nito, especially si Yosh. Ang swerte lang talaga.
"Stop the formality Cielo anak, just call me Mama" iyon lang at nagtuloy-tuloy itong pumasok.
Mas lalo pa syang nahiya sa sinabi nito. Awkward yun sa kanya kung tatawagin nya itong Mama, hindi pa nga sila kasal ni Yosh. O ikakasal nga ba sila.
Natawa naman sya sa isiping iyon. Sya at si Yosh, ikakasal, eh hindi nga sya nun pinapansin, sa totoo lang ay hanggang sa kama lang talaga sya nito kaylangan. Other than that, wala na. Kaya napaka-imposibleng mangyari yon.
"Yayayain lang sana kita, let's go" at hindi na sya hinintay nitong sumagot. Agad na sya nitong hinila. Sya naman dahil sa pagkabigla ay nagpatangay na lang.

BINABASA MO ANG
One Poor Prince (Book 2)
Любовные романыPag-iibigang masusukat ng pagkakataon at susubukin ng maling panahon. A story of love, lies, separation, revenge and destruction. Xander is Cielo's One Poor Prince. Credits to @ODRICA for a very beautiful book cover and illustration.