Chapter 45

2.8K 65 6
                                    


Chapter 45

Yosh's POV

Flashback

Labing-walong taon na ang nakakaraan simula ng mangyari ang isang malaking trahedya sa kanilang pamilya na kung saan ay naging dahilan ng pagkakahiwa-hiwalay nila.

He and Drew were 9 years old nang may sunud-sunod na pagsabog ang naganap sa sinasakyan nila mula sa kalagitnaan ng gabi, sa gitna ng karatan. Nakita nya sa mismong mga mata nya ang mga kalalakihan na umaakyat sa yate na sinasakyan nila at sunud-sunod na pagsabog ang mga sinundan pa nito.

"Dad"

"Dito ka lang, bantayan mo ang Mama mo at kapatid mo, maliwanag ba?" sabi ng papa nya sa malakas na boses habang makikita dito ang takot sa mga mata. Makalipas ang ilang minuto lamang ay may nirinig syang malakas na iyak at boses na kung saan ito ay humihingi ng saklolo. Dahil nga sa alam nya kung sino ang nagmamay-ari niyon ay mabilis syang tumakbo sa lugar kung saan ito nagmumula and there he saw a man who's about to approach him.

"KING RUN! YOU RUN NOW" sabi nya habang pinipigilan ang lalaki matapos nya itong maitulak. Mabuti na lamang at nagawa nya itong masunggaban bago pa nito mahawakan at mahuli ang kapatid.

"No, I won't leave you!"pagmamatigas pa nito.

Dahil nga sa malaking tao ito, ay nagawa rin sya nitong maitulak habang nakaramdam sya ng bigat ng katawan dahil sa pagtama ng likod nya. Dahil sa takot na may masamang mangyayari kay King ay kaagad syang tumayo at muli nyang nahawakan ang laylayan ng damit nito.

"ANG TIGAS TALAGA NG MUKHA MONG BATA KA!" Halos umikot ang buong paligid nya at isang malakas na tunog ang umalingawngaw sa kanyang mga tenga na tangingn sya lamang ang nakakarinig dahil sa sobrang lakas niyon dahilan upang tuluyan na syang bumagsak. Nalalasahan nya na rin ang pagdaloy ng dugo mula sa kanyang mga pisngi.

Gustuhin man nyang patahanin ang kapatid ay hindi nya magawa dahil sa kalagayan nya ngayon.

"Tumak...bo ka na please, hu......mi...ngi ka ng tu...long" hirap man ay pinilit nya pa ring makapagsalita pero huli na dahil nakita nyang kinuha si King at tanging likod na lamang nito ang nakikita nya.

Sa huling pagkakataon ay pinilit ni Yosh na tumayo at buong lakas nyang nasunggaban ang lalaki dahilan upang ma-out of balance ito at nagtuloy-tuloy silang mahulog at tuluyan ng lamunin ng malalakas na alon.

Sa may baybaying dagat sya natagpuan ng mag-asawang Marissa at Robert na kung saan tumayong pangalawang mga magulang niya. Dahil nga sa pagkakaroon ng amnesia nito ay pinangalanan na lamang nila syang Xander.

....

(18th Birthday ni Cielo)

After her celebration, we went to a place where we used to be with and there we shared our own precious moment and created our own memory together when our bodies become one.

Pero sino nga ba ang nakakaalam na ang panandaliang kasiyahan ay mabilis na mapalitan ng kahirapan. Kapwa kami napabangon at agad kong itinago si Cielo mula sa likuran ko dahil sa biglang pagbukas ng pinto. Mula dito ay ang pagpasok ng mga tauhan ng mga lalaking body guard nila at tumambad sa harapan nila ang Don Frederico.

"SIGE! KUNIN NYO ANG ANAK KO! AT TURUAN NYO NG LEKSYON ANG LALAKING YAN!"Narinig kong malakas na sabi nito habang iwinawasiwas ang hawak nitong baston kasunod ang paglapit nila sa akin.

Pinilit ko mang manlaban ngunit hindi iyon sapat dahil sa sobrang dami ng mga tauhan nito. Pinilit ko pa ring buksan ang aking kanang mata, upang makita sya, upang iparating sa kanya na ayos lang ako. Mas masakit pa sa akin ang marinig ang kanyang mga sigaw at iyak na ibinubuhos nya para sakin kumpara sa mga natatamo kong sakit sa katawan.

"Sunugin nyo na ang lahat!! Ayokong may matitira kayo sa mga gamit nila!" iyon lang ang pinakahuli kong narinig mula dito bago tuluyan ng dumilim ang buong paligid.

..........

Makalipas ang tatlong araw ay nakita nyang naglalakad na palabas ng gate ang kasintahan kaya naman ay malalaki ang hakbang nya itong nilapitan. Hila-hila sa kaliwa nitong kamay ay dinala nya ito sa isang masikip na eskinita na di kalayuan sa eskwaelahan pagkatapos ay isinandal nya ito sa pader. Sapat na ang lugar na iyon upang walang makakita sa kanilang dalawa.

"Xander? Anong ginagawa mo?" agad na tanong nito sa kanya. Gamit ang kanang kamay ay isinuklay na lamang nya ito sa kanyang buhok at napayuko saka nito tinitigan ang dalaga.

"Wala na sila nanay at tatay." kahit pinipigilan ang sarili ay kusa na namang tumulo ang kanyang mga luha mula sa mga mata. Ayaw man nyang makita ng dalaga ang kalagayan nya ngayon, subalit sadyang di nya lang macontrol ang sarili.

"namatay sila sa sunog na gawa ng Papa mo!" dagdag ko pa. Nang makita kong napayuko sya ay kaagad kong idinampi ang aking mga palad sa kanyang maamong mukha.

"Sumama ka na sakin ngayong gabi, itatakas kita! Magpapakalayo-layo na tayo, malayo sa Don, malayo sa Daddy mo." sabi ko habang kulong-kulong ko sya sa aking mga braso.

Pero kaagad nya akong itinulak at tinitigan ng masama.

"Hindi pwede ! Ikakasal na 'ko!" Malakas na usal nito pagkatapos ay tumalikod.

"Pero ako ang mahal mo!"

"Nagkakamali ka! Mahal ko pa sya! Mahal na mahal ko pa sya!"

Nakita kong napapikit sya habang sinasabi ang mga katagang iyon.

"NAGSISINUNGALING KA!" malakas na sigaw ko sa kanya.

"Alam kong sinasabi mo lang yan dahil sa takot! Takot kang baka patayin na ako ng Don!" "Pero mas mamatay ako kung mawawala ka! Sumama ka na sakin, Please!"

Bigla nya itong tinulak.

"BAKIT MAY PERA KA BA HA? MAPAPAKAIN MO BA AKO? MAYAMAN KA BA? TINGNAN MO NGA ANG SARILI MO! PAARALIN KA LANG! ANAK KA NG MGA KATULONG NAMIN!"

"ALAM MO TAMA ANG DADDY! WALA KANG MABIBIGAY SAKIN KUNDI YANG PURO LINTIK NA PAGMAMAHAL NA YAN!

"AT ANO ANG GAGAWIN MO? ITATAKAS MO KO? PANG HABANG BUHAY TAYONG MAGTATAGO? MAHIRAP KA NA NGA, DUWAG KA PA!"

"Namulat na ako Xander! Hindi mo kaya ang Daddy, wala kang mabibigay sakin! Wala!"

Sobrang sakit ng nararamdaman nya sa mga oras na 'to habang tinitingnan lang nya na nagalalakad ito palayo. Ganun pala talaga nu, the pain, hindi mo sya maexplain, but one thing is for sure, it can really kill you inside.

Malakas nyang sinuntok ang pader upang tuluyang mawala ang sakit na nararamdaman nya sa loob pero hindi pa rin iyon sapat. Nagpakawala pa sya ng isa pero hindi pa rin nito napapantayan ang sakit na nararamdaman ng puso nya.

... itutuloy

One Poor Prince (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon