Reminder: Please support my story by hitting the "vote" button of this Chapter. Thank you po!
Chapter 10 - Don't leave
Cielo's POV
"Tadaaaaa!" sigaw ko matapos kong ilabas ang lahat ng mga niluto ko kanina. Gumising pa talaga ako ng maaga nyan para naman ipagluto sya. maganda ang naging takbo ng practice ng team nila sa lugar na pinuntahan namin at ngayon nga ay back to normal na ulit kami. Habang tumatagal ay mas lalo ko pa syang nakikilala. At mas lalo pa kaming napapalapit sa isa't isa.
"Ano yan?" — Xander.
"Malamang, pagkain, ano ba namang tanong yan!" sabi ko sa kanya ng may himig na pagtatampo.
Nakita kong kinuha nya ang tinidor pagkatapos ay sumandok ng kapirasong karne at tinignan ito na para bang nandidiri.
"Ligtas ba 'tong kainin?" sunod pa na tanong nya.
"Wow hah! Biruin mo na 'ko sa lahat wag naman sa niluto ko! Pinaghirapan ko kaya yan." sabi ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa greenfield na malapit sa puno at naka-upo, yun bang parang nagpipicnic. Tinalikuran ko sya at hindi na lang nagsalita.
"Ikaw naman, tampo agad, o sige na pagsandok mo na ang mahal mo."
"eh bakit ka natatawa?" tanong ko pa sa kanya.
"Kaw naman kasi, di ka na mabiro, sige na, gutom na ko ohhh!" naka-pout na sya nyan. Grabe lang mas gwapo pa syang tignan dyan. Kahit naman siguro anong anggulo ang gawin nito ay mas lalo lang nagpapaangat ng kakisigan nito.
Nagsimula na syang kumain at mabilis nyang sinubo ang kinuha nitong baboy at gulay na niluto ko. habang ako naman ay nakaabang sa magiging reaksyon nya.
"Anong lasa?" nakaabang na tanong ko sa kanya.
Pero nagpatuloy lang sya sa pagnguya at nakita kong lumunok sya.
"okay?" Pilit syang ngumiti. Teka, parang may mali ehh.
Kumuha na rin ako ng pagkain at nagsimula na akong sumubo. Pagkakain na pagkakain ko nito ay agad akong kumuha ng tubig. Grabe, ito ba ang luto ko. sobrang alat na mapait. Susubo pa sana sya pero agad ko syang pinigilan at kinuha ko ang kutsara nya.
"Anong ginagawa mo?" bigla nyang tanong.
"Sorry, wag kang mag-alala sa susunod ay pagbubutihan ko." malungkot kong sabi. Kinuha nya ang kamay ko at mataman itong tinitigan.
"Anong nangyari dito?" tanong nya ulit pero this time ay mahina na. Binawi ko ito sa kanya at nilagay ko sa likod ko.
"Wala to, kaninang umaga lang, medyo nadaplisan ng kutsilyo, pero hindi na masakit." Pilit ko syang nginitian. Inabot nya ako at kinuha muli ang kamay ko. inilagay nya ito sa pisngi nya na para bang pinapakiramdaman ito. "At dahil dyan, kakainin ko tong lahat ng niluto mo, dahil ikaw ang nagluto nito" nakangiti nyang sabi.
Namangha naman ako dahil sa tibay nyang maubos ang lahat ng niluto ko. Kakatouch lang dahil pinilit pa talaga nya.
"Gamot, una na ko, may gagawin pa ko sa klase" may inabot sya saking isang maliit na notepad.
"What's this?" tanong ko.
"4:30 ang uwian mo di ba? Dyan ka pumunta, dyan kita susunduin." Sabi nya sabay karipas ng takbo. Grabe naman makapagmadali yung taong yun, ayaw pa nyang sabihin na kaylangan nya nang mag-CR dahil sinamaan sya ng tyan sa kinain nya.
Katatapos lang ng last subject ko at papunta na nga ako sa address na nakalagay dito sa notepad na binigay ni Xander. "Narra Tree at the back of University soccer field" agad kong tinungo ang lugar.
BINABASA MO ANG
One Poor Prince (Book 2)
RomansaPag-iibigang masusukat ng pagkakataon at susubukin ng maling panahon. A story of love, lies, separation, revenge and destruction. Xander is Cielo's One Poor Prince. Credits to @ODRICA for a very beautiful book cover and illustration.
