Chapter 23

2.6K 76 0
                                    

Reminder: Please support my story by hitting the "vote" button of this Chapter. Thank you po!

Chapter 23 - Thumbler

Busy si Cielo sa pag-aasikaso sa mga paper works nila nang biglang may kumatok sa pinto ng office nya. Iniluwa nito si Jarred.

"Good morning Doctora" pambungad na bati nito habang naglalakad palapit ng opisina nya.

"Good morning Sir" sabay salubong dito.

"May dala-dala akong pagkain, sabay na tayong kumain" saka inisa-isang ilabas ang mga pagkain na dala dala nito sa plastic.

"Wait, nagkakamali ka ata, hindi pa natin break ahhh" pagtataka nyang tanong dito.

"Why? Baka kasi hindi ka nag-breakfast, kaya sasabayan kita" pagkatapos ay nakita nyang tinuloy nito ang pag-aayos ng mga pagkain.

"Baka naman mapagalitan tayo ng mga Boss nyan"

"Don't worry, hindi kita papagalitan" bigla namang sagot nito sa sinabi ng dalaga.

Nakagaanan nya na rin ng loob itong si Jarred kahit ba dalawang araw pa lang silang magkatrabaho. Magaling din kasi itong makisama. Natutuwa sya dahil at least ay hindi sya masyadong nabo-bore dito sa trabaho nya kahit na hindi kagaya nang ginagawa nya sa ibang bansa at isa pa ay may tumutulong sa kanya. Doon kasi ay nasa public hospital sya. Ibig sabihin ay sunud-sunod ang mga pasyente na dumarating. Samantalang dito, masyadong madalang, karamihan ay puro mga empleyado lang din nila.

Sa totoo lang ay hindi talaga sya kuntento sa lugar na 'to, if she'll continue to stay in this company, tendency is, her chance to grow professionally will be limited at yun ang ayaw nya sanang mangyari. Kung hindi lang sana sa kundisyon ni Yosh sa kanya ay mag-aaply na lang sya sa mga pampublikong ospital.

"Uy kain na, alam ko gwapo ako pero wag mo namang ipahalata"

"Asus, mga padali mo." Sinimulan na nyang galawin ang mga pagkain na inihanda nito. At nagsimula na silang kumain.

Pagkatapos nilang kumain ay sya na ang nagligpit, mag-iinsist pa nga sana itong si Jarred pero hindi na sya pumayag.

Nagpaalam na rin agad ito pagkatapos nilang kumain. Ilang sandali lang ay may biglang pumasok ulit sa opisina nya. Ganon na lang ang gulat nya ng makita ang anak nya na tumatakbo papalapit sa kanya.

"MOMMMMMMY!!!!!" malakas na sigaw ni Zian Xander papasok sa opisina nya.

"Baby?" agad syang tumayo para salubungin ang anak.

"What are you doing here? Paano ka nakapunta dito, don't tell me?" tumingin ulit sya sa pinto and there she saw him with his black v-neck shirt and white maong short.

Nakita nya namang umiwas ito ng magtama ang kanilang mga paningin.

That body again. Bulong nya. Halos kumakawala sa suot-suot nitong damit ang mga muscles nya sa katawan at muli ay naalala nya ang nangyari sa kanila kagabi.

"Mommy, gala po tayo, gusto ko pong pumunta ng mall" nabigla sya sa gustong gawin ng anak.

"Sandali lang baby hah, Mommy will talk to Daddy" iyon lang pagkatapos ay lumapit sya kay Yosh. Kinarga nya ito at isinampa sa upuan para makaupo.

"What is the meaning of this?" mahina nyang sabi kay Yosh.

"What?" pagtataka namang tanong nito.

"Akala ko ba ayaw mong malalaman nila ang tungkol sakin at kay Zian? Bakit mo sya dinala dito?" mahina nyang sambit dito upang walang ibang tao na makarinig.

One Poor Prince (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon