Chapter 32

2.6K 71 2
                                    

Chapter 32

Mabilis lumipas ang panahon. Mabilis tumakbo ang oras. Parang kaylan lang, parang kahapon lang, nasa college ako, naging kami ni Xander, bumalik ang ala-ala nya. ipinanganak ko si Zian at ngayon nga ay ika-walong buwan ko na sa susunod na anak namin ni Yosh.

Hindi pa nga pala namin alam kung babae o lalaki itong nasa tyan ko. Ang gusto kasi ni Yosh ay surprise daw. Buti nakaya nya yon, samantalang ako ay sobrang excited na ko talaga na malaman kung babae nga ba o lalaki itong pinagdadala ko.

"Ipa-ultrasound na kasi natin, bakit ba kasi ayaw mo?" sabi ko sa kanya habang nakahiga ako at ginagamit kong unan ang ma-muscle nyang braso. Ito yung unan na okay lang kahit hindi malambot.

"Gusto ko kasi surprise" sya habang hinihimas-himas nya naman ang tyan ko.

"Kaya mo bang maghintay? Hindi ko kaya yun ehh, gusto ko nang malaman." Pagtantrums ko sa kanya.

"Gamot, nahintay nga kita ng limang taon, siyam na buwan pa kaya?" pagmamayabang pa nito.

Huminto na rin muna ako sa pagtatrabaho, dahil dumoble ata ang hirap ko ngayon sa pagdadalantao. Baliktad nga eh, noon na kaya ko kahit pa mag-isa lang ako, e ngayong may katuwang na ako dahil kasama ko na sya, saka naman ako nahihirapan pa. Mas naging dependent pa ata si baby sa tyan dahil alam nyang nasa paligid lang ang daddy nya. At ang daddy nya naman ay wagas kong maka-spoile sa anak. Binibigay nya kagad ang hinihingi ko.

Lately, nagiging busy na sya sa trabaho. Hindi ko nga alam, pero dati naman kasi eksaktong oras syang umuuwi. Ngayon, inaabot na sya ng ten hanggang eleven ng gabi.

Nanonood ako ngayon dito sa baba habang hinihintay ko sya.

"Bakit gising ka pa? Makakasama sa inyo yan ni baby" mula sa pintuan ay pumasok sya. Nakalagay na sa kanang braso nito ang coat nito at tanging pulang longsleeve na nakataas sa braso nito ang suot pati syempre may slacks.

"Ginabi ka na naman" sabi ko sa kanya habang nakatutok ang tingin ko sa TV.

Lumapit sya sa kin at yumuko ito.

"Sorry na" pagkatapos ay hinalikan nya ko sa kanang pisngi.

Pero hindi ko pa rin sya pinapansin.

"Sobrang dami ko lang kasing ginagawa ngayon" then in my right.

"Ui, gamot" then in my lips.

Pero hindi ko pa rin sya pinagtutuunan ng pansin.

"Pansinin mo na ako, pagod ang hubby mo oh" he said while pouting. Naka-squat na sya sa harapan ko at ngayon nga ay hinaharangan na nya ang TV.

"Naiinis ako sayo"

"ehhh, wag ka nang mainis, sobrang busy lang kasi talaga, madami akong inaasikaso"

"You've changed" – ako

He drew closer to me at ngayon nga ay yakap-yakap na nya ako pero tinulak ko lang sya pagkatapos ay tinalikuran ito. Ngunit dahil makulit sya, ay hindi pa rin ito nagpapatinag.

"Gamot, I have business trip in Europe"

Mas lalo akong nabigla sa sinabi nya. Ayoko nang tanungin kung gano sya katagal mawawala dahil ang isang araw pa lang na hindi ko sya makita ay parang hindi ko kakayanin.

"Gano katagal?" wala sa sarili kong tanong.

"I don't know" mahinang sambit nito sakin.

"Gaano nga katagal? Bigyan mo ko ng eksaktong araw!" napatayo na ako sa sobrang sama ng loob.

I know nagulat ko sya sa ginawa ko. Dahil nga nakatayo ako, nakatingala na ito sakin.

One Poor Prince (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon