Chapter 36

2.4K 66 0
                                    

Chapter 36

Makaraan lamang ang ilang mga araw, maaga akong pumasok sa MGC tower. Ito kasi ang naisip na paraan ni Drew. Ito daw ang kaylangan kong gawin kung gusto ko daw mapatawad nya ako.

Kahit medyo alangan pa ako ay sinunod ko naman sya.

Basta para sa kanya at para sa mga anak ko.

Binigyan nya rin ako ng isang extra space na office kung saan katabi ko si Patrick. Nagulat pa nga sya ng bigla akong dumating, pero wala naman syang tinanong.

And now, I'm still fixing everything in my table, ang laptop na galing din sa kanya.

Actually, ang dami ko talaga ngayong dapat na pag-ipunan. Kaylangan ko pang bilhin ang hacienda. Nalaman ko kasi na naibenta pala ito sa bangko at ngayon nga ay for sale ito.

Sa presyo nito ngayon, kung pagsasamahin ang mga ipon ko ay kulang pa. Bakit ba kasi ganun kamahal ang benta ng bangko na yon.

The moment na nawala daw ako, ay kasabay ng pagbenta daw nito sa bangko.

Kayag ngayon nga ay syempre mas doble kayod pa ko.

After nito, didiretso pa ako sa inaplyan kong private hospital. Plus my part-time modelling career pa with Mico. Siguro naman kahit nandito ako sa Pilipinas ay makakaipon pa rin ako.

"WHAT ARE YOU DOING HERE?!" Nagulat naman ako sa malakas na boses na yon.

When I looked back ay nakita ko na naman ang nanggagalaiti nyang aura sakin.

Dahil nga sa pagkabigla ko ay hindi ako nakasagot agad sa tanong nya.

Naglakad sya papalapit sakin at madiin nya akong hinawakan sa kaliwang braso.

"ANG SABI KO SINO ANG NAGBIGAY SAYO NG PAHINTULOT NA MAGTRABAHO DITO?" halos pabulong nya lang na tanong pero halata dito ang diin sa pagkakasabi.

"Get off!" parehas kaming napatingin sa likod at ngayon nga ay mabilis na naglalakad palapit sa'min si Drew.

Hinila nya ko palayo dito at nilagay sa likod nya.

"In the first place, dito talaga sya nagtatrabaho, and to answer your question my dear brother, ako ang dahilan kung bakit sya nandito, and take note, she's now my executive secretary at hindi sya magtatrabaho sayo kaya wag kang mag-alala." mahabang litanya nito.

"AYOKONG NANDITO SYA!" nilagpasan kami nito para pumasok sa opisina nya. Si Patrick naman ay nananatiling busy sa ginagawa nito yun bang parang walang nangyayari na kaguluhan sa paligid nya.

"Sabi mo noon hindi mo na sya mahal...

napahinto naman ito sa paglalakad dahil sa sinabi ng kapatid nya.

....na hindi ka na masasaktan pa kapag makita mo sya, walk your talk Yosh, panindigan mo" saglit lang itong huminto at nagalakad na ulit.

.....

Tumunog ang intercom ko sa table ibig sabihin ay tumatawag si Drew. I pressed the "Yes" button and from there ay nagsalita sya.

Pinapapatawag nya 'ko sa loob ng office.

Inayos ko muna ang sarili ko sa salamin pagkatapos ay kinuha ko ang folder na kung saan doon ko nilalagay ang mga sinasabi nya then pumasok na ko sa opisina nya.

Kumatok muna ako bago pumasok.

Pagkapasok ko dito ay nakita ko sya na nakaupo sa table nito habang magkasalubong ang kilay na nakaharap sa laptop. Siguro hindi maganda ang binabasa nito.

One Poor Prince (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon