Chapter 44

2.8K 58 2
                                    

Chapter 44

Halos buong araw syang nagkulong sa kwarto at naubos lamang ang iyon sa pag-iisip ng paraan kung pano nga ba nya mapipigilan ang papa nya sa mga binabalak nitong masama laban sa kanyang pamilya. Batid nya na ito ang may kagagawan ng mga sunud-sunod na pagsabog sa loob ng MGC. Kaya nga ngayon ay nais na nya itong wakasan. Nasa kama na sila at kapwa nakatalikod sila sa isa't-isa, kaya naman ay naglakas loob na syang sabihin sa asawa ang balak nyang gawin.

"Yosh," pagsisimula nya. Naramdaman nyang umikot ito paharap sa kanya at tiningnan naman sya nito ng may pagtataka sa itsura.

"Alam ko magagalit ka sa sasabihin ko, pero gusto kong maintindihan mo ako."

"What's that?" tanong nito sa kanya habang nakakunot na ang noo ng asawa.

"Gusto kong puntahan ang Papa," mahina kong pagkakasabi. "Ayokong magpatuloy itong ginagawa nya, gusto ko matahimik na tayo." dagdag ko pa.

"Alam mong hindi ako papayag sa ideyang mong yan, Cielo." reply na sagot nito.

"Just leave it to me." madaiin na pagkakasabi ni Yosh at muli syang tinalikuran pagkatapos ay narinig pa nyang nagpakawala ito ng isang malalim na hininga.

"Nakapagdesisyon na ko Yosh, kailangan ko lang syang puntahan." pagsasalita nya pang muli.

"HINDI NGA PWEDE! HINDI AKO MAKAKAPAYAG SA GAGAWIN MO!"

Tuluyan ng tumaas ang boses ng kausap nya pero syempre hindi sya pwedeng magpatalo dito.

"Sorry to say this Yosh, pero hindi naman ako humihingi ng approval mo, sinasabi ko lang sayo para alam mo, at desidido na ako sa gagawin ko."

"AGAIN! AS I HAVE SAID! WALA KANG IBANG GAGAWIN KUNG HINDI ANG MAGHINTAY NA MAAYOS KONG LAHAT NG 'TO. TAPOS!"

Nang akma na sana itong tatayo ay mabilis nya itong pinigilan at niyakap mula sa likod.

"Yosh, please! Payagan mo na 'ko." pagmamakaawa ko pa dito.

"Dalawa tayo dito, Cielo. Ayokong mawala ka sakin, dahil kapag may mangyaring masama sayo o mawala ka, hindi ko na kakayanin, kaya please lang din. Stop this non-sense."

Iyon ang mga huling binitawang salita ni Yosh bago ito lumabas na ng kwarto at maiwan syang mag-isa .

After ng confrontation nila ni Yosh ay dumiretso sya sa kwarto ni Zian Xander. Naabutan nya itong may hawak-hawak na ukulele habang tumitingin sa laptop na nasa harapan nito. Nang makita sya ay kaagad sya nitong nginitian.

"Payakap nga sa binatilyo kong anak." Nang makarating sya sa kama nito ay kaagad naman syang niyakap nito ng mahigpit.

"But I'm still a kid mom, I love you" malambing na sabi nito sa kanya.

"How do you feel na po?" tanong nito sa kanya.

"I'm feeling better already, son" nakangiti nyang reply dito.

"Yey, salamat naman po kung ganun, jamming tayo mommy, you like?" mas lumawak pa ang ngiti ng anak nya na abot hanggang tenga at sobra naman syang naligayahan sa sinabi nito.

Habang nagkakantahan sila ay nagulat naman sya sa biglang pagsulpot ni Travis.

"Mommy, kuya, ang daya, di nyo kami sinasali." pagkatapos ay patakbo itong lumapit sa kanila.

Maya-maya pa'y sinundan naman ito ni Parker na halatang inaantok na pero nakita nyang tumabi ito sa gilid ng kama kung nasaan naka pwesto si Parker.

At nagpatuloy nga sila sa pagkakantahan. Rinig na rinig nya rin kung pano pinipilit na sabayan ng kambal ang bawat pagtipak ni Zian sa ukulele. Ganun na lamang ang kaligayahan nya na magkaroon ng mga ganitong klaseng pagkakataon na makasama ang kanyang mg anak.

Lumabas na si Cielo sa kwarto ni Zian na kung saan ay nakatulog na rin kasama ang mga kambal. Pagkapasok nya ng kwarto ay wala pa rin doon si Yosh kaya napagpasyahan nyang bumaba upang hanapin ito.

Dahil nga hindi nya ito nakita sa sala at kitchen ay sunod na pinuntahan nya ang swimming pool area nila at mula doon ay natanaw nya itong nakatalikod na may katabi pang bote ng alak.

...

"Sa totoo lang, ikaw ba may oras ka pa sa sarili mo?" from out of no where ay tanong nito sa nagmamanehong Assisstant ng kapatid nya. Mula naman sa salamin ng kotse ay tiningnan sya nito.

"What do you mean, Mam" kunod noo na balik nito sa kanya.

"Because it seems to me that you don't have time for yourself, kung hindi ka Assistant ng kapatid ko ehh sekretarya ka nya, kung hindi naman ay driver, o runner, seriously?" manghang tanong ni Drew dito.


"This is part of my job as his Personal Assistant Mam." maikling sagot ni Patrick.

"How 'bout your love life? May plano ka pa bang mag-asawa? Do you even have a girl friend?"

"Wala po akong oras para dyan" ito lamang ang maliit nyang tugon dito.

"Okay, as you said, stopover muna tayo Patrick, nagugutom ako" sabi nito. Kanina pa nya talaga gustong kumain. Natambakan lang talaga sya ng maraming trabaho.

Dumagdag pa ang kaso ng nangyari sa MGC. Bukas ay darating ang mga magulang nito from US to talk about everything especially that incident.

She was about to close her eyes when sudddenly someone caught her attention.

"Patrick, pahinto ng sasakyan". Nabigla man ay kaagad ipinarada ni Patrick ang minamaneho pagkapos ay nagtataka nya itong tiningnan.

Kaagad syang bumaba ng kotse at hinabol ang babae na nakita nito.

"Sam!" tawag nya dito na sya namang paglingon nito.

"Oh my god! Look at you! Si King ba ang ama ng dinadala mo?" Imbis na sumagot ay pinili na lamang ng kausap nya na yumuko pagkatapos ay tumalikod na saka nagpatuloy sa paglalakad.

Ngunit hindi nya ito tinantanan. Bagkus ay hinabol pa at nahawakan pa nya ito sa kanang kamay.

"Sam, kanya ba yan?" hawak-hawak ang magkabilang balikat saka ito umiyak. "Halika, iuuwi kita sa kanya" sabay akay sa babae. Si Sam ang ex-girlfriend ng kapatid.

Hindi nya alam kung bakit nga ba ito naghiwalay knowing na buntis rin ito at malakas ang kutob nya na sa kapatid nya nga ito.

One Poor Prince (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon