Chapter 47
King's POV
"WAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!" isang malakas na sigaw ang nagpagising sa mahimbing nyang pagkakatulog. Unti-unti nyang iminulat ang mga mata at nabigla sya sa nakita.
"AHHHHHHHHHHH! WALANG HIYA KA! BASTOS!"
"ARAAAAAAAY!" isang malakas na suntok ang natanggap nya mula sa babae na tanging kumot lang ang nagdadamit sa hubad nitong katawan.
"Bakit ako nandito? Anong ginawa mo saken?" pumaibabaw sya kay King at akmang susuntukin nya pa sana ito pero nagtaka sya dahil hindi man lang ito pumapalag o lumalaban. Akala nya ehh napabagsak nya na ito sa sobrang lakas ng suntok na binigay nya dito pero hindi, nakatitig pala ito sa kanya.
Nang sundan nya ang direksyon ng mga mata nito ay narealize nyang nakatitig ito sa hubad nyang mga dibdib.
"Waaaaahhh BASTOS KA TALAGA!" isa pang sampal ang binigay nya dito pagkatapos ay mabilis nyang dinistansya ang sarili sa binata.
Si King naman ay kasalukuyan pa ring lutang sa mga nangyari. Pinipilit nyang alalahanin kung ano nga ba ang nangyari sa kanilang dalawa kagabi habang nakalagay ang isang kamay nito sa pisngi na nasampal ng kaibigan. "Babae pala sya?" sabi sa sarili.
(Author's note: Please support my next story after the OPP. This time, it's King's story. Ang title po ay "That Game Called Love" ^_^)
......
Three months later
Nagda-drive na pauwi si Yosh ng biglang tumunog ang cellphone nito.
"Meet me today in this place and time" pagkatapos ay panibagong mensahe muli ang nagflash sa screen ng phone nya. Di man ito nagpakilala ay may ideya na sya kung sino iyon at kanino iyon nanggaling.
Ito na nga ang pagkakataon na hinihintay nya. Kaya naman ay kaagad syang nagbago ng direksyon at kasalukuyan na nga niyang tinatahak ang daan papunta dito. Sa kaparehong mensahe, ay nakatanggap din ng text si Cielo mula dito.
Nang makarating na si Yosh sa lugar kung saan sila magkikita ay kaagad itong bumaba ng sasakyan at nakita nya ang isang lumang gusali na animo'y matagal ng inabandona at hindi na ginagamit.
Bantay-bantay ang bawat galaw, ay dahan-dahan nyang tinahak ang lugar papasok dito.
Bumungud sa kanya ang madilim-dilim na lugar na kung saan ay kaunting liwanag lamang na nagmumula sa isang kandila ang nagsisilbing liwanag dito.
"Hindi mo lang alam kung gaano ko katagal hinintay itong pagkakataong ito" ani ng isang tinig.
Mula sa dilim, ay nakita nya ang paglabas ng Don, hawak-hawak ang baril na nakatutok sa kanya.
"Tigilan mo na 'to Don Frederico, sumuko ka na!"
"Sumuko?" Tanong sa kanya nito pagkatapos ay isang malalakas na tawa lamang ang binigay nito sa kanya.
"Mukhang masaya ka na dahil kasama mo na ang tunay na pamilya mo ah. Tuluyan mo na bang kinalimutan ang mga umampon sayo? Ayaw mo bang malaman kung pano sila namatay?"
Akma na sana syang lalapit dito pero kaagad na nagpaputok ito ng baril dahilan upang mapaatras sya sa kanyang kinatatayuan.
"Kalma lang Montereal, may sasabihin pa 'ko sayo. Alam mo bang mas pinili ng anak ko ikaw kesa sa mga magulang mo na umampon sayo?" Nakita ng Don kung paanong nagbago ang itsura nito. Gulat at pagkabiglan ang namutawi sa kanya.
"Tama ka! Pinapili ko sya, buhay mo o buhay ng mga magulang mo." pagkatapos ay sinundan naman muli ito nang nakakalokong tawa at muling bumaling sa kanya.
"Nakita ko kung pano mabilis na binuhusan ni Cielo ng gasolina ang paligid ng bahay nyo. Pagkatapos ay sinindihan iyon ng apoy habang nagmamakaawa ang mga magulang mo sa loob ng bahay sa kanya."
"TUMIGIL KA NA!" rinig nyang sigaw ng Montereal.
"Ang sakit di ba? Ang babaeng pinakamamahal mo ay ang babaeng pumatay din sa mga kinilala mong mga magulang na nagligtas at nag-alaga sayo"
"Alam mo ba kung ano pa ang mas masakit? Yung naatim nyang sunugin ng buhay ang mga kinilala mong mga magulang at piliin ka." dagdag pa nito pagkatapos ay muling binalot ng malakas na tawa nito ang buong abandonadong silid.
Nanggagaliiti man sa galit ay napangisi na lang ito sa kanya. Alam nya na hindi ito magagawa ni Cielo. "Kahit ano pang sabihin mo, hindi yan magagawa ng asawa ko."
"Talaga ba? Hindi nya magagawa? Bakit hindi mo sya tanungin"
Yosh was shocked when he saw her apperead from him.
"Hon!" iyon na lamang ang mga salitang namutawi sa kanya habang nakikita nyang umiiyak ito sa harapan nya.
"Sabihin mo na hindi totoo lahat ng sinabi ng papa mo" sambit nya sa mahinang boses.
Ngunit imbis na sagot ang matanggap dito ay nagpatuloy lang ito sa pag-iyak. Mabilis syang lumapit dito at hinawakan ang magkabila nitong balikat.
"CIELO! SUMAGOT KA! NAGSISINUNGALING LANG ANG PAPA MO DI BA?"
Pagkabigla, takot at galit ang naramdaman nya dahil base sa nakikita nya ngayon, ay hindi na nya kailangan pa ng kasagutan mula dito. Unti-unti ay biglang nanumbalik ang mga ala-ala ni Yosh sa mga magulang na nasawi kasabay niyon ang mga mabibilis na pagbagsak ng mga luha mula sa kanyang mga mata.
Makalipas lamang ng ilang mga sandali ay narinig na nila ang isang malakas na tunog na papalapit sa kanilang lugar. Ganun din ang sunud-sunod na paghinto ng mga sasakyan. Kasabay naman niyon ay ang paglalakad ni Yosh papalayo sa kanya. Habang nilalagyan sya ng posas ng isang pulis sa kanyang mga kamay.
Ito ang pinakakinakatakutang mangyari ni Cielo sa lahat. Muli na namang nanumbalik sa kanya kung paano nga sya naging sunud-sunuran sa kanyang ama.
.....
TWO YEARS LATER...
"Sigurado ka na ba dyan sa desisyon mo?" muling pagsisiguro ni Mark Jayson, ang matalik na kaibigan ni Xander na ngayon nga ay Governor na ng Portaleza.
"Yep, siguradong-sigurado na 'ko dito." sagot nya.
Nandito sila ngayon at nag-uusap-usap sa isang coffee shop sa Portaleza.
Kasama nya ngayon ang mag-asawang Mark Jayson at Jacky, pati na rin si Claire.
Napagdesisyunan nya na kasing ibenta ang hacienda nila. Gagamitin nya iyon upang makapagsimulang muli matapos nyang makalaya.
Tama, nakalaya na nga pala sya mula sa kustodiya ng mga pulis sa loob ng mahigit dalawang taon habang nililitis ang kaso nya kasabay ng kanyang ama.
Sa bandang huli, NOT GUILTY ang naging desisyon ng korte sa isinampang kasong "murder" laban sa kanya. Habang GUILTY naman ang sinapit ng kanyang ama.
Sa loob ng dalawang taon ay maraming nagbago. Matapos na pirmahan nya ang annulment paper nilang dalawa ni Yosh ay tuluyan ng nawalan na sila ng koneksyon sa isa't isa.
Sa totoo lang ay wala na rin naman talaga syang mukhang maihaharap sa kanila. At ngayon nga ay upang makapag patuloy sya sa buhay, kailangan nya na ring tanggapin upang tuluyan na rin syang makapag-move-on.
Plano nyang ibenta na ang hacienda upang makapagsimula ng bago. Dahil nga sa alam nya na mahihirapan na syang makahanap ng trabaho, ay balak nyang magtayo na lamang ng sarili nyang clinic.
While browsing her fb account, isang balita sa pahayagan online ang pumukaw ng atensyon nya.
"Jayden Yosh Montefalco soon to become a BACHELOR NO MORE!"
...
Author's note:
Sorry po kung sobrang natagalan. Will post the Final Chapter tomorrow!

BINABASA MO ANG
One Poor Prince (Book 2)
RomancePag-iibigang masusukat ng pagkakataon at susubukin ng maling panahon. A story of love, lies, separation, revenge and destruction. Xander is Cielo's One Poor Prince. Credits to @ODRICA for a very beautiful book cover and illustration.