Chapter 33

2.3K 78 0
                                        

Chapter 33 - Larawan

"Tol, kaylangan mo nang umuwi, si Cielo, dinala na namin sa ospital, manganganak na yata"

Pagkarinig ko nito mula kay King ay agad ko nang iniwan sa hotel si Liz at nagmamadali akong sumakay ng private plane pabalik ng Pilipinas.

Sa totoo lang ay wala akong napala. Nakita ko nga sya pero hindi ang Daddy nya at nung kausap ko ay ay halata naman na wala itong plano na sagutin ng may katotohanan ang lahat ng mga tanong ko.

Sa ngayon nga ay kinakabahan na ako dito sa eroplano. Hindi talaga ako mapalagay.

Kanina ko pa kino-contact si King pero hindi na ito sumasagot.

Ang huling update nito sakin ay 9 hours na daw itong nagli-labor.

Hindi din daw nila alam kung bakit hindi pa lumalabas ang bata.

"O God, please help her, baby ko, wag mo namang pahirapan ang Mommy" ito na lamang ang tanging magagawa ko sa mga sandaling ito.

Pagkalapag na pagkalapag ng eroplano ay agad akong nagpadiretso sa ospital kung saan naroon ang mag-iina ko.

I run as fast as I can para lang makarating sa kwarto ni Gamot.

Mula sa labas na may mga upuan ay nakikita ko na sina Mama at Papa na nakaupo, si King na karga-karga si Xander at si Drew na katabi nito.

"DADDY!" tinginan naman silang lahat sakin pagkarinig ng sigaw na 'yon ni Xander.

Bumaba ito mula kay King at tumakbo pasalubong sakin.

"Daddy, ang Mommy, nahihirapan po syang ilabas ang baby."Sabi nang anak ko sa nagsusumbong na tono.

"Tol! Pumasok ka na sa loob, ikaw yata ang hinihintay ng anak mo na dumating ehhh!" si King then kinuha ulit si Xander.

"No, gusto ko pong sumama." - Xander.

"Wag na kiddo, kakausapin pa ng daddy mo ang kapatid mo para hindi na mahirapan pa ang Mommy mo" - King

May binulong lang ako kay Xander pagkatapos ay bigla itong natuwa.

After then, ay pumasok na 'ko.

Marami nang nakapaligid na mga doctor dito.

"Good evening po sir" sunud-sunod na bati ng mga 'to sakin.

Tiningnan ko rin sila pagkatapos ay agad akong lumapit sa nahihirapang si Cielo. Bakas sa itsura nito ang sobrang pagod at hirap. Nanghihina syang tumingin sakin.

"Hon, nandito na 'ko, please tell me that you're okay, please tell me" nakita kong tumingin sya sakin pagkatapos ay nanghihina na pumikit habang hinihimas ko ang noo nito.

Nanghihina rin nitong itinaas nya ang kanang kamay na tila ba gustong magpahawak nito.

Inabot ko ang kamay nya at pinisil iyon.

And there naramdaman ko ang paghigpit ng hawak nya sakin.

Muli ay pumikit ito dahil siguro sa sakit na nararamdaman nya ngayon.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhh"

Halos parang gusto ko nang mamatay seeing her in that pain.

O sh*t!!! Pwede bang sakin nya nalang ipasa ang sakit na nararamdaman nya ngayon.

"Ayan na, the baby is now in the perfect measurement" rinig kong sigaw ng doctor.

Bawat sigaw at iri nito ay syang paghigpit ng kapit nya sakin.

One Poor Prince (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon