Chapter 31
...
"WAG KANG OA, ISANG BUWAN PA LANG AKONG BUNTIS, KAYANG-KAYA KO PANG MAGTRABAHO!!" sigaw nya kay Yosh. Tama, maagang-maaga palang ay nag-aaway na kami.
Ano bang problema nitong lalaking 'to at pati sya ay gusto pa nitong magmukmok sa bahay buong maghapon.
"Wag mo na akong awayin, please, para sayo din naman 'to" si Yosh habang sinusuot nito ang medyas at sapatos.
Lumapit sya at umupo sa tabi ng Lalaki.
"Alam mo ba na nagtatrabaho pa rin ako kahit na 8th months pregnant ako kay Zian?"
Tiningnan sya nito habang bakas sa mukha ang pagkairita.
"Iba na ngayon, kasama mo na 'ko"
"Okay lang sige, hindi ako papasok ng MGC, mag-aaply na lang ako sa iba.
"Gamot, wag nang matigas ang ulo, papasalubungan na lang kita pagdating ko?" pagkatapos ay hinalikan ako nito sa labi pero umiwas ako palayo sa kanya para hindi nya 'ko mahalikan. Kaylangan hindi sya magpadala na naman sa mga kamatamisan na dinadala sa kanya ng lalaking 'to. She has to control herself. Passion nya na ang nakasalalay dito.
"Okay fine, I surrender! Hahayaan kitang pumasok sa trabaho." agad naman akong natuwa sa sinabi nya at hinarap ko sya.
"Sa isang kondisyon." nakapikit pa nyang sabi habang nakataas pa ang isang kamay nito emphasizing his pointing finger.
"Ano na naman?" - I asked in a very frustrated tone.
"You and me will share the same office"
"THE HECK????? DOKTOR AKO HINDI PANG-OFFICE"
"For now only Gamot, pinagbigyan na kita, can you also grant my favor too?" tanong nya. At dahil nga bakas na dito ang pagmamakaawa sa itsura nito ay pumayag na rin ako. Basta ang mahalaga ay makakapagtrabaho pa ako.
Ayoko kasi talaga ang walang ginagawa sa mag-hapon.
Pababa na kami ni Yosh para pumasok. Pero syempre ihahatid muna namin sa eskwelahan si Zian.
Hawak-hawak nya ang kamay ko habang bumababa kami ng hagdan. Bumalik na ang dating Xander na kilala ko simula nung maganap ang mga pangyayaring iyon at mas dumoble pa ang pagiging maaalalahanin nito at maalaga.
"Mommy, Daddy, aalis na po ba tayo?" rinig kong sabi ng anak namin.
Nakangiting sinagot ito ng Daddy nito pagkatapos ay kinarga na si Zian.
"Paalala ko lang po sa inyo ang family day namin sa Sunday na po 'yon."
"Aba syempre, kahit di mo yan sabihin son, hindi yan nakakalimutan ng daddy at mommy mo" - si Yosh.
.......
Ipinarada na ni Yosh ang sasakyan nya sa parking lot ng building habang ako naman ay nanatili lang nakaupo sa tabi nito.
Nang huminto na ang sasakyan, ay tumingin sya sakin.
"Kanina ka pa tahimik, masama ba pakiramdam mo?" tanong nya pagkatapos ay hinawakan ako sa leeg tapos ay inakyat sa noo.
"Wala akong sakit, nag-aalala lang ako" - mahina kong sabi.
"About what?" mababakas sa maaliwalas nyang itsura ang concern.
"Kung papasok tayo dyan, maglalakad ng sabay sayo, at gagamit ng iisang opisina kasama ka, baka kung anong isipin ng mga empleyado mo sa 'tin. Baka masira ka pa"
BINABASA MO ANG
One Poor Prince (Book 2)
RomancePag-iibigang masusukat ng pagkakataon at susubukin ng maling panahon. A story of love, lies, separation, revenge and destruction. Xander is Cielo's One Poor Prince. Credits to @ODRICA for a very beautiful book cover and illustration.