Chapter 42

2.5K 61 0
                                        


Chapter 42

Apat na araw na rin ang lumipas simula ng maging personal na sekretarya ako ni Yosh at ng ikasal kami sa huwes.

Kagaya pa din ng dati ay nag-uusap lang kami patungkol sa trabaho. Pag kaharap naman namin ang mga bata ay kaylangan naming umakto na maayos kami, na ok kami. Nahihirapan ako? Oo naman sobra, subalit kaya ko namang tiisin ito dahil kahit papaano ay nakakausap at nakakasama ko sya.

Bukas nga pala ay magpepresent ako sa harap ng board members ng annual report ng kumpanya. Wait, hindi pala bukas kung hindi ay mamaya. Dahil nga sya pa rin ang tumatayong Secretary nito ay sa kanya ang lahat ng gawain. Buti na lang at marami ang tumutulong sa kanya. Iyon din ang chance nya para patunayan din kay Yosh na maasahan nya sya.

Naghihintay ako ng taxi dito sa sakayan dahil kaka-out ko lang sa ospital kung san ako nagpapart-time. Teka anong oras na nga ba, 2:30 na pala ng madaling araw. Kanina ko pa nararamdaman ang gustong pagpikit ng mga mata ko. Pero hindi ko pwedeng gawin iyon, dahil baka makatulog na ako ng tuluyan at ayokong mangyari iyon.

Halos mag kakalahating oras na syang nakatayo dito pero wala paring taxi na dumadaan. Ano bang meron, bakit wala syang masakyan ngayon.

Nag-aalala na sya dahil limang minuto na lang ay mag alas-tres na at halos mangiyak-ngiyak na say dahil dapat ay nakakapagpahinga na sya sa mga oras na to.

Sa sobrang antok at pagod ay napa-upo na lang sya sa waiting shed. Buti na lang at may upuan dito, pagkatapos ay sandali syang pumikit. Sa halos mag-iisang linggo na syang sunud-sunod na nagtatrabaho umaga at gabi ay sobrang naabuso na nya ang katawan nya. Ayaw nya lang talagang ipakita kay Yosh ang pagod na nararamdaman nya dahil baka isipin pa nito na nag-iinarte lang sya upang makuha nya ang atenyon nito.

Dahil nga sa sobrang antok na nararamdaman nya, ay hindi nito namamalayan na unti-unti na palang lumalalim ang idlip nya.

........

Kanina pa nya ito tinitignan mula sa pwesto nito. Hindi naman sya masyadong malayo dito dahil ipinarada nya lang ang kotse sa medyo madilim na bahagi ng lugar sapat na upang hindi sya nito makita.

Sa totoo lang ay gabi-gabi nya talaga itong binabantayan at sinusundan hindi dahil sa nagdududa sya dito na baka may gawin itong kataksilan o kung ano pa man, kundi dahil hindi talaga sya matahimik at mapalagay hangga't wala pa ito sa bahay nila. Kahit papano ay ayaw nyang may masamang mangyari sa ina ng kanyang mga anak.

Naiinis sya dahil wala syang magawa para patigilin ito sa pagtatrabaho sa gabi. Sa totoo lang ay nabili na talaga nya ang hacienda, matagal na. Hindi nya lang alam kung paano dito sasabihin dahil baka isipin nitong tinutulungan nya ito.

Bakit ba wala itong makuhang taxi ngayon. Actually, maging ang taxi na sinasakyan nito ay binabantayan nya, dahil baka may gawin itong masama laban sa asawa nya.

Asawa. Napatingin sya sa palasingsingin nya. Agad syang napangiti sa isiping iyon, tama, asawa nya na nga ito.

Nang ibinalik nya ang tingin sa lugar kung saan naghihintay si Cielo ay nakita nya itong nakaupo na. Bahala na nga kung ano pa ang isipin nito pero magpapakita na sya, kaylangan na rin nilang dalawa magpahinga. Binuhay nya na ang makina ng kotse at pinaandar ito papalapit sa waiting shed.

Kaagad syang bumaba ng sasakyan para puntahan ang asawa.

"TSSSSKK! Pambihira talaga, nagawa pang dito matulog, hindi nag-iingat" Sigaw nya sa sarili. Gusto nya itong pagalitan, sigawan dahil hindi tama ang ginawa nito. Paano na lang kung may mangyaring masama sa kanya.

He was right! Nakatulog na nga ito ng tuluyan. Nakasandal ang ulo nito sa gilid na bakal ng waiting shed. Lumapit pa sya dito para buhatin na lang ang asawa.

One Poor Prince (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon