Reminder: Please support my story by hitting the "vote" button of this Chapter. Thank you po!
Chapter 12 - Explanation
Cielo's POV
"Okay speak!" walang gana kong sabi kay Michael. Nandito kami ngayon at nakaupo sa canteen. I have already informed Xander about this that he wanted to talk to me and to clarify things. He just replied a go signal then yun na, pinaupo ko na sya sa table dito sa canteen.
"Claire lied to me. That day, pumunta sya ng condo at pinakita sakin ang pregnancy kit and I found out the positive result." pagsisimula nyang sabi sakin habang naktingin sa mga mata ko.
"Dahil sa kagustuhan nyang magkabalikan kami, nagpanggap sya na sa kanya iyong pregnancy test na 'yon, at sinabi nya rin na ako daw ang ama ng dinadala nya."
"Bakit ngayon mo lang sinabi?" tanong ko naman.
"Dahil ngayon ko lang din nalaman. Narinig kong may kausap sya sa phone, without her knowing na nasa likuran nya ako at pinapakinggan sya. Hanggang sa marinig ko na lang kung ano ang sinabi nya na hindi naman talaga sya totoong buntis." Tuloy-tuloy nyang sabi sakin.
"You know what, pinapatawad na kita." Diretso kong sabi sa kanya. Sinasabi ko ito without any feelings of bitterness. In fact, siguro, God's will yung nangyari sa pagitan namin dahil kung hindi rin iyon nangyari, ay siguro hindi ko makikilala si Xander. Bakas sa mukha nito ang pagkabigla sa sinabi ko.
"Tama ba ang narinig ko mula sayo?" Lumiwanag ang mukha ni Michael nung sinabi ko ang mga katagang iyon at maaaninag sa kanya ang saya.
"Buong-buo na kitang pinapatawad, pero Michael, to be honest,, hindi na tayo pwedeng bumalik sa dati, may boyfriend na ako, mahal na mahal ko sya, and he's feeling the same way too, I'm sorry." Malungkot kong sabi sa kanya.
"No it's okay." Pilit na ngiti ang binigay nya sakin.
"Gusto ko lang malaman mo na nandito lang ako, in case that you need me, I'm just here around and waiting for you." Pinilit ko nalang na tumingin sa ibang direksyon para na rin hindi ko makita ang lungkot na makikita sa kanya.
Hindi rin ako sanay na nakikita sya na ganito kalungkot.
"I think I better get going" mabilis syang tumayo at naglakad na nga palayo sakin. Inayos ko na rin ang sarili ko para na rin umuwi.
Nagtext sakin si Xander kanina na mauuna nalang daw syang umuwi, pahatid nalang daw ako kay Michael. Hindi man nya sabihin but I can feel how jealous he was.
Nang makalabas na ako sa gate ng school ay nagtuloy-tuloy na akong umalis palayo dito. Sa isang poste ng ilaw doon ay nakita ko ang isang lalaking matikas na nakasandal dito habang ang dalawang kamay nito ay kapwa na nakapamulsa. Seeing him in that position made my heart so happy that I ran towards him and approached him.
Nang makita nya ako ay agad syang tumayo ng tuwid at naglakad na rin pasalubong sakin.
"How's your talk!" sobrang higpit ng pagkakayakap nya sakin. Dahil nga sa 6'1 nyang tangkad ay abot hanggang dibdib nya lang ako.
"We're okay already!" sagot ko sa tanong nya.
Nilayo nya ako sa kanya at tiningnan ako ng magkasalubong ang kilay.
"Nakikipagbalikan ba sya? binalikan mo ba sya?" sunud-sunod na tanong nya
"Ano ba namang tanong yan? Syempre hindi no, bakit ko pa sya babalikan eh may mas hot na boyfriend na ako kesa sa kanya." Nangingiti kong sabi.
BINABASA MO ANG
One Poor Prince (Book 2)
RomancePag-iibigang masusukat ng pagkakataon at susubukin ng maling panahon. A story of love, lies, separation, revenge and destruction. Xander is Cielo's One Poor Prince. Credits to @ODRICA for a very beautiful book cover and illustration.