Final ChapterFlashback (The flashback is from Chapter 33 onwards, Xander's POV)
Yosh Jayden's POV
Naglalakad na silang tatlong magkakapatid pabalik ng kwarto kung saan mahimbing na natutulog pa rin ang pinakamamahal nyang prinsesa. Hinatid kasi nila ang mga magulang sa kotse nito na kung saan ay pinasama na rin nila pauwi si Xander. Halos kalahating araw na ring tulog si Cielo and any time soon ay magigising na rin ito.
Nang makabalik na sa kwarto ay laking pagtataka nila ng hindi ito nasumpungan sa higaan. Matutuwa na sana sya pero nahagip ng mga mata nya ang mga nakakalat na larawan sa sahig. Kaagad syang yumuko upang tingnan isa-isa ang mga larawan na nagkalat doon. Mga litrato ito na kuha kasama sya at si Liz na tatlong taon na ang nakalipas sa Spain.
Nang makaramdam ng kaba ay mabilis nyang tinungo ang cr pero wala syang Cielo na nakita.
"Where is she?" may pag-aalalang tanong sa kanya ni Drew. Sa mga oras na iyon ay hindi nya rin alam ang isasagot sa kapatid. Napasandal na lamang sya sa pader at nagpakawala ng sarkastikong ngiti.
"Iniwan nya na naman ako."
Days had passed. I thought I could get over to it. Pero habang tumatagal mas humihirap. Nung una akala ko, kakayanin ko. Pero di pala. Dahil habang lumilipas ang mga araw na wala sya, mas lalong humihirap.
"Anong ibig sabihin nito?" Laking gulat ni Yoshabel ng makita ang panganay nitong anak kasama ang mga apo.
Sobrang sakit sa puso ang makita mo ang anak na naghihirap ng ganito.
"Hindi ko kaya ma, akala ko kaya ko, hindi pala." and then suddenly, he burst out into tears. Nakita nyang tumayo si Zian at nilapitan ang ama. Hindi na rin nya napigilang mapaluha lalo na nung makita nya kung paanong niyakap ng anak ang ama nito.
"Dad, ako na po bahala sa kapatid ko, wag mo na po kaming iwan dito"
Zian isn't old enough to really and trully understand what was his father had been going through. But seeing him crying, it is enough to make him feel how painful it was to him.
"Just go and get yourself up! You need to live! You need to live for your family!" Ito ang mga huling katagang narinig ni Yosh mula sa ama, kay Jayden. Kasabay ng mga salitang lumabas mula sa mga bibig nito ay ang muling pag-iyak ng dalawang sanggol mula sa harapan nya.
.....
"Sabihin mo na hindi totoo lahat ng sinabi ng papa mo" sambit nya sa mahinang boses.
"CIELO! SUMAGOT KA! NAGSISINUNGALING LANG ANG PAPA MO DI BA?"
Pagkabigla, takot at galit ang naramdaman nya dahil base sa nakikita nya ngayon, ay hindi na nya kailangan pa ng kasagutan mula dito. Unti-unti ay biglang nanumbalik ang mga ala-ala ni Yosh sa mga magulang na nasawi kasabay niyon ang mga mabibilis na pagbagsak ng mga luha mula sa kanyang mga mata.
Idinilat ni Yosh ang kanyang mga mata habang pinipisil-pisil ng kanang kamay ang magkabilang side ng parteng noo nito. Kasabay nito ang pagtunog ng kanyang cellphone.
"Yes, this is...
"Can we meet and talk?... Are you available today?" Ito ang mga mensaheng natanggap nya mula dito.
.....
Mula sa di kalayuan ay nakita nya ang kakapasok pa lamang ng pigura ng isang lalaki na sa loob ng dalawang taon ay ngayon nya lamang nakita.
![](https://img.wattpad.com/cover/30747558-288-k829349.jpg)
BINABASA MO ANG
One Poor Prince (Book 2)
RomancePag-iibigang masusukat ng pagkakataon at susubukin ng maling panahon. A story of love, lies, separation, revenge and destruction. Xander is Cielo's One Poor Prince. Credits to @ODRICA for a very beautiful book cover and illustration.