Reminder: Please support my story by hitting the "vote" button of this Chapter. Thank you po!
Chapter 2
Cielo's POV
"Anong ibig mong sabihin? Hon, hindi kita maintindihan." Hindi ko alam kung seryoso ba sya sa sinasabi nya sakin ngayon o hindi.
"Gusto kong maghiwalay na tayo!" tumalikod sya sakin.
"Bakit may nagawa ba akong mali? Tell me." Pagsusumamo ko sa kanya.
"Wala kang ginawang mali, ako ang nagkamali. Ako ang may problema!" sabi pa rin nya.
I just cursed on the air.
"Hindi na maganda ang mga sinasabi mo hah! Pwede ba, harapin mo nga ako! Ano ba talaga ang problema mo?" hinarap ko sya pero hindi nya pa rin ako pinapansin. Hindi rin sya nagsasalita at nananatili lang na nakatikom ang bibig nya.
"Michael ano ba, kausapin mo naman ako ooh!" pagpupumilit ko sa kanya.
"Tingnan mo ko!" inabot ko ang mukha nya at hinawakan iyon. "Please, stop this nonsense. Pag-usapan natin to at kung may problema man, pagtulungan nating ayusin." Halos pagmamakaawa kong sabi ko sa kanya.
"MAHAL KO PA PALA SYA!"
Paulit-ulit na nag-echo ito sa tenga ko ang mga huling kataga na sinabi nya. Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko na kanina ko pa talaga pinipigilan na bumagsak mula sa aking mga mata ko.
Hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat gawin sa mga sitwasyon na ganito. Masyado na syang magulo.
Dahan-dahan ko syang tinalikuran at naglakad na ako palayo sa kanya.
Umaasa ako na hahabulin nya ako at babawiin nya lahat ng mga sinabi nya at babalik kami sa dati. Pero habang naglalakad ako ay wala pa ring Michael na tumawag sakin para pigilan lang ako.
Nagising ako sa paulit-ulit na tunog ng doorbell. Tumingin ako sa nakalagay na alarm clock sa ibabaw ng lamesa ko at napag-alaman kong 11 na pala ng tanghali.
Tumayo na ako sa kama at dumiretso sa CR upang mag-ayos. Saglit lang ako dito at dumiretso na ako sa baba.
Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sakin sina Jane at Alexis.
Pagkakita ko sa kanila ay agad namang lumapit sakin si Jane at bigla nalang akong niyakap.
Akala ko ay naubos ko na ang mga luha ko kagabi pero hindi pa pala. Hindi ko alam pero bigla nalang akong nakaramdam ng panghihina.
"Bakit pa kayo pumunta dito, okay na ako kagabi ehh." Sabi ko sa kanila habang umiiyak.
"Tandaan mo, nandito lang kami, kahit anong mangyari." Si Alexis habang hinihimas ako sa likod.
Kinwento ko sa kanila kung ano nga ba ang nangyari. Pumunta sila dito dahil nga nakita nila si Michael at si Claire na magkasama. Nakakapit pa daw itong si Claire sa braso ni Michael. Nang nalaman ko ito ay parang mas dumoble pa ang sakit na naramdaman ko.
Kinagabihan ay napagdesisyunan kong kausapin sya.
Nagsuot lang ako ng blue jeans at plain na blank t-shirt. At lumabas na ako ng apartment. Nag-abang ako ng taxi at buti na lang ay may nakuha agad akong sasakyan. Sinabi ko sa driver ang address ng condo ni Michael. Alam kong may mabigat syang dahilan kung bakit nya nagawa iyon at hindi ako naniniwala na dahil lang mahal nya pa ang ex-girlfriend nya.
BINABASA MO ANG
One Poor Prince (Book 2)
RomancePag-iibigang masusukat ng pagkakataon at susubukin ng maling panahon. A story of love, lies, separation, revenge and destruction. Xander is Cielo's One Poor Prince. Credits to @ODRICA for a very beautiful book cover and illustration.